"Inutusan ko nga yang dalawa ni Bryn na gawen na ko ng apo. Pero mas nakinig sila kay Mr. Substitute, hindi daw kailangang madaliin ang mga ganon. Para naman sa akin kung gagawa din lang ng bata bakit hindi pa ngayon para bata pa ako." sabi ni Hanamichi
"AHHAHAHAH Sakuragi mukhang nagmana talaga sayo si Bryn, sa barkada naten ikaw ang pinakahuling nag asawa. Kaya ang anak mong si Nami ang pinaka bata, kaya wag mo silang madaliin. Lahat ng bagay may tamang timing." Sabi ni Sendoh
"MGa Tito manood po kayo ng laro ni Bryn. Tingin kop o sa galing nyang yan possible po syang mapili para sa national player." Sabi ni Empress habang nakatingin kay Bryn na naglalaro sa loob ng court
"National player? Hanep talaga ang anak mo Sakuragi, talagang masyado na syang talented. Yun nga lang mukhang sa bola lang sya magaling at hindi masyado sa babae." Sabi ni Sendoh
"Kung mapipili man si Bryn para maglaro para sa national sa tingin ko hindi nya iyon tatanggapin." Sabi ni Hanamichi
Napanguso si Empress at humarap kay Hanamichi "Bakit naman po Tito?" tanong nito
"Dahil basketball ang laro ni Bryn. Pinagbigyan nya lang ang coach nyo para makalaro dito sa district tournament at pagkatapos nito magsisimula na ang basketball matches." Sagot ni Hanamichi
Nakaramdam ng lungkot si Empress at napayuko "That means magkakahiwalay kame ng event sa darating na mga araw. May offer na sa akin para maglaro sa national, excited ako dahil akala ko makakasama ko si Hon. Nalimutan kong basketball talaga ang play nya." Sabi ni Empress sa isip nya
Ngumiti si Sendoh kay Empress "Bakit mukhang nalungkot ka? Dahil magkakahiwalay na kayo ng laro, ikaw sa sepak at sya babalik sa basketball? Alam kung mahal mo talaga ang isang tao dapat ipakita mo lagi sa kanya ang suporta mo. Magkalayo man kayo o magkasama." Sabi nito
Dahil sa sinabi ni Sendoh ngumiti si Empress at tumango dito."tama po kayo. Dapat lagi ko syang suportahan sa lahat ng gusto nya." Sabi ni Empress
nagpatuloy ang laro ni Bryn habang nanonood sa kanya and dalwa sa pinaka importanteng tao sa buhay nya, sina Empress na minamahal nya at si Hanamichi na ama nya. Makalipas ang pagpapalitan ng bola naka abot sina Bryn sa 21 points para manalo sa second set."Alright!" sigaw ni Mark
"Bro panalo ang regu naten. Ang galing mo talaga Bryn." Sabi ni William
"ano ba lahat tayo naglaro ng mahusay and we did our best kaya lahat tayo mahusay hindi lang ako." sabi ni Bryn at nakipag high five kina Mark at William
"Second regu inside" sigaw ng umpire kaya nagsilabasan na ang mga nasa loob ng court
Dahil sa hiya nakayukong lumabas si Raymond ng court "Hindi ko inasahan na napakahusay ng Sakuragi nay un. Akala ko pang basketball lang sya pero napakahusay nya at natalo nya ako." sabi nito sa isip nya
Biglang may umakbay kay Raymond ito ang coach nila "Ayos lang yan bata, ginawa moa ng best mo. At mukhang mahusay talaga ang Sakuraging yun, parang hindi sya tao." Sab nito
"Pasensya na po coach," sabi ni Raymond at naupo sa bench at saka nagsaklob ng towel nya
Sakabilang side naman ay masayang tumakbo si Bryn papunta sa pwesto nina Empress, Hanamichi at Sendoh "Papa panalo po." Nakangiting sabi ni Bryn at umakbay kay Empress
"Hindi mo na kailangang sabihin Bryn, nanonood kame kaya alam kong panalo ka. syempre anak ka ng henyong ito. WAHAHAHAH" sabi ni Hanamichi at saka ginulo ang buhok ng anak
"Ang galing galing mo talaga Bryn. Alam mo bang nung kabataan ni Papa mo bilib na bilib ako sa kanya kahit sinasabi ng lahat na baguhan sya at gung gong. Pero mas bilib ako sayo." Nakangiting sabi ni Sendoh
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...