Chapter 102

297 23 16
                                    

"Ayun warm up na daw sabi ni Captain. Ikaw talaga pretty boy laging chismis ang dala mo sa team.AHAHAHHA" sabi ni Rona

"Well ngayon ko lang naisip na bagay nga pala kayo Ryan at Empress. Isang selosang bitter at isang selosong KJ."sabi ni KC

"Hmmmm tama naman si Captain, dapat ng mag warm up. Lalo sa tulad kong hindi pa nakakapaglaro sa official game. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang tatlong set ng laro." Sabi ni Bryn

"Sus, napaka-humble mo talaga Bryn, napanood ko ang mga games mo sa UK nung dun ka pa nag aaral. Hanep ka sa energy, tapos na ang laro dun ka pa lang pinagpapawisan." Sabi naman ni Mark

"HEHEHE hindi naman, sige ihahatid ko muna itong kapatid ko sa mga kasama nya. Mag warm up na kayo at susunod ako. Halika na Nami, baka pormahan ka pa ng mga yan, lagot ang mga yan kay Ryco" sabi ni Bryn

"Kuya wag mo nga akong binibiro ng ganyan. You know namang kahit sino pang pumorma sa akin si Ryco lang ang gusto ko." Namumulang sabi ni Nami habang nakatanaw sa nakangiting si Ryco

"Papa dito muna po kayo? Malapit na pong magsimula at kailangan ko na pong magwarm up kasama ang team." Paalam ni Bryn kay Hanamichi

"Sige anak, galingan mo. Dito lang kame nakasuporta sayo." Sabi ni Hanamichi

"Good luck Kuya, focus lang." sabi ni Nami

Ngumiti si Bryn at nagtungo sa mga kasamahan nya. Nagsimula silang magwarm up para sa nalalapit nilang laro. Maya maya pa ay dumating na sa playing court ang makakalaban nilang team, ang Team ng Aiwa. Ang team ng Aiwa ay kasali sa top 4 last year, natalo sila ng Shoyo high sa finals kaya gustong gusto na ng team na ito na makabawi sa pagkatalo nila nung nagdaang taon. Sa pagdating nila lumapit ang team captain na si Rico kay Ryan. "Ryan nabalitaan ko nan a-injured ang isa sa inyo, nalungkot ako na malaman iyon. Akala ko hindi na kami makakabawi sa inyo." Sabi nito

"Rico, oo may na injured sa amen pero may kapalit na sya. At mukhang hindi pa rin kayo makakabawi ngayon, hindi ko hahayaan iyon. Dahil kame pa rin ang mananalo." Sabi ni Ryan

"Mayabang ka talaga Ryan." Sabi ni Rico

"Tama lang Rico, dahil may ipagyayabang naman ako." sagot ni Ryan

"Sandali nga, bakit ang daming kapre dito. Ibig kong sabihin ang lalaki ng mga nanonood sa atin, mukhang mga basketball player sila at hindi sepak players. Ang babangis." Sabi ng isa sa teammates ni Rico

"Ah tama ka, mga basketball players sila. Double event ang nahanap naming kapalit ni Warren. Sa varsity sya ng basketball at the same time magaling ding mag sepak. Ayun sya, si Bryn Sakuragi." Sabi ni Ryan

"Bryn Sakuragi? Yung trending na model? Yung anak ni Hanamichi Sakuragi ang hari ng rebound na may pulang buhok?" tanong ng isa pang teammate ni Rico

Ngumiti si Ryan at tumango "Oo sya nga, halimaw din syang maglaro pero ngayon pala sya makakapaglaro sa official game. Teka bakit ko ba ito sinasabi sa inyo, kalaban namen kayo.HAHAHA" sabi ni Ryan

"Ayus lang yan Ryan, sa katawan nya mukhang malakas nga sya." Sabi ni Rico at nagsimula ng magwarm up

Dumating na ang mga official ng laro at nagsimulang puposisyon sa kanikanilang pwesto. Tinawag ng mga coach ang bawat team para luminya sa magkabilang dulo ng court. Bago mag simulaang laro ay ipinasa na ang line up ng bawat team. Isa isang ipinakilala ang mga members ng bawat team. Matapos ito ay binigyan ng 5 minutes ang bawat team para pomosisyon sa loob ng court.

"Ito ang line up nyo, first rego Ryan, Ian at Mark. Second Regu Jerome, Richard at Gerard at third regu ay sina Bryn, Carlo at Kim. Sina Noel at William ay mga reserve players." Sabi ni Coach Regie

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon