Napahawak si Hanamichi sa baba nya habang nakatanaw sa anak na si Bryn "Mukhang nagmana talaga si Bryn ng ka-henyohan sa akin. Pero hindi ibig sabihin non matatalo nya na ako." sabi ni Hanamichi sa sarili
Depensa naman sina Ryco, nagdi-dribble ito ng bola at saka tumakbo. Narrating nya ang point guard line at binantayan sya ni Sendoh. Ngumiti si Sendoh dito "pinakamagaling na point guard pala sa Kanagawa ha at magaling pa sa long shot." Sabi ni Sendoh at saka tinapik ang bola na idini-dribble ni Ryco, tumalsik ang bola pero dahil mabilis si Ryco ay agad nyang nahabol ang bola at muling nag-dribble
"Sendoh hindi mo aabutan yan, taong gubat yan, lumaki sa gubat. Kaya mabilis talaga yan.WAHAHAHAH" sigaw ni Hanamichi
"Magaling talaga si Ryco, mukhang di hamak na mabilis sya sayo miyagi." Sabi ni Maki
"Oo Maki, mukhang tama ka sa sinabi mo. Third year pa lang si Ryco ngayon pero naituro ko na sa kanya lahat. Mula sa pagiging magaling na point guard, pagtira sa malapit at malayo. Mabilis din syang makabasa ng galaw ng kalaban." Sabi ni Miyagi
Balik sa playing court, muling ngumiti si Sendoh "Mahusay ka Ryco, hindi ko inaasahan na ganyan ka kagaling. Pero syempre hindi ako magpapalamang sayo." Sabi ni Sendoh at muling tinapik ang bola na idini-dribble ni Ryco. Sa pagkakataong ito ay mas mabilis na halos di namalauan ni Ryco na wala na ang bola sa kanya, agad namang nag abang si Yuan para saluhin ito. Sa pagsalo ni Yuan ipinasa nya ito kay Mitsui na nasa three point line.
"Uulitin nila yung kanina?" tanong ni Toby
"Tingin ko magpe-fake si Mitsui at ipapasa nya ang bola kay Bryn." Sabi ni Rykawa
Agad na tumakbo si Hanamichi para bantayan si Bryn. Pumorma si Mitsui sa na magti-three points "Magpe-fake ba sya?" tanong ni Rukawa sa isip nya habang binabantayan ito. Tumalon si Mitsui at itinira ang bola.PASOK 3 points!
"Ayos!" sigaw ni Mitsui
"Nice Mitsui. Wala pa ding kupas ang dating three point shooter na MVP super star." Sabi ni Sendoh at nakipaghigh five dito
"Captain nalusutan ka dun ah." Sabi ni Toby kay Ryco
"Oo nga, pero ayus lang. Akira Sendoh kaya yun, sino ba naman ako.HEHEHEH" sabi ni Ryco
"Hay naku naman, bakit baa ng naniwala sayo Zoro. Kung hindi ko binantayan si Bryn kayang kaya kong palpalin yang si Bungal." Bulalas ni Hanamichi
"Gung gong, hindi ko naman sinabing bantayan mo si Bryn." Sabi ni Rukawa
Nagpatuloy ang laro at opensa naman sina Hanamichi, nagdribble si Ryco at ipinasa nya kay Toby ang bola. Sa pagsalo ni Toby binantayan sya ni Yuan. Nakatitig si Toby kay Yuan habang nagdi-dribble ng bola at ganon din si Yuan kay Toby. Nang bilang tinapik ni Kiyota, agad itong sinalo ito ni Mitsui at agad na pumosisyon sa three point line para mag-shoot. Hinarangan sya ni Rukawa pero matagumpay pa rin nyang naitira ang bola. "Rebound! Kapos yan." Sigaw ni Mitsui
Sa ilalim ng ring nag abang sina Dion, Bryn, Kiyota at Hanamichi, "Mga Pree ang lalaki nyo, nanliliit ako." sigaw ni Kiyota
"Alis dyan matsing, pampasikip ka lang dito." sigaw ni Hanamichi
"Sino kaya ang makakakuha ng rebound? Si Sakuragi ba o ang anak nyang si Bryn?" tanong ni Fujima habang nakatanaw sa mga ito
Sa pagtalbog ng bola sa ring bagay san a tumalon sina Dion, Bryn at Hanamichi. Dahil sa lakas at laki nangibabaw si Hanamichi sa tatlo at matagumpay na nakuha ang bola "Mga uhuging dugyot na bata hindi nyo ba alam na ako si Hanamich Sakuragi ang hari ng rebound." Sigaw ni Hanamichi
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...