Dahil sa paanyaya ni Maki kay Maica walang nagawa si Bryn kundi isama ito. Sama sama ang mga itong naglakad papunta sa parking lot, mula sa bench ay natatanaw sila nina Empress at ng sepak girls. "OMG nakita nyo yun? Mukhang ipinakilala na yung maharot na Toyotamang yun sa father ni Bryn. OMG wala na talaga akong pag asa kay pretty boy." Naluluhang sabi ni KC
"Oi KC bakit ka naluluha dyan, ganyan ba katindi ang pagnanasa mo kay pretty boy?" tanong ni Rona
"Nakita nyo na, tama ako dyan sa Sakuragi nay an. Hindi sya marunong magpahalaga sa mga babae, kakakilala pa lang nya GF nya na agad. Babaero." Naiinis na sabi ni Empress
"Wow, narinig mob a Empress ng ipinakilalang GF yung Taga Toyotama na yun? Bakit ganyan kang magreact dyan?" natatawang tanong ni Jocel
"Jelly ace lang yang si Empress, kunwari ayaw kay pretty boy kaya pigil na pigil ang feelings at pagseselos." Sabi ni Jed
"Oi Jed sinong sinasabi mong jelly ace?" tanong ni Ryan na biglang lumitaw
"OMG your BF Empress." Sabi ni KC na biglang kinuha ang bag nya
"Ayan na pala ang boyfriend mon a matagal mo ng gusto Empress, mauna na kami. Mukhang may lakad kayo." Sabi ni Jocel at saka umalis kasama ang tatlo
Dahil sa pag alis ng apat ay naiwan sina Ryan at Empress "Ano ba naman ang mga yun, bakit nila ako iniwan dito kay Ryan. Hindi ako komportable na kami lang dalawa, naiilang ako." sabi ni Empress sa isip nya
Naupo si Ryan sa tabi ni Empress at inilagay ang ulo nya sa balikat ng dalaga "Babe sorry kanina, una sorry dahil hindi kita pinanood sa game mo. Pangalawang sorry dahil hindi kita sinuportahan at pangatlong sorry dahil sa ginawa kong pag akbay sayo sa harap ng madaming tao. At huling sorry dahil nagseselos ako kay Bryn, dahil nakikita kong mas kumportable ka sa kanya." Sabi nito
Dahil sa sinabi ng binata nakaramdam ng kilig si Empress "Babe hindi mo kailangang magsorry, naintindihan ko naman. And about Bryn wala kang dapat ipagselos sa kanya dahil ikaw ang boyfriend ko at matagal na kitang gusto. Alam mo yan." Sabi ni Empress
Inalis ni Ryan ang ulo nya sa pagkakasandal sa balikat ng dalaga at hinawakan ang mga kamay nito "Babe minsan kasi yung feelings naten natatakpan ng inaakala nateng totoong nararamdaman naten. Minsan iba ang sinasabi naten sa ikinikilos at nararamdaman naten. Gusto kong maging masaya ka dahil mahal kita Babe, masaya ako kung ako ang makakapagbigay sayo ng kasayahang yun. Pero kung hindi ako just tell me, boung puso kitang papalayain para makamit mo ang happiness na iyon. Ganon kita kamahal Babe." Sabi ni Ryan
"Ryan ikaw ang gusto ko. Sana maniwala ka." sabi ni Empress
"Gutom lang yan Babe. Halika na kumain na tayo." Sabi ni Ryan at lumayo saka hinila ang dalaga
"Sige Babe tara na maglunch." Sabi ni Empress at saka humawak sa braso ng binata
"Ang sweet ni Ryan, hindi ko expected na ganito nya ako kagusto na willing syang i-let go ako para lang sumaya ako." kinikilig na sabi ni Empress sa isip nya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng binata
"Nakayakap sya sa braso ko, sana ganyan ka din pag nasa paligid naten si Bryn. Iba kasi ang ikinikilos mo sa tuwing nasa malapit sya. Kaya hindi ko maiwasang magselos at isiping sya talaga ang gusto mo." Sabi ni Ryan sa isip nya
Sa parking lot ay nagtungo sa kanilang mga sasakyan sina Hanamichi. Kasama ni Rukawa sina Mito at Hanamichi, magkasama sina Mitsui at Sendoh, sina Maki at Kiyota at naka motorbike naman si Miyagi. "Papa hindi po pala kayo nagdrive?" tanong ni Bryn

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...