KINABUKASAN
Maagang inihanda ni Bryn ang mga gamit nya para sa practice. Kaiba sa nakagawian nya hindi basketball shoes ang isinuot nya kundi ang Nanyang shoes nya. "Matagal tagal na din kitang di nagamit, sana okay ka pa." sabi ni Bryn habang nakatingin sa sapatos na suot nya
Nangkumatok na si Nami sa pinto ng kwarto nya at saka pumasok "Kuya breakfast is ready na, kain na daw po tayo bago pumasok. Naghihintay na sina Mama at Papa sa baba." Sabi ni Nami
"Good morning Nami, just a moment lalabas na ako."nakangiting sabi ni Bryn sa kapatid
"Okay Kuya, bilisan mo kasi ihahatid mo pa ako sa Shohoku before you go to Shoyo High, and baket hindi mo nababanggit na dun pala nag aaral ang nililigawan mong si Empress?" tanong ni Nami
"Ah yun ba Nami, oo dun sya nag aaral. And same event ang lalaruin namen, sya sa sepak girls and ako sa sepak boys. Sana magka-chance na makasama ko sya dun." Masayang sabi ni Bryn
"Push mo lang yan Kuya, I'm sure walang girl na makakatanggi sayo.Gwapo, mabaet at mayaman, syempre Kuya kaya kita. I hope makilala ko din sya." Nakangiting sabi ni Nami
"Eh kayo ni Ryco? Kumusta naman kayo? Bakit hindi mo pa sya sagutin, mukha namang seryoso sya at mahal na mahal ka nya."tanong ni Bryn sa kapatid
Dahil sa tanong ni Bryn namula ang mukha ni Nami "Kuya gusto ko si Ryco, gustong gusto. Pero I want to prove na hindi na sya tulad ng dati na babaero. Gusto kong makita na mahal nya talaga ako at hindi lang ako bago sa paningin nya kaya nya ako gusto. " sagot ni Nami
"Ganon ba yun Nami? Bakit kayo ganyang mga babae? Ang dame dame nyong alam at gustong ma-prove sa lalaking gusto kayo. Kahit todo effort na kame may mga ganyan pa kayong nalalaman?"napapa iling na sabi ni Bryn
"Kuya lets eat na, baka magwala na si Papa pag hindi pa tayo bumaba." Sabi ni Nami at tumango naman si Bryn at dinala na ang mga gamit nya
After mag agahan, magkasamang sumakay sina Nami at Bryn sa kotse ni Bryn. Nakatanaw naman si Hanamichi sa mga anak nya."Kayong dalawa mag iingat kayo. Bryn dahan dahan lang sa pagda-drive, and galingan mo sa practice mo. Princess after class uwi agad ha, magchat ka kung kailangan kitang sunduin." Bilin ni Hanamichi
Ngummiti si Bryn "Yes Papa I will, Papa please pag may schedule nap o ang game ko sa sepak manood po kayo. Gusto ko pong makita nyo akong maglaro." Sabi ni Bryn
"Aba syempre manonood ako sa kahit anong laro mo anak. Wag kang mag alala aayusin ng henyong ito ang schedule ko para dyan." Sabi ni Hanamichi
"Papa manonood po ako ng practice ng basketball team then ihahatid po ako ni Ryco pauwi dito." Nakangiting sabi ni Nami
"Okay Princess, mukha namang maingat ang sangganong gubat na yun, pero wag ka masyadong dumikit dun baka bigla syang mangagat." Nakangising sabi ni Hanamichi
Tumango naman si Bryn at nagsimula ng mag-drive, inihatid nya si Nami sa Shohoku. Sa labas ng gate natatanaw nila sina Ryco, Dion, Toby, Yuan at Ryco na naghihintay kay Nami "Nami ikaw ba ang hinihintay ng mga kumag na yan?" natatawang tanong ni Bryn
"Hmmmmm maybe, and baka si Ate Kezzia din. Mga sira talaga mga yan." Sagot ni Nami
Huminto si Bryn sa tapat nina Ryco at bumaba, agad naman nagtungo sa tapat ng front seat si Ryco at pinagbuksan ng pinto si Nami "Good morning Nami, akina ang bag mo." Nakangiting bati ni Ryco sa dalaga
"Good morning Ryco." Namumulang bati ni Nami
"Hey Kuya Bryn bakit iba yata ang awra mo today, bakit ang iksi ng short mo? In fairness flowless ha.HEHEEH" tumatawang tanong ni Yuan

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...