Jao's POV
Hindi ko ba alam, pero imbes na sa ospital ay mas pinili kong iuwi si Lindy sa aming bahay. I feel like all she needs is the comfort of our home, not the alcohol-smelled hospital.
Pagkarating ay maingat ko siyang ibinabad sa tub na mayroong mainit na tubig. Halos pahirapan pa ako kanina na i-akyat siya sa aking kwarto dahil sa kanyang kabigatan. I felt like I carried a one sack of rice. God!
I waited until she's finally okay. Nang maramdaman namang hindi na siya nanlalamig ay mabilis kong tinawag si ate Clara para mabihisan siya. Sa hindi naman inaasahang pangyayari ay kinailangang umuwi ni ate Clara para daluhan ang anak niyang nilalagnat 'raw.
Napa-buntong hininga nalang ako ng mapag-tantong naiwan kaming dalawa. She's still unconscious and currently sleeping at my bed while all I do is to stare at her. Napa-iling ako ng makita ang kainosentehan ng kanyang mukha. Sinong mag-aakalang sa likod pala nito ay ang isang brutal na babaeng laging naninipa?
“Ang tanga mo naman lawlaw.” — mahinang usal ko atsaka bahagyang tinuktok ang kanyang ulo ng ma-realized ang nangyari kanina.
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kung paano siya nakarating sa hukay na yun. Her stubborn traits probably sent her to that incident. Hindi na ako magtataka kung sa sobrang kakulitan niya ay may mas malala pang mangyari sa kanya.
Habang lumalalim ang gabi ay hindi ko naiwasan ang makaramdam ng antok. And because she's currently sleeping at my bed, I got no choice but to lay beside her. Bukod naman kasi sa malawak ang aking kama ay walang malisya sa amin ang pagtatabi dahil lagi naman namin iyong ginagawa noong hindi pa kami nag-aaway.
I turned the stereo on before sending myself to sleep. Nakadagdag naman sa antok ko ang musikang inilalabas nito.
“The strands in your eyes, the color them wonderful stop me and steal my breath.”
Pagkamulat ay ang mahinang musika agad mula sa stereo ang dumaungdong sa aking tainga. Bahagya akong napa-silip sa orasan at nag kunot ng noo ng makitang 2:30 pa lamang ng madaling araw.
“Emeralds from mountains, thrust towards the sky, never revealing their depth. So tell me that we belong together. Dress it up, with the trappings of love..”
Gusto kong magtaka dahil sa aking biglaang pag gising pero tila ba agad na akong nagulat ng maramdaman ang isang malambot na bagay na kasalukuyan ay nakapulupot sa aking baywang.
Pasimple ko itong sinilip at nagulat ng makita ang braso ni Lindy. She's currently hugging me from behind and it's giving me an odd feeling that is so ineffable.
Handa na sana akong tanggalin ang kamay niya dahil sa pag-aakalang hindi ito sinasadya ngunit nang bigla siyang magsalita ay mabilis akong natigilan.
“Thank you, halimaw.”
I almost gasped on how mellifluous her voice is. Para iyong nanghehele sa rahan at lambot.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay nagpipigil ako ng hininga para lang hindi niya malaman na nagising ako ng mga pag yakap niya.
“Masyado akong takot kanina, halimaw.. buti dumating ka.”
Her line touched my soul. Pakiramdam ko ay nanlambot ako bigla lalo na ng marinig ko ang kanyang impit na pag hikbi. What happened awhile ago is surely traumatic for her.
In a slow turn, I move my body to face at her, not minding how close we were. Nang makaharap ay nakita ko ang pamumula ng kanyang pisnge dahil sa pag-iyak. Hindi ako makapagsalita dahil sa katotohanang wala akong masabi. I want to comfort her but I don't know how. I feel like I am losing my ability to speak. Dammit!
Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko ipunin ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako para magsalita.
“Pasaway ka kasi eh.” — I mumbled. “Please never do it again.. nag-alala ako.” — I added with full of honesty.
Imbes na sumagot ay mas lalo lang siyang yumakap sa akin, making me hold my breath for an unknown reason. The feeling is so foreign for me. Hindi ako sanay na nagkakaganito siya bigla sa akin.
Ilang minuto na ang nagdaan ngunit ganoon parin ang aming posisyon. As the time passes by, her hug is slowly setting myself into comfort. Tila ba isang bagay na mabilis kong nakasanayan.
“Jao.”
“Hmm?” — I asked as she whispered my name.
“I'm hungry.” — baton niya.
Hindi ko naiwasan ang mapangiti dahil sa sinabi niyang iyon. She sounds like a little kid despite the fact of her being a woman.
Hindi ako sumagot, sa halip ay marahan kong itinanggal ang kamay niyang naka-pulupot sa akin atsaka tumayo.
“Where are you going?” — she asked. Bigla pa siyang napa-upo sa kama para silipin ako.
“I'm going to cook for you.” — I answered.
Lumabas ako sa aking kwarto atsaka pumunta sa kusina para maipagluto siya. Naramdaman ko naman ang pag sunod niya kaya pagkarating sa lamesa ay ipinanghila ko siya ng upuan at inalalayan paupo. As I touched her skin, ramdam kong nang-iinit parin siya. She still have a fever.
I decided to cook a porridge for her. Nang matapos naman ay inilagay ko iyon sa harap niya para masimulan na niya ang pag kain.
Halos nakatingin lang ako sa kanya buong oras ng sinimulan na niyang sumubo. Amazement is immediately drawn on her face.
“Wow. Hindi ko alam na marunong ka palang mag luto. It tastes great.” — she complimented.
Hindi ako naka-sagot at nag kibit-balikat nalang. Hindi ko naman naiwasan ang mapangiti ng makitang parang takam na takam siya sa kinakain.
“Stop staring. It's rude. I'm eating.” — mahina niyang usal sabay siplat sa akin.
Hindi ko naiwasan ang mapatawa dahil sa biglaang pagtataray niya. Parang kanina lang ay nanlalambing siya, tas ngayon kung maka-arko ang kilay niya ay parang hindi niya ako niyakap kanina.
“Sorry, I can't help it.” — I whispered using my deep voice.
Hindi siya sumagot at napa-irap nalang. Ang kanyang bawat pag nguso habang sumusubo ay nakakatuwang tingnan, she looks like a hungry kid who seems to be excited with the food. And with that, hindi na ako nagtaka sa katotohanang siya lang ang naka-ubos ng lahat ng aking niluto.
to be continued..
(Click the music in the media for the featured song. Thanks!)
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
General FictionSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved