Lindy's POV
Kinabukasan ay halos mga 9:00 am na rin kaming lahat nagising dahil sa kapuyatan, at dahil ito na ang second day namin sa resort ay napag-planuhan namin na mag swimming ng sabay-sabay.
Nakita ko ang aking ka-roommate na sina Sofia at Bonnita na naka-suot ng one piece, samantalang ako naman ay nag suot lang ng summer sando at summer shorts. Wala eh, swimsuits are really not for me.
Pagka-baba namin sa pool area ay halos mambilog ang mga mata ko sa aking nakita.
‘Fvck! Halos lahat ng mga babae kong kaklase ay naka two-piece at one-piece! At ako lang talaga ang nag iisang naka-sando sa kanila. Ang mga kalalakihan naman ay naka-topless with their sizzling body, pati si Jao!!’
Bigla akong umupo sa isang sun lounger at nanahimik, paano ba naman, nagpapa-gandahan sila ng mga swimwear samantalang ako... Aish! Nevermind, ang importante may saplot.
Lahat ng mga kaklase ko ay pawang nag-kukulitan habang papunta sa pool, samantalang ako naman ay nag desisyon munang humiwalay sa kanila. Mahirap na no, baka mapag-kamalan pa akong elementary pag sumama ako sa kanila.
“Alone?” — bigla akong napa-lingon sa upuan na katabi ng akin ng biglang mag salita si Ulap mula roon.
“H-ha? H-hindi.. maya-maya ko pa kasi balak mag swimming.” — baton ko sa kanya atsaka pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Kasalukuyan siyang naka-suot ng summer shorts at long-sleeves! Seryoso, wala ba siyang balak mag time break sa pag suot ng long sleeves kahit isang araw lang?
“What?” — taas kilay niyang tanong ng mapansin niya ang mga pag titig ko.
“Ayaw mo bang mag topless tulad nila?” — tanong ko atsaka itunuro pa ang mga kaklase kong lalaki na ngayon ay nagkukulitan habang nasa pool.
“Eh ikaw, bakit di ka rin naka swimsuit tulad rin nila?” — pabalik niyang tanong atsaka ituro ang mga kaklase kong babae.
“Eh at least yung suot ko pang swimming, eh ikaw? Jusmeh, halos araw-araw ka nalang naka- long sleeves.. haler, nasa lugar ho tayo kung saan marami ang tubig.” — mapang-asar kong baton sa kanya.
“Bakit, necessary bang mag topless pag maliligo sa pool?” — naka-ngisi niyang tanong.
“Uhm, Oo?” — patanong kong baton sa kanya. Nagkibit balikat naman siya atsaka nag sindi ng yosi. Hindi naman ako nag ingay at tumingin nalang sa mga kaklase ko na ngayon ay naglalaro na ng paunahang mag langoy.
'Fvck, nakaka-inggit.'
Bigla akong napalingon kay Cloud ng buong pwersa niyang hilain ang wrist ko dahilan para mapatayo ako.
BINABASA MO ANG
Enemy vs Enemy | ✓
Художественная прозаSa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved