Chapter 117

261 23 7
                                    

Niyakap ni Ryan si Empress "Tahan na Empress sorry sa lahat ng nangyari. From the hospital hanggang dito sa apartment. This is all my idea, gusto ko kasing malaman ang totoong feelings mo para sa akin. And now I know na mahal mo talaga si Bryn at mahal ka din nya." Sabi ni Ryan

"Waaaaaaaaaaaaaa!! Tigilan mo ko, akala nyo nakakatuwa. Bakit sa ganitong paraan. Nakaka inis na nakakapang hina. Pinagkaisahan nyo akong lahat." Galit na sabi ni Empress at muling hinampas si Ryan ng libro

"Empress huminahon ka nga, lahat ng nangyari ay Prank lang, for Ryan to know your true feelings na walang pagkukunwari. Kaya kumalma ka kung ayaw mong mamatay si Ryan sa kakahampas mo." Sermon ni Rona

"Pero bakit Ryan? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ginawa ang lahat ng ito." tanong ni Empress

Ngumiti si Ryan "Oo mahal kita Empress, kaya gusto kong makasigurado sa feelings mo para sa akin. Nakasalalay sa feelings mo kung mananatili ako dito sa Japan o hindi." Sagot ng binata

"Aalis ka?" tanong ni Empress, sa pagtatanong nito pumasok na din sina Ryco, Nami, Bryn at Yuan

Nagulat si Yuan ng makita ang humihingal na si Empress"Waaaaaaaaaaaaaaa..Empress bakit ganyan ang itsura mo? Ryan wag mong sabihing ni-rape mo talaga si Empress, akala ko ba prank lang?"tanong ni Yuan

Napakamot ng ulo si Ryan "Tol tingnan mo nga itsura ko? Bugbog sarado na ako, paano ko mare-rape ang amasonang yan?" sabi ni Ryan

Tiningnan ng masama ni Empress sina Yuan, Ryco at Bryn "Mga hayup, pati kayong tatlo kasangkot nila. Lalo ka nang Sakuragi ka." galit na sabi ni Empress

"Empress Ryan talk to me about sa gusto nyang malaman. At ako din naman yun din ang gusto kong malaman, kaya I decided to help him." Sabi ni Brynna                       

Napaupo si Empress dahil sa pagod "Pero bakit? Sana hindi sa ganitong paraan, paano kung namatay ako sa atake sa puso dahil sa ginawa nyo. Pati si Papa nadamay sa kalokohan nyo." Sabi ni Empress

Nagsuot ng t-shirt si Ryan "Empress may offer sa akin na maglaro sa Thailand, sa bansang kinikilala ang Sepak. After ng district tournament naka-set ang pag alis ko. Ayokong umalis dahil sayo, pero ngayong malinaw na sa akin ang lahat. Na may mahal kang iba at mahal ka din nya, tatanggapin ko yung offer at magpo-focus sa paglalaro ng sepak." Sagot ni Ryan

Lumapit si Bryn kay Empress at pinunasan ang mukha nito "Salamat Captain. Pero sap ag alis mo paano na ang team?" tanong ni Bryn

"Magcha-champion tayo Bryn. At after that si Ian na ang magiging Captain, makakabalik na din naman si Warren, kaya magiging maayos ang lahat." Sagot ni Ryan

Niyakap ni Empress si Ryan "Aalis ka talaga?" tanong nito

Niyakap din sya ni Ryan "Oo at sa pag alis ko magiging masaya ako para sa inyo ni Bryn. Mahal kita Empress kaya ngayon pinapalaya na kita. Maging masaya ka kasama ng taong totoo mong minamahal." Nakangiting sabi ni Ryan at nakipag high five kay Bryn

"Ryan" sabi ni Empress at niyakap ng mahigpit si Ryan

"Empress makakasama mo pa naman ako, after a month pa ako aalis. Kaya wag ka ng malungkot, And don't mind about what I feel dahil masaya akong naging honest ka sa akin at dahil mahal kita gusto kong maging masaya ka with the guy you love. " Sabi ni Ryan

"I just want to say sorry dahil binugbog kita, siguro bukas maglalabasan na ang mga pasa mo sa katawan. And thank you for being a nice guy, a nice guy na handang masaktan mapasaya lang ang babaeng kanyang minamahal. Ryan you will always have a special place in my heart." Sabi ni Empress at muling niyakap ang binata

"Ryan ako na ang bahala kay Empress, I will take good care of her. Wala kang dapat ipag alala. Sana bigyan nya ako ng chance." Sabi ni Bryn at inakbayan si Empress

"Alam ko yun Bryn, as I talk to you alam na alam ko ang awra ng isang matinong lalaki. Kaya aalis akong walang ipinag aalala." Sabi ni Ryan

"Mukhang everything went okay na Tol, pwede na siguro kameng umeksit." Sabi ni Ryco na naka akbay kay Nami

"Oo nga, pero can I take one from this girls?" tanong ni Yuan habang naka akbay kina KC at Jhed

"OMG ang gwapo this guy oh, okay you can take me for a date. Or if you want I can be your girlfriend." Sabi ni KC

"Ulala KC pwede bang manahimik ka, ako ang isasama nya. Mas bagay kameng dalawa." Sabi ni Jhed

"Gung gong ka Yuan, manahimik ka. Hey KC and Jhed wag kayong magpapa uto dyan. May girlfriend na sya, sister ko na nasa UK." Sabi ni Bryn sabay batok kay Yuan

"Awwtss naman Bro, wala naman akong balak ipagpalit si Bell. Lalabas lang kame as friends.Diba girls." Nakangising sabi ni Yuan

"Alam mo Yuan don't be like that sa mga babae. Alam naman naming habulin ka talaga ng babae pero that is not a reason para gumanyan ka." sabi ni Ryco

"Wow Captain Ryco, hiyang hiya naman ako sa isang tulad mong napakaloyal na tao. Sa pagkaka alam ko sa lahat ng lalaki sa Shohoku ikaw ang pinaka babaero.WAHAHAHHA" sabi ni Yuan sabay peace sign kay Ryco

"Wala talagang kwentang kausap ang isang ito. Ang layo layo ng ugali mo sa Papa mo." Napapa iling na sabi ni Ryco

"Bebe tama naman sila. Gusto ko you respect every girl the way you respected me. Wag kang magiging babaero." Sabi ni Nami kay Yuan

"Bebe gwapo lang, hindi babaero. Pero basta sinabi mo Bebe, I will." Sabi ni Yuan kay Nami

"So let's go Yuan, ilibre mo na lang kame ni Jed. Let's go for a friendly date, celebration na din dahil naging successful ang balak ni Ryan. And Empress and Bryn are together na." Pag aaya ni KC

"Okay friendly date with you KC and Jhed. Let's go. Mauna na kami guys." Paalam ni Yuan

"Yuan behave." Sabi ni Bryn

"Yes Bro, wala kang dapat ipag alala." Sabi ni Yuan at lumabas kasama nina KC at Jhed

"Tama si Ryco everything went fine. At lahat ng inaasahan kong mangyari ay syang nangyari kaya masaya ako." sabi ni Ryan

'Mauuna na kame Ryan, baka nag aalala na din si Tito Fujima kay Empress. Ako na ang maghahatid sa kanya and I think may mga bagay din kameng dapat pag usapan ni Empress." Sabi ni Bryn habang nakahawak sa bewang ni Empress

"Ihahatid ko na din si Nami, baka naghihintay na si Ninong Hanamichi, baka patayin ako non pag di ko agad naiuwi ang Prinsesa nya." Sabi ni Ryco

"Sige mga Tol, thank you sa time at pagtulong sa akin sa lahat ng kalokohang ito. Bryn may games pa tayo bukas. See you." Sabi ni Ryan

"Yes Captain." Sabi ni Bryn

"Ryan, thank you ulit. Thank you for everything. Payakap ulit." Sabi ni Empress at muling yumakap sa binata

"Mag iingat ka lagi Empress, sa pag alis ko lagi mong tatandaan na napakahalaga mo sa akin. Pag may ginawang kalokohan si Bryn just call me at babalik ako dito sa Japan para bawiin ka." sabi ni Ryan

Tumango naman si Empress at saka sila umalis kasabay nina Nami at Ryco. Sa pag alis nina Empress, Bryn, Nami at Ryco naiwang mag isa si Ryan "What a life, ang komplikado. Ang sakit ng katawan ko. Ang babaeng patay na patay sa akin dati minamahal ko na ngayon. pero ngayon iba na ang gusto nya. Masakit pero masaya ako sa ginawa ko. Masaya ako para kina Empress at Bryn. At ako, I will go to Thailand at magiging number one player ng Sepak Takraw sa mundo. " nakangiting sabi ni Ryan sa sarili

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon