Enemy #90

364 42 0
                                    

Lindy's POV

Sabi nila, ang pinaka-masakit na pagpa-paalam daw sa mundo ay yung mga walang pasabi. Yung tipong gugulatin kasi walang warning.. Nakaka-baliw. Nakaka-praning.

Kinabukasan ay naalipungatan ako dahil sa mahihinang hikbi ng isang taong pinaglalaruan ang kamay ko.

Pagka-dilat ko ay halos magulat ako ng makita ang mga magulang ko na naka-upo sa gilid ng aking kama. Halatang hindi nila napansin na nagising na ako dahil pareho silang naka-tingin sa isa't-isa.

Patuloy paring umiiyak si mama at hinahawakan ang kamay ko habang inaalo naman siya ni papa. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang kalagayan ko pero halos mag humarentado na ang puso ko dahil sa tuwa.

“M-mama, papa..” — usal ko sabay pakawala sa mga luha na kanina pa gustong tumulo.

Pareho silang napatingin sa akin at bahagya pang nagulat ng makitang gising na ako.

“Oh! My baby!” — emosyonal na sambit ni mama atsaka mabilis akong niyakap. Ganun rin naman ang ginawa ni papa kaya mas lalo akong natuwa ng muling maramdaman ang mga yakap nila.

“I miss you po..” — bulong ko habang humihikbi. “Are you both still mad?” — I asked.

“N-no.. we're never mad, babygirl..” — si papa ang bumaton atsaka hinalikan ang ulo ko.

“P-paano niyo po nalaman na andito ako?” — tanong ko habang patuloy paring umiiyak.

“Jao told us..” — baton ni papa habang naka-yakap parin sa akin.

‘Nag-usap sila nina Jao? So this means tanggap na nila yung relasyon namin?’

We spent the whole time crying together and telling each one how much we miss each other.. and that feels like heaven for me.

Pagka-tapos ng aming madramang pag tatagpo ay sabay-sabay kaming kumaing isang pamilya. Hindi ko maiwasan ang matuwa habang pinapanood ang aking mga magulang na nagtatalo tungkol sa kung sino ang mag-susubo sa akin. Bago pa man sila magka-pikunan ay inunahan ko na sila at sinabing kaya ko naman ang kumaing mag-isa.

Huling beses na kumain kami ng sabay-sabay ay halos nung nakaraang taon pa, and now.. damn! I can't define how happy I am right now!

Halos hindi ko namalayan ang pag takbo ng oras dahil sa presensiya ng aking mga magulang. Based on their smiles, I can say that we're all already good.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng mapansin kong kanina pa wala ang presensiya ng isang taong gusto kong makita.

Luminga-linga ako sa buong kwarto para silipin kung andoon ba si Jao pero wala akong nakita. Naka-tulog na kasi ako kanina pero wala parin siya.

“Lindy, is there something wrong?” — narinig kong tanong ni mama ng mapansin niya ang paglinga-linga ko na para bang may hinahanap.

Napa-tingin ako sa mga mata ni mama at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad na naglaho ang mga ngiti niya.

“Uhh, si Jao po?” — tanong ko atsaka inilipat ang paningin kay papa.

Nag kunot ang noo ko ng tumingin sila sa isa't-isa na para bang nag babangayan pa kung sino ang unang magsasalita. Sa huli ay narinig ko ang pag buntong hininga ni papa bago hinaplos ang aking ulo.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon