Lindy's POV
Nasa classroom kaming lahat nagkatipon-tipon dahil sa announcement diumano ng aming adviser. Habang iniintay namin ang pagdating ni professor Lim ay nagusap-usap muna ang aking mga kaklase. Inilibot ko ang paningin ko para sana maghanap ng malalapitan pero mukhang lahat sila ay busy sa kanya-kanya nilang topic.
Si Jao at Sofia ay parang may sariling mundo sa isang tabi habang si Bonnita naman ay kausap ang lalaking seatmate niya. Bigla ko namang tiningnan ang seatmate ko at napa-sapo nalang sa noo ng makitang natutulog nanaman ito. Psh! seryoso, lagi ba siyang pinupuyat ni doktora?
“Okay class, settle down.” — napalingon kaming lahat ng mag salita si professor Lim na halatang kakapasok lang. Inayos naming lahat ang pag-upo namin na para bang handa nang makinig sa sasabihin niya. Naramdaman ko naman ang pag gising ni Cloud saka umayos rin ng upo. “So I got a letter from the dean's office and it is stated there that this day will be the first and last day for your application in every clubs. The morning and afternoon class have been suspended due to the aforementioned activity.” — paliwanag ni professor Lim. Lahat naman ng mga kaklase ko ay nag-sigawan sa sobrang tuwa. “I am expecting for your whole participation for this activity. That's all! You may now go to your chosen club.” — sambit ulit nito sabay labas na ng aming room.
Napa-busangot ako ng makita ang mga kaklase kong naghahanda na para sa sasalihan nilang club, balita ko rin kasi ay may audition ang bawat club kaya parang mas lalo akong nawalan ng pag-asa.
Unti-unti nang nauubos ang mga tao sa loob ng aming classroom dahil nagsimula na silang mag-sialisan para pumunta sa kanilang chosen club. Parang naging isang pitik naman ang katotohanang ako nalang mag-isa ang natira.. well, pati pala si Cloud na halatang walang pake sa activity na nangyayari.
Napatitig lang ako sa kanya at ganon rin naman ang ginawa niya. Mukhang tulad ko ay di niya rin alam ang club na sasalihan.
“Uhm, wala kabang balak tumayo?” — awkward na tanong ko sa kanya, at sa di makapaniwalang pagkakataon ay tumingin ito sa akin ng hindi naka-busangot, mukhang good mood ito at naging maganda ang daloy ng pag-tulog.
“Anong club sasalihan mo?” — baton na tanong niya na hindi na nag atubiling sagutin yung tinanong ko. Hinayaan ko nalang ito at sinagot siya.
“Wala pa nga eh.” — naka-busangot kong sagot sabay tingin sa kawalan. Bakit ba kasi wala akong talent?
“Psh, tara.” — sambit niya sabay tumayo na sa kanyang upuan atsaka lumabas ng room.
Napatitig lang ako sa dinaanan niya at nag kunot ng noo. Pinapasama niya ba ako? Eh paano naman kung hindi pala? Edi mapapahiya ako.
Sa huli ay mas pinili kong hindi sumunod, hindi naman nag tagal ay muli siyang sumilip sa classroom dala ang pangungunot ng kanyang noo.
“Anak ng! Bingi kaba? Diba sabi ko tara?” — iritang sambit niya habang kasalukuyang naka-silip sa pinto. Lumingon-lingon naman ako para sana tingnan kung meron paba siyang ibang tinatawag pero wala.
“Ako ba?” — paniniguradong tanong ko habang nakatitig sa kanya. Mas lalo naman siyang sumimangot saka lumapit na sa akin at hinila na ang kamay ko. Hindi naman ako nakapag-react at nagpa-hatak nalang sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay nakarating kami sa malaking music room.
“Anong ginagawa natin dito?” — tanong ko habang tinititigan ang kabuuan ng lugar.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
