Nagpatuloy ang laro sa pagitan ng pinaghalong Kanagawa boys at mga anak nila. Tulad ng inaasahan ng lahat hindi sila nagpalamang sa isat isa. Nagkasubukan sa lakas at skills sina Hanamichi at Bryn, samantalang sa bilis at liksi naman nagpagalingan ang mag amang sing Ryco at Ryota. Nagpakita naman ng magandang team work sina Rukawa at Toby, sina Mitsui at Dion naman at sa 3 points shot. "Ang ganda ng laban, gusto ko ng pumasok at maglaro." Nakangiting sabi ni Fujima
Ngumiti si Sendoh "Fujima hintayin mo nang matapos ang second half. Mukhang ganadong Ganado pa si Ryota sa pakikipaglaro kay Ryco. Mahusay si Ryco at malayo ang mararating nya." Sabi ni Sendoh
"Sang ayon ako sayo Sendoh, at si Bryn mahusay syang maglaro. Kahit si Jin ang nagpalaki sa kanya hindi maiikailang anak sya ni Sakuragi. Sa porma at kilos nya ganyan si Sakuragi noong una namen syang nakaharap. Pero dahil matagal ng naglalaro si Bryn pulido ang kada tira at kilos nito." Sabi ni Maki
"May balak ka bang maglaro Maki?" tanong ni Sendoh
"Oo naman, kaya nga ako nandito. Pero mas maganda siguro kung sa third half ay yang mga bata ang kalaban naten." Nakangiting sabi ni Maki
"Sang ayon ako sayo Maki. Gusto ko ding makalaro ang mga batang iyan." Sabi ni Fujima
Sa playing court, hawak ni Yuan ang bola at nagdi-dribble, tinitingnan nya ang mga kalampi nya kung kanino maaaring ipasa ang bola. Sa point guard line mahigpit ang pagbabantay ni Ryco kay Miyagi. Sa may three point line naman ay nasa likod ni Dion si Mitsui na di malalusot dahil sa tangkad ng anak. Sa ilalim naman ay naggigit gitan sina Hanamichi at Bryn. "Kanino ko ipapasa ang bola, grabe ang mga bantay nila." Sabi ni Yuan sa isip nya
Sa pagtingin ni Yuan kay Bryn nakita nyang sumesenyas ito na ipasa sa kanya ang bola. Agad na pinatalbog ni Yuan ang bola papunt kay Bryn. Nasalo ito ni Bryn at saka nagdribble, ngumiti ito kay Hanamichi na parang hinahamon nya ito "Aba mayabang kang gung gong ka, anong ibig sabihin ng mga ngiting yan ha. Wag mo kong mayabang yabangan." Sigaw ni Hanamichi
"hindi po ako mayabang Papa, tulad mo isa din akong henyo pagdating sa basketball." Sabi ni Bryn at saka tumalon para tumira ng lay up, sa pagtalon nya sinabayan sya ni Hanamichi.
Itinira ni Bryn ang bola at saka nagpabagsak, sa pagbagsak ni Bryn kasabay ang pagpasok ng bola sa ring "Ano?" sabi ni Hanamichi
Pumito si Mito "intentional foul red number 10. 1 throw" Sabi ni Mito sabay turo kay Hanamichi
"Anong foul? Hindi ko naman sya tinamaan. Napakagulang mong gung gong ka, kanino ka ba nagmana?" sigaw ni Hanamichi
"Tama na Hanamichi, baka ma-technical ka paghindi ka tumahimik dyan." Pagsasaway ni Ryota
"Gung gong manahimik ka." sabi ni Rukawa
Bumangon si Bryn sa pagkakahiga nito at ngumiti kay Hanamichi "Papa yan po ang tinatawag na diskarte." Sabi nito
"Anong diskarte, kadayaan ang tawag dun.hindi maganda ang nangdaraya." Sigaw ni Hanamichi
"Huli pero di kulong. Pasok ang bola, may 2 points kame, may foul si Ninong Hanamichi at may free throw pa. WAHAHAHAHAH napakahusay mo Bryn. Mukhang ikaw ang totoong henyo." Sabi ni Yuan habang tumatawa
"AHAHHAAHH hindi ko akalaing may kalokohang binabalak si Bryn at kay Sakuragi nya pa mismo ginawa." Sabi ni Sendoh
"Magaling na syang maglaro at sa ganong sitwasyon naka isip pa sya ng ganon. Mukhang mahusay talaga ang anak ni Sakuraging iyan." Sabi ni Fujima
"Mukhang matatanggap mo na sya bilang manugang mo." Nakangiting sabi ni Maki
Dahil sa sinabi ni Maki agad na nagbago ang awra ng mukha ni Fujima "Ano, hindi. Napakapangahas ng lalaking yan. Hindi ko malilimutan ang kalokohan na pinaggagawa nya." Sabi ni Fujima
BINABASA MO ANG
Ball of Love
أدب الهواةLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...