Enemy #71

344 55 1
                                    

(Read at your own risk.)


Lindy's POV


9:45 pm

Kasalukuyan kaming nasa park ni Jao at pawang natahimik dahil sa pagbabalik eksena ni Sofia.

'Damn, what is she planning? Baliw lang ang maniniwala na ang totoong motibo nga niya ay ang ipa-renovate ang bagong nirenovate niyang condo. This is beyond desperation!'

“I'm sorry Lindy.. I can't stop my parents.” — narinig kong usal ni Jao habang naka-yuko.

Napa-buntong hininga naman ako atsaka tumingala sa langit.

“The thing that I don't understand is.. bakit kailangan pa nilang hayaan na sa kwarto mo siya matutulog? May guest room naman kayo ah.. or at least sa kwarto ko nalang siya matulog.” — naka-ngiwing baton ko.

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni halimaw na halatang kinakalma ako.

'Jao knows how I hate Sofia, at hindi na nga ata talaga kami magkaka-sundo kahit kailan.'

When we got home, pinanatili kong bukas ang pinto ng aking terrace para naman marinig ko ang mga maaring usapan nila. Hindi ko alam kung gaano katagal mananatili si Sofia sa bahay nila Jao pero medyo kampante rin ako dahil alam kong hindi sila nagtatabi sa pag tulog. Jao is sleeping in the couch samantalang solong-solo naman ni Sofia ang malawak na kama.

I didn't sleep at peace because of Sofia's presence. Pakiramdam ko habang andito siya, hindi ako ligtas. Ewan ko ba.

I woke up early and prepared myself for school.. at pag labas ko ng gate ay napa-ngiti ako ng makita si Jao na naka-sandal sa kotse niya at nag iintay sa akin.

“Morning.”I greeted him.

Bigla namang napa-angat ang ulo niya at napa-ngiti ng makita ako.

“A beautiful morning.” — naka-ngiting usal niya astsaka mabilis akong hinalikan sa pisnge.

Gulat naman akong nag palinga-linga sa takot na baka may maka-kita.

“Loko ka talaga.” — natatawang usal ko sa kanya.

“That's how you greet a person you're in a relationship with, Lawlaw.. gusto mo bang ituro ko pa sayo?” — naka-ngising tanong niya.

Napa-iling nalang ako habang nangingiti dahil sa pinagsasasabi niya.

Pumunta siya sa pintuan ng passenger seat at pinagbuksan ako, handa na sana akong pumasok pero hindi ito natuloy dahil sa biglaang pag tawag ni tita Jayda kay Jao.

“Jao, wait for us!” — narinig kong sigaw ni tita Jayda dahilan para mapatayo kami ni Jao ng tuwid at intayin ang pagdating niya.

Nang tuluyan ng maka-labas si tita sa gate at biglang nag kunot ang noo ko ng makita kung sino yung taong kasama niya at kahawak niya ng kamay.. si Sofia.

“Yes 'ma?” — tanong ni Jao.

Agad namang lumapit si tita sa amin habang hawak-hawak parin ang kamay ni Sofia.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon