Enemy #45

608 68 14
                                    

(Babala: Wag muna i-play ang music sa media/thumbnail hanggat wala pang hudyat. Masisira ang imagination niyo.)



Lindy's POV

-- Acquaintance party


Halos hindi mag mayaw ang puso ko habang isinusuot ang damit na gagamitin namin mamaya sa pag perform. Hindi ako nag-suot ng dress ngayon dahil sabi raw ni kuya Rey ay dapat rockstar kaming tingnan ngayong gabi. Dapat daw ay madala namin ang angas ng aming bandang Gin Kapitan.

Binigyan kami ng kalayaan na suotin ang damit na gusto namin para sa aming presentation kaya naman halos mag panic ako sa last minute shopping na ginawa ko kaninang umaga para lang bumili ng outfit.

Nag suot ako ng black crop top at blue denim skirt na pinatungan ko ng blue denim jacket. Nag rubber shoes ako na color puti na pinartneran ko ng black socks. Inilugay ko rin ang buhok ko para mas dagdag sa aking appeal.

Halos kumaripas ako ng takbo pababa ng makarinig ako ng busina ng kotse. Susunduin kasi ako ni Ulap para sabay kaming pumunta sa university. Kanina pa ako tinitext nina kuya Rey, Manny, at Henry na mag madali dahil mag-uusap'usap pa diumano kami sa music room bago mag perform.

Pagkababa ko ay andoon na nga ang kotse ni Cloud. Naka-silip siya sa akin mula sa bintana ng kanyang kotse kaya naman ay huminto ako at umaktong nag pose. Pinasadahan naman ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa atsaka umiling at isinirado na ang bintana ng kotse.

"psh!" - daing ko atsaka padabog na pumasok sa kotse niya. Tsk. Di talaga gentleman.

Pinaharurot niya ang kotse niya patungo sa university at laking pasasalamat naman na walang traffic dahilan para agad kaming makarating.

7:30 pm ang simula ng party at meron nalang kaming 20 minutes para mag usap-usap bago mag perform.

"Wow prinsesa ang ganda mo!" - sigaw ni Henry na siyang sumalubong sa amin. Tinapik ko naman siya sa braso ng makaramdam ng hiya.

Lumapit rin sa gawi namin sina kuya Rey at Manny atsaka pinuri ako. Si Ulap ay naka denim jeans at naka-leather jacket, samantalang sina kuya Rey, Manny at Henry naman ay naka black oversize sando na halos makita na ang kabuuan ng dibdib, na pinartneran ng jeans. Cool hehe.

"So yung mga musical instruments natin ay naka assemble na lahat sa backstage. Dapat lahat tayo ay updated sa mga phones natin lalo na't magkaka-hiwalay tayo ng seats dahil by course daw ang seating arrangement sa auditorium." - pahayag ni kuya Rey. Tumango naman kaming lahat bilang pag-sang'ayon. "So ready naba kayo?" - muling tanong ni kuya Rey.

"Yes!" - sigaw naming lahat.

"Guys, nag text na sa akin ang organizer, pinapupunta na daw tayo kasi 5 minutes nalang ay magsisimula na ang party." - usal ni Henry habang naka-tingin sa kanyang cellphone.

Muling bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina. Halos sa tatlong kanta kasi namin ay sasabay ako, maliban lang sa Ang huling El Bimbo na second voice lang ang ambag ko.

Enemy vs Enemy | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon