Chapter 125

381 19 16
                                    

Habang nakatayo sina William, Mark at Bryn sa one side ng sepak court napatingin naman ang kalaban nila mula sa Sannoh sepak team."Raymond mukhang hindi maglalaro sa first regu si Ryan. Mukhang iniiwasan nyang magkaharap kayo." Sabi ni Joe teammate nito

Napatingin si Raymond sa kabilang side ng court at nakita nga nyang wala si Ryan sa loob. Ang tanging nakita nya ay sina William, Mark at Bryn "Oo nga noh, hindi sya maglalaro sa first regu. Minamaliit nya ba ako para ilaban nya sa akin ang mga ito. At sino itong kapreng spiker nla?" tanong ni Raymond. Si Raymond ang kinikilalang pinakamagaling na tekong o taga-service, isa din sya sa pinaka magaling na player sa district tournament nung nagdaang taon. Sya ang mortal na kalaban ni Ryan pagdating sa larong sepak

Lumapit si Raymond sa net "Shoyo nasan si Ryan? Bakit hindi sya maglalaro para sa first regu, iniiwasan nya bang magkaharap kami at ilampaso ko sya?" tanong nito

Dahil sa sinabi ni Raymond nakuha nito ang atnsyon nina William, Mark at Bryn "Oo hindi maglalaro si Ryan sa first regu, kame ang maglalaro." Sabi ni William

"Mukhang hot na hot ka ng maglaro. Pero nagkakamali ka, hindi ka iniiwasan ni Ryan. Pagdating sa sepak wala yung inaatrasan." Sabi ni Mark

"Sa larong sepak kami ang magkalevel ni Ryan. Bakit hindi sya maglalaro at sinong itatapat nya sa akin? Yang kapreng yan?" tanong ni Raymong habang nakaturo kay Bryn na busy sa pagwa-warm up

"Hey Bro, ako kapre, isang gwapong kapre. AHAHAAHHA by the way I know you're one of the best player here. It's my pleasure na makalaban ka sa larong ito. One more thing hindi mo pwedeng ilampaso si Captain, kasi tao sya at hindi sya panglampaso.AHAHHAHA " tumatawang sabi ni Bryn at muling nagwarm up

"Aba pilosopo ang isang to, tingnan naten mamaya ang galing mong kapre ka." inis na sabi ni Raymond sa sarili at nagsimula na ding magwarm up

"players line up." Sigaw ng umpire senyales na magsisimula na ang laro. Luminya sina Bryn, William at Mark sa dulo kasama ang coach nila. Ang iba namang players ay naka upo sa sahig para mapanood ang laro ng first regu

"Empress mag sisimula na ang laro nyo. Halina kayo, ako ang tatayong coach nyo." Sabi ni Ryan

"Ryan gusto ko sanang mapanood ang laro ni Bryn," sabi ni Empress habang naglalakad papalapit kay Ryan kasama sina Jed, KC, Rocel at Rona

"Oi Ryan, sinadya mo bang hindi maglaro para ikaw ang makasama ni Empress sa laro namen." Tanong ni Rona

"No, Rona wala akong ganong intension. Si Empress at Bryn ay malaya ng magmahalan at may basbas ko na yun. Hindi ako naglaro sa first regu dahil alam kong gusto din ni Bryn makalaban ang isa sa pinakamagaling na player disto sa district." Sagot ni Ryan

"Wow sana all nagpa ubaya." Sabi ni Jocel

"Hmmmmm oo Jocel, and I know may offer din sayo papuntang Thailand. Tatanggapin mob a, if ever na tatanggapin mo magkakasama tayo dun." Nakangiting sabi ni Ryan

"OMG I smell something." Sabi ni KC

"Sana all nagpaubaya at sana all magkakasama.AHAHHAHAH" sabi ni Rona at sama sama silang nagtungo sa kabilang side ng field kung saan nagaganap ang sepak girls

Sa boys court nagkamayan ang mga manlalaro. Sapagkakamay nina Bryn at Raymond hindi agad bumitaw si Raymond at ngumiti kay Bryn."Makikita naten ang galing mo. Nakita ko ang laro mo kahapon, oo mahusay ka pero hindi kasing husay ni Ryan para ipagkatiwala nya sayo ang regung ito." Sabi ni Raymond kay Bryn

Ngumiti si Bryn "Let the game begin for us to know. Wala pa akong laban sa buhay ko na ipinapatalo kaya kung hamon man yang sinasabi mo, tinatanggap ko." Sabi ni Bryn at tiningnan ng matalim si Raymond

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon