Chapter 172

517 28 16
                                    

 Napalingon ang lahat sa papalapit na chariot kung saan may napakagandang babaeng nakasakay. "OMG mala fairy tale talaga. Nakakakilig." Sabi ni Kezzia

"Ang ganda ni Empress, she looks like a real fairy." Paghanga ni Mari

"Sino kaya ang wedding organizer ni Bryn kukunin ko na din sya." Sabi ni Dion

"Huh? Dion may balak na ba kayo ni Mari na magpakasal."tanong ni Ryco

"Mamaya kung sino ang makaksalo ng bouquet ng bride yun daw ang susunod na ikakasal." Sabi naman ni Toby

"Dapat pala galingan ni Yuri ang pagsalo." Nakangising sabi ni Troy

"Pero wala akong masabi, iba talaga pagmaraming pera at mahal mo ang isang tao. This wedding is almost perfect at si Bryn lang ang nagset ng lahat ng ito." Bulong ni Ryco

Nang matanaw ang dalaga kinuha ni Bryn ang microphone at nagsimulang kumanta (Marry your daughter). Sa pagkanta ni Bryn sa kanya naman napalingon ang lahat. "Full package na talaga, gwapo, sportsman, mayaman, romantic at may nakakatunaw na boses." Paghanga naman ni Jocel na kadarating lang sa lugar

Huminto ang chariot at lumapit si Fujima dito, inalalayan nya ang anak at tinulungang bumaba. Sa pagbaba ng dalaga agad itong yinakap ni Fujima habang umiiyak "Dati baby ka pa, dati nagsesepak ka lang sa garden naten. Dati nag aagawan lang kayo ni Bryn sa milk tea at pizza. Pero ngayon ayan kinukuha ka na ng Sakuraging yan sa akin, Empress anak all I want is you to be happy. Alam ko yang lalaking yan ang nagdulot ng matinding sakit sayo pero yung sakit na yun ang nagpalakas at nagpatibay sayo. At kahit sya ang nanakit sayo hindi ko maiitanggi na sya din lang ang makakapagbigay sayo ng true happiness dahil alam ko sya lang ang lalaking minahal mo. At dahil dun anak ihahatid at ipagkakatiwala kita sa kanya, sa taong mahal mo. Wag mong kakalimutang mahal na mahal ka namen ni mama mo at ni Hill." Umiiyak na sabi ni Fujima at iniabot ang bouquet of roses sa anak

Tinanggap ni Empress ang bulaklak mula sa ama at umiiyak na yumakap dito "Papa, I don't know what to feel and what to say. Still hindi pa rin po magprocess sa akin kung anong nangyayari. Sobra po akong kinakabahan pero the moment I see you I feel really happy. At alam ko pong sa paglakad ko with you lalo akong magiging masaya. Salamat po Papa, salamat po sa lahat. Salamat po sa mala prinsesang buhay na ibinigay nyo sa akin ni Mama. Mahal na mahal ko po kayo ni Mama lalo na po si Hill." Umiiyak na sabi ni Empress

Ngumiti si Fujima at inilagay ang belo ni Empress sa mukha nito. Hinawakan nya ang kamay ng anak at pinisil pisil ito at saka tuluyang inilagay sa braso nya at nagsimula silang maglakad papalapit knina Hanamichi at sa kumakantang si Bryn. Habang naglalakad ang mag ama ay mistulang umuulan ng petals of roses "Papa si Bryn po. Papa he did all of this for me, Papa masayang masaya po ako. But still hindi po ako makapaniwala." sabi ni Empress as they walk toward to arch of roses

Habang papalapit si Empress hindi maiwasan ni Bryn na maiyak habang kumakanta kaya nakatikim ito ng batok mula sa ama "Ayusin mo ang kanta mo at wag kang umuyak gung gong." Sermon ni Hanamichi, dahilan para mapangiti si Bryn at sinunod ang ama

Narating nina Fujima at Empress ang kinatatayuan nina Hanamichi at Bryn "Sakuragi" sabi ni Fujima at kinamayan ito

"Mr. Substitute" nakangiting sabi ni Hanamichi at kinamayan ito

Lumapit si Bryn at kinuha ang kamay ni Fujima para magmano, saka ito humarap sa umiiyak na si Empress. "Hon bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Bryn

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon