Enemy #82

335 46 0
                                        

Lindy's POV


'Relationships are intricately linked with hardships.. and it is just up to the couple on how they can handle those situations.'

Walang pasok sa mga susunod na araw dahil sa seminar ng mga professors namin na gaganapin sa ibang bansa. Tsk, sosyalin.

Kanina pa ako gising at naka-ngiti lang habang pinagmamasdan si halimaw na natutulog sa pinaka-dulong parte ng aming napaka-laking kama.

9:00 na ng umaga at nagkaroon kami ni halimaw ng tyansa na matulog ng mas mahaba dahil sa seminar, pero sa halip na mag pahinga ay kasalukuyan ako ngayong abala habang pinagmamasdan si Jao na tulog na tulog at medyo humihilik pa.

Sa loob ng apat na buwan ng pagsasama namin, natutulog kami sa iisang kama pero napapanatili parin niya ang kanyang malayong distansiya sa akin. Kung minsan nga ay umuurong ako sa kanya para maging mag katabi kami pero magigising nalang ako na malayo nanaman ang distansiya niya sa akin. Ganyan niya ako irespeto. Solid.

Napangiti ako atsaka gumulong-gulong hanggang sa makalapit na ako sa pwesto niya. Agad ko siyang niyakap habang naka-higa atsaka muling pumikit. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga na dumadampi sa mukha pero hinayaan ko lang ito at mas lalong napangiti.

Muli akong dumilat at pinagmasdan ang mukha niya. Shocks! Ang swerte ko naman, napa-saakin ang pinaka-poging halimaw sa buong mundo. Hehe.

I can't help myself to poke his cheeks, nose, forehead, and lips. Everything about him are made perfectly. Fvck, ang ganda ng lahi ng mga Supamacho.

Halos panggigilan ko na ang mukha niya dahil sa sobrang ka-cutan pero nanatili parin siyang tulog at hindi umiimik.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapantasya sa kanya ng bigla kong makita ang wallet niya na naka-siksik sa gilid ng kanyang unan.

Palihim ko itong kinuha at sinilip, at ganun nalang ang pagka-gulat ko ng makitang 8 thousand nalang ang laman nito. Bigla akong natigilan at natulala. Halos napawi lahat ng ngiti na ipinorma ko sa aking labi kanina.

Agad kong tiningnan si Jao at nakita itong gulat na naka-titig sa akin. Hindi naman ako naka-react ng bigla niyang hablutin ang wallet sa kamay ko at mabilis na puma-ibabaw sa akin. Sa isang iglap ay nawala na ang wallet sa paningin ko.

"Jao y-yung wallet mo--"

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng mabilis niyang siilin ng halik ang aking mga labi.

Kasalukuyan parin siyang naka-ibabaw sa akin at halatang di-nivert lang ang aking atensiyon para hindi na ako mag tanong pa tungkol sa kanyang wallet.

Simpleng pag dampi lang ang ginawa niyang pag halik pero nararamdaman ko ang marahan niyang pag ngiti habang isinasagawa ito.

‘Damn! He's teasing me!’

Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang may malalakas na pag katok ang bumalabog sa amin ni halimaw. Halata namang nagulat siya dahil halos mapa-balikwas pa siya mula sa pagkaka-patong sa akin at napa-tayo ng tuwid.

Nagka-titigan kami at mabilis na lumapit sa pinto kung saan patuloy paring kumakatok ang nasa labas.

Pagka-bukas na pagka-bukas palang namin ng pinto ay halos mapa-igtad na kami sa gulat ng makita ang may'ari ng apartment na masama ang tingin sa amin.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon