Enemy #03

947 106 3
                                        

Lindy's POV


Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ng pagka-gutom.

Hindi ako nakapag-almusal ngayon dahil medyo nagtatampo pa ako kay mama dahil sa pag confiscate niya ng mga gadgets ko. Naka-freeze rin ngayon yung allowance ko kaya naman ay wala akong pambili ng pagkain.

And with this hardships I'm currently encountering, lahat ng 'to ay isinisisi ko sa halimaw na yun.

Pst, lawlaw.”

Kung di dahil sa kanya, nasa akin pa sana ngayon yung phone ko, at sana hindi rin naka-freeze ngayon yung allowance kom

Uy, Lindy lawlaw panty!

Edi sana may pambili ako ngayon ng pagkain.

Hoy, manang na lawlaw panty!

Napa-sapo ako sa aking noo ng maramdaman ang kung sino nanamang animal na naka-sunod sa akin.

Jusko naman, ang aga pa masyado para masira yung araw ko.’

Naglakad lang ako ng deretso at hindi siya pinansin, ayaw ko masira ang araw ko ngayon sa totoo lang, kaya iiwasan ko muna siya.

Kasalukuyan ako ngayong nasa aming paaralan na masasabi kong walang kapayapaan dahil sa presensiya ni Jao. For goodness' sake! Everyday feels like a living hell because of this beast.

Ah, ayaw mo mamansin ha.” narinig kong sabi nya.

Nanatili lang akong nakatalikod at bored na naglakad. Naramdaman ko namang lumapit siya sa likuran ko at parang buntot na sumunod sa akin.

Pinakiramdaman ko ang ginagawa niya pero maya-maya pa ay bigla na siyang naglakad ng mabilis at iniwan ako. I just shrugged my shoulders as I watch him walking away. Well, buti naman naisipan niyang mapagod sa pangungulit sa akin.

Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad na papunta sa aming classroom. As far as possible, gusto ko sana matapos 'tong araw na 'to ng walang gulo.


Pfft. Hahaha”

Napa-talis ang mga mata ko nang maramdaman ang pagtatawanan ng bawat estudyanteng nadadaanan ko.

Pinabayaan ko nalang sila at naglakad na papunta sa aming classroom, pero habang papalayo ako ay mas naglalakasan ang mga bulungan at tawanan nila. Lumingon-lingon ako para sana tingnan kung sino ang dahilan ng kanilang kumpulan pero mas lalo lang nangunot ang aking noo ng makitang ako lang naman ang naglalakad sa corridor.

Their actions confused me but I didn't give any reactions, sa halip ay nag patuloy nalang ako sa paglalakad.

Nung malapit na ako sa classroom ay nakita ko si Jao na naka-abang sa pinto habang ngumingiti na parang adik. Iyon yung ngiting parang pang tarantado.

Hindi pa man ako nakaka-pasok ng tuluyan sa room ay linapitan na ako ng isa sa mga kaklase ko at bumulong. "Lindy, ano yang nasa likod mo??"natatawang tanong niya.

I puckered my forehead as I start touching my back to check for it. Napa-maang naman ako ng maramdaman ang isang papel mula doon.

Mabilis kong kinuha ang papel mula sa aking likuran at inis na binasa ang nakasulat doon.

Ako ay isang dugyot! Ang panty ko ay lawlaw! Kaya ang pangalan ko ay Lindy lawlaw panty!

I almost gasp with exaggeration because of what I've read. Mabilis namang hinanap ng mata ko si Jao na ngayon ay tumatakbo na papalayo.

Jao!” — tanging naisambit ko bago tumakbo para habulin siya.

With all my might, I used my running skills to chase Jao. I can feel my mouth quivering because of anger as I continued gazing sternly at my opponent.

Halos malibot na namin ang buong campus sa kakahabol ko sa kanya. Maraming estudyante ang pinagtatawanan kami, habang may iilang mga teacher naman ang nakikisali upang masaway kami.

Pagod na pagod man ay hindi ako tumigil sa pag-habol sa kanya hanggang sa mapadpad kami sa principal's office at na-corner ko sya! Para akong nanalo sa lotto sa sobrang tuwa habang iniisip kung ano ba ang pwede kong gawin para magantihan siya.

Lumingon-lingon ako at naghanap ng pwede ipamalo o ipambato sa kanya. Both of us are gasping for air.

Ano namang hinahanap mo ha?” — tanong niya ng puno ng kaangasan.

Hindi ko siya pinansin ay nag patuloy lang sa kakalinga hanggang sa parang may light bulb na sumindi sa aking ulo ng makita na ang aking hinahanap.

Everything moves in a slow motion habang dahan-dahan kong kinukuha yung malaking bato sa tabi ng halaman. I continued covering the way to keep him cornered. And there, a devilish thought pops in my mind.

“Teka, anong gagawin mo diyan?” — tanong niya na halatang nagtataka sa batong kasalukuyan ay hawak ko.

Lumapit ako sa kanya at nakipag-bangayan gamit ang aking mga mata. Napansin ko naman ang pag-atras niya kaya ay mas lalo pa akong lumapit hanggang sa napasandal na siya sa pinto ng principal's office na nasa dulo ng hallway. Wala na siyang matatakasan.

“Teka Lindy, pag-usapan natin to.” — wika niya habang nakalahad ang dalawang kamay, sumusuko.

Tangina mo.” — natatawang sambit ko dahil sa sinabi niya. “Wala na tayong dapat pag usapan Jao! Wala na!” -— sigaw ko sabay mabilis na ibinato ang batong hawak ko sa direksiyon niya.

Parang nag slow motion ulit ang lahat sa paningin ko habang papalapit sa kanya ang bato, ngunit nung isang dangkal nalang ang pagitan nito sa mukha niya bigla syang yumuko.

Hindi sya natamaan pero biglang bumukas ang pintuan ng principal's office at inuluwa ang kunot-noong principal namin na halatang naiingayan sa nangyayari. I gasped when I saw the stone landed at our principal's forehead.

Oh my God!

Dahil sa impact, mabilis na napahiga si principal at gulat na napatingin sa dingding ng kanyang office. His eyes are widely open as if he doesn't expected the sudden attack from his students.

“Omg sir, are you alright?” — alalang tanong ko at nilapitan siya. Tumabi naman sa akin si Jao na halatang nag-aalala.

Hindi siya sumagot at nanatili paring naka-buklat ang mga mata. Maya-maya pa ay halos mapa-uwang ang bunganga ko ng makita ang pag tulo ng dugo mula sa noo niya.

Ilang pikit-mulat muna ang ginawa ni Mr. Esquilla bago niya ipikit ang kanyang mga mata, at sa oras na iyon, kaming dalawa ay naalarma.


to be continued...

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon