Pumasok ang mga first year na nais maging part ng Shohoku basketball team. Dahil maganda ang performance ng Shohoku sa mga nagdaang taon madami ang nagnanais mapabilang sa basketball team nila. Nakatayo sa gitna sina Ryota, Ryoca at Kezzia.
"Okey! Okey! I'm Kezzia Sendoh the team manager. Mga first year fall in line. Tell your Name, Year and Section, Position, at special skills sa basketball" utos ni Kezzia
"As the team captain ayoko ng pasaway sa team, bawal pahirapan ang team manager." Sabi ni Ryco at inakbayan si Kezzia, dahil dun nakatanggap sya ng batok mula kay Miyagi
"Buti nga, feeling kasi." Sabi ni Kezzia sabay belat kay Ryco
"Coach naman, napapahiya ako." sabi ni Ryco, then napansin nyang masama ang tingin sa kanya nung isang first year na nasa linya. Nilapitan nya ito "At bakit ang sama mong makatingin uhuging first year?" tanong nya.
"Wala po captain." Sabi nito
Sunod sunod na nagpakilala ang mga first year, habang nagpapakilala sila nagsusulat si Kezzia ng mga informations ng mga ito. "Next" sabi ni Kezzia ng biglang mamula ang mukha nya "ang gwapo!" Sabi ni Kezzia sa isip nya
"Toby Rukawa, 1st year, kaya kong laruin any position sa loob ng court. Pero pinaka gusto ko ang maging power forward. Magaling akong shooter mapamalapit o malayo."
TOBY RUKAWA anak nina Kaede Rukawa at Ai Rukawa, nakuha nya ang talent ng Daddy nya sa basketball, at lalong napaghusay dahil nagabayan sya nina Kaede at Hanamichi sa paglalaro. Nakuha nya ang looks ni Kaede, matangkad at chick magnet din sya same ng Dad nya, pero hindi sya suplado at palagi syang nakangiti.
"At bakit ka naman namumula? Crush mo sya?" tanong ni Ryco kay Kezzia
Ngumiti si Kezzia "Oo, ang gwapo... ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito bukod kay coach," Namumulang sagot nito kay Ryco , dahilan para mainis si Ryco at mapangiti naman si Toby sa kinatatayuan nito
"Next" sabi ni Kezzia
"Yuan Mito katulad ni Toby kaya ko ring laruin kahit anong position sa loob ng court, pero small forward ang pinaka gusto ko. Magaling din akong shooter. Kami ni Toby ang binansagang Twin Ace ng Kanagawa nung junior high. Cute din ako at joker. Wala akong girlfriend.AHAHHAAH"
YUAN MITO anak nina Yohei Mito at Amai Mito. Hindi man magaling si Yohei ang kanyang ama sa basketball naging mahusay syang manlalaro dahil sa gabay nina Kaede at Hanamichi. Good looking at cool ang personality tulad ni Yohei. Sabay sila ni Toby na tinuruan at ginabayan nina Hanamichi at Kaede sa paglalaro kaya talagang mahusay na ang dalawa at pwede ng isabay sa mga high school players kahit nung nasa junior high pa lang sila.
"Next ang daldal mo Yuan!" sabi ni Kezzia
"Dion Mitsui, 2nd year, transferee po ako from Canada State University, magaling po ako sa long shots, shooting guard, pwede ding center at power forward." Pakilala nito sabay yuko
DION MITSUI anak nina Haruko at Hisashi Mitsui, matagal silang nanirahan sa Canada at ngayon ay nagbalik sa Japan. Nakuha nya ang talent ni Mitsui sa long shots. Nakuha nya ang maamong mukha ni Haruko at hair style ni Mitsui nung junior high pa ito. Matangkad sya dahil namana nya ang height ni Takinori kuya ni Haruko. Sobrang gwapo pero marespeto at magalang na tao.
"Okey na po coach, meron po tayong 11 new members. Good luck sana tumagal kayo. Nandito lang ako ang team manager nyo, again Im Kezzia Sendoh." Sabi ni Kezzia
"May tatlo sa inyo na pamilyar sa akin ang mga pangalan. Dion kaano ano mo si Hisashi Mitsui?" tanong ni Miyagi
"Papa ko po coach" sagot ni Dion
Ngumiti si Miyagi" At kayo? Twin ace? Toby kaano ano mo si Kaede Rukawa?" tanong ni Miyagi
"Dad ko po, at crush ko po yang katabi nyo." Sagot ni Toby dahilan para kiligin si Kezzia
"Hindi itinatanong kung crush mo. Mayabang!" bulong ni Ryco
"Yuan anak ka ba ni Yohei Mito?" tanong ni Miyagi
"Opo coach." Sagot nito
"Natutuwa ako dahil ang ilan sa inyo ay nakikitaan ko ng potensyal, dahil naging teammates ko ang mga magulang nyo. Mukhang magiging lalong maganda ang taong ito para sa team ng Shohoku. Mukhang lalo tayong lalakas dahil sa mga bagong members." Sabi ni Miyagi
"nakakakilig talaga si coach. Bawat salitang lumalabas sa bibig nya mahalaga at papakinggan mo talaga. Lagi kang may matututunan sa kanya." Sabi ni Kezzia habang namumulang nakatitig kay Ryota habang nagsasalita ito
After magpakilala at makuha ni Kezzia ang mga info ng mga bagong members, pina uwi na sila at pinababalik kinabukasan para sa start ng training. Lumabas na ang ibang members ng Shohoku, pero pina iwan ni Miyagi ang tatlo sina Dion, Toby at Yuan, para kumustahin ang mga magulang ng mga ito. Papalabas naman si Ryco ng gym ng may Makita syang isang magandang babae na bago sa paningin nya. Nasa labas ito ng gym at mukhang may hinihintay.
"Sheteee ang ganda naman nito at ang tangkad. Lakas ng dating ng red hair nya. Gusto ko syang makilala." Sabi ni Ryco sa isip nya at nilapitan agad ang dalaga
"Excuse me Ms., may iniintay ka?" tanong ni Ryco
Humarap ito kay Ryco "Yes, may hinihintay ako." sagot nito
"Sino?" tanong ni Ryco na nakaramdam ng pamumula ng mukha
"Sekreto." Sagot nito then smile
"Grabe ang ganda, nakakatunaw ang ngiti nya. Hindi man lang sya kinilig saken, yung ibang mga babae halos mahihimatay pagkinakausap ko. " Sabi ni Ryco sa isip nya ng bigla itong may kinawayan.
"Bebe" kaway nito at lumapit kay Yuan
"Bebe kanina ka pa?" tanong ni Yuan
"Bebe??? Popormahan ko pa, may Bebe na pala. Pero ang ganda nya talaga. Ryco mukhang may babaeng seseryosahin ka na. "sabi ni Ryco sa isip nya at nilingon ulit ang dalaga saka lumakad palayo
"Bebe kausap mo yun?" tanong ni Yuan
"Yah, he just asked something. Bebe saan si Toby.?" tanong nito
"Papalabas na siya." Sagot ni Yuan
"Nami kanina ka pa? Sorry naghintay ka ata dyan mag isa." Sabi ni Toby
NAMI SAKURAGI only child nina Kumi at Hanamichi Sakuragi. Maganda sya tulad ni Kumi at may long red hair na nakuha nya kay Hanamichi, matangkad sya dahil matatangkad ang parents nya. Magaling din syang magbasketball dahil tulad nina Toby at Yuan nagabayan sya nina Keade at Hanamichi sa paglalaro. Pero hindi sya pinaglalaro sa official game ng basketball dahil over protective si Hanamichi sa kanya. Si Hanamichi ang nag alaga at nagpalaki sa kanya. Pinalaki sya na lahat gusto nya nakukuha nya ng grandma at grandpa nya pero sweet at magalang sya.
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...