Enemy #59

476 59 5
                                        

Cloud's POV


After what happened last night, pinili kong hindi bisitahin si Lindy buong araw. I am sure that she needs time for herself, at kailangan ko yun ibigay sa kanya.

Bago ako umalis kahapon, may isang bagay ako na napag-tanto.. at yun ay ang gawin ang tama.

I took a glance at Lindy's note book na sampung araw ko na palang tinatago. When I reread it again, I can't help but to smile.. Mahal niya talaga si Jao.. mahal niya ang bestfriend niya.

4:24 pm na at mamayang ala-sais y media ang simula ng party kaya naman ay naisipan ko nang mag-ayos para masundo na si Lindy.

Pagkarating ko sa ice cream shop ay halos magulat pa ako ng makitang kumpleto na lahat ng mga gin kapitan.

"Oh, akala ko ba di ka sasama?" - nagtatakang tanong sa akin ni Ethan atsaka pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi naman naiwasang mag kunot ng noo ko ng makitang halos pare-pareho kaming naka-itim na tuxedo at white necktie! Tss, para kaming magkaka-kambal bigla.

"Eh pinilit ako eh." - usal ko atsaka itinuro si Lindy na naka-suot ng black cocktail dress na pinaresan niya ng black shiny mask na mata lang ang natatakpan.

Nag-kibit balikat naman si Ethan atsaka hinagisan ako ng isang itim rin na mask na natatakpan ang buong mukha. Hindi ko naman maiwasan ang mapa-busangot habang isinusuot iyon. Tss, this mask will be damn hot.

Pagka-tapos ng ilang minuto ng pag-aayos ay agad na kaming pumunta sa mansion ni tanda dala ang kanya-kanya naming mga kotse. Hinayaan ko nang sumabay si Lindy kay Manny para naman hindi na manghinala ang iba.

Pagka-rating namin sa mansion ay hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa inis. This mansion is 3x bigger than our house. Halos hindi ko na nga maalala kung kailan ba ako huling bumisita dito dahil halos pag naririnig ko palang na bibisita kami rito ay agad na akong tumatakas. Ewan ko ba, mga buwisit na alaala lang kasi ang naaalala ko tuwing nakikita ko sila.. ang mga Harvey.

Bago kami maka-pasok sa gate kung saan mayroong nag babantay na guard ay pinakita nila ang invitation para sa aming mga gin kapitan na hindi ko alam na meron pala.

Nang papasukin na kami ng guard ay hindi ko maiwasan ang mamangha. They are really fvcking rich. Halos lahat ng taong makikita sa buong mansion ay pawang mga mayayaman at galing sa mga kilalang pamilya.

Sa garden ginanap ang party at halata talagang pinag-handaan nila ito ng sobra. Everything is perfect.. from the theme, the invitation, the chairs and tables, and the services. Hindi ko maiwasan ang mapa-mura sa sobrang galante. Merong dance floor na naka-setup sa gitna at isang may kalakihang stage na pinalamutian ng mga ginto at malaking carve ng salitang "Dylan @ 60"

May table na naka-assign para sa amin kaya naman ay doon kami muna tumambay habang hindi pa nagsisimula ang party. Naging mahirap para sa amin na aninagin ang bawat bisita para tingnan kung may kakilala ba kami dahil halos lahat ng tao ay naka-suot ng maskara.

"Yung mga instruments ba naka-assemble na sa backstage?" - narinig kong bulong ni Rey.

"Oo, andun na lahat." - baton naman ni Henry.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon