Lindy's POV
Kasalukuyan kami ngayong nasa clinic habang sinisermonan ni Mr. Principal. Kagigising lang niya mula sa pagkakahimatay at hindi na maipaliwanag ang pag-aalburuto niya. His face is red because of anger while all I do is to bow my head because of guilt.
"Ano namang naisipan nyong mga bata kayo para magbatuhan ng bato ha?!" - sigaw ni Mr. Principal habang nakatingin sa aming dalawa.
Nakayuko lang kaming pareho ni Jao at halatang pawang mga takot na magsalita. Ang mga bunganga namin ay parehong naka-tikom habang tinatanggap ang sermon ng lalaki na ngayon ay may tapal sa ulo.
"Sagot!" — he shouted, urging us to answer.
Our principal might have a funny vibe, pero marami parin ang natatakot sa kanya dahil sa katotohanang mainitin ang ulo niya. And by this time, para bang gusto ko biglang sapukin ang ulo ko dahil sa kapalpakan na ginawa ko kani-kanina lang.
"Mr. Principal, siguro po pwede na akong umalis dito no? Hindi naman ako ang nakabato sayo eh." - sambit ni Jao habang nakatingin sa akin, nanunuya.
"Uy, Anong ako?! Kasalan mo rin naman ah! Pananagutan nating dalawa to!" — sigaw ko naman sa kanya. Shit. I'm nervous.
“Wow ha! Eh ikaw nga tong napaka-brutal sa akin kahit di naman inaano eh.” — maang-maangan nyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko. Pinandilatan ko siya ng may halong pagbabanta.
He's trying to put all the blames on me and I won't let that to happen!
"Hoy FYI! Ikaw nga ang may kasalanan ng lahat ng ito eh! Napaka-sinungaling mo talagang halimaw ka!" — gigil ulit na sambit ko habang nakatingin ng masama sa kanya. "Konti nalang masasapak na talaga kita!" - dugtong ko pa.
"Oh talaga sasapakin mo ko? Sige nga!" — panghahamon niya habang inilalapit ang kanyang pisnge sa akin.
Inilahad ko ang kamay ko sa ere at handa na sanang sapakin siya ng biglang magsalita si principal.
“Enough! Go home and tell your parents that I want to talk to them regarding with your behaviors." — seryosong wika niya.
Nagulat kaming dalawa ni Jao at nag-tinginan. No matter how brutally we fought, ayaw na ayaw namin na makarating sa mga magulang namin ang ganitong issues.
“Sir, wag po.." — mabilis na sambit ni Jao na mabilis ko namang tinanguan bilang pag-sang'ayon.
Tiyak na pag malaman nila mama ang tungkol dito, lagot kaming pareho. Paniguradong magkakaroon nanaman ng fliptop battle sa bahay pag makarating sa kanila ang balitang ito.
"Sir, kahit ano po wag lang po ipatawag ang parents namin.” — sambit ko kay sir sabay hawak sa braso niya. Desperation is very evident in my voice.
“Oo, nga sir.” — pag-sang'ayon naman ni Jao.
But of us are looking at the principal with hopeful eyes. It's like we're tricking him using our innocent eyes which at some points has no use.
"No. I want to talk to your parents.” — seryosong sagot nito, halatang wala nang balak mag-palit ng desisyon.
“Sir please, kahit ano wag lang yun.” — bulong ni Jao, nagsusumamo.
Mabilis na napalingon si principal sa kanya ng may kinang sa mga mata. It's as if, what Jao had said caught his attention.
"Talaga kahit ano?" — tanong ni principal na nababahiran na ng ngiti sa labi.
“Opo!” — sabay naming sagot ni Jao.
Nakita kong umintsik ang mga mata ni principal na para bang inoobserbahan kami bago tumango-tango. He sighed before speaking again.
“Okay, 5 days punishments for the both of you.” — mabilis na wika nito na para bang iyon ang desisyon niya simula pa kanina. “Now, sign this slip that serves as our contract. What you've done is a major offense. Failed to do it, you'll be facing expulsion!” — he added.
Halos magulat kami ni Jao dahil sa sinabing iyon ng punong-guro. Expulsion is not a joke! At ang mas nakakagulat pa roon ay naka-handa na ang slip na kailangan naming pirmahan. Para bang planado na ito at nag-iintay lang ng pagkakataon na maipataw sa amin.
Nung iniabot niya na sa amin ang slip ay halos mapa-uwang ang labi ko sa gulat.
We, Lindy Valleña and Jao Supamacho, promise to do our 5 days punishments without thinking of disobeying it. We agree that if we failed to do the mentioned tasks below, we will face the expulsion peacefully.
1st day — Clean the school public CR
2nd day — Clean the freedom wall
3rd day — Clean the abandoned room in the rooftop.
4th day — Clean the old garden.
5th day — surprise
Halos mapanganga ako sa dami ng punishment na ibinigay sa amin. Halatang sinadyang hirapan ng sa gayon ay expulsion ang kaharapin namin.
My curiosity arises as I reread what's written on the day 5. Surprise. Ano naman kayang sorpresa iyon?
Masama kong tiningnan si Jao at ganun rin naman siya sa akin. Halatang kahit anong oras ay handa nang magsisihan dahil sa nangyayari. Sa huli ay ako lang rin ang nag-iwas ng tingin na napa-nguso. I want to tantrums right now 'cause this is absolutely not right!
Mabilis akong tumayo para sana umalis pero agad akong pinigilan ni principal. Doon ko lang nakita na nakatayo na rin pala si Jao at halatang handa nang kumaripas palabas.
“And where do you think you're going?” — tanong ni principal na kausap kaming dalawa.
I sighed before secretly rolling my eyes.
“Start na ho ng klase, sir. Pupunta na ako sa classroom namin.” — wika ko sabay silip sa aking relos.
Napa-titig sa akin si principal bago bahagyang tumawa. It's as if what I've said is a big joke.
“And do you think I'll let you go to your classes while you two are under my punishment?” — nanunuya niyang tanong. “Absolutely no!” — he shouted.
“But sir--”
“Quit it, Mr. Supamacho! Your punishment will start now.” — pampuputol nito sa sasabihin sana ni Jao.
I gasped when I heard his announcement.
“Ngayon na sir?” — nagugulat kong tanong even when I already heard it right.
The principal nod his head with finality. He's currently looking at us with authority and that gave me chills.
“Now, go to your first punishment area.” — he ordered, wala naman kaming ibang nagawa kundi ang sumunod.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Ficción GeneralSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
