Chapter 106

369 20 25
                                    

Bumalik sina Empress sa loob ng playing court at naiwan naman sina Bryn at KC sa baseline para manood. Maya maya pa ay lumapit si William kay Bryn."Bryn mukhang tagilid ang second regu naten," sabi nito

"Bakit William anong nangyari sa game nila? Nakafocus kasi ako dito sa mga girls kaya di ko napapansin." Tanong ni Bryn

"Tambak sila nung first set at ngayon magsisimula na ang second set. Sabi ni Coach nab aka daw maglaro tayong third regu para sa decision." Sagot ni William

"Ganon ba? Mabilis naman ang game ng mga girls, after nito magwa-warm up na agad ako para sa pagsalang naten sa laro." Nakangiting sabi ni Bryn

"Mabuti naman at lagi kang ready pretty boy." Sabi ni KC habang nakayakap sa braso ni Bryn

"Oy KC kapal ng mukha ah, nakayakap ka talaga kay Bryn. Ako na lang ang yakapin mo walang magagalit." Pang aasar ni Willam

"Heh, di kita type at kahit maghalikan pa kame ni pretty boy walang magagalit kasi single sya." Masungit na sabi ni KC

"Sungit talaga ng isang yan. Pero kumusta naman ang laro nila?" pag usisa ni William

"Maganda ang laro nila, in fact they don't need me here. Panalo sila sa first set at ngayon ay natatambakan na nila ang kalaban. Maya maya pa tapos na to." Sagot ni Bryn

"Mabuti naman, yan bang si KC may nagawa ng mabuti? Mukhang hindi pa yan nakakalaro. Walang pakinabang." Pang aasar ulit ni William

"FYI chismosong lalaki part ako ng first set at nanalo kame. How about you ano ng nagawa mo para sa team?" tanong ni KC

"Nag ambag ng kagwapuhan at mamaya sa third regu maglalaro kame ng pinuno ng kagwapuhan na si Bryn. Diba tol?" sagot ni William

"Oo Tol, humanda sila sa atin, after this lipat tayo ng court." Sabi ni Bryn sabay thumbs up

Nagpatuloy ang laro at naka abot na sa 21 points sina Empress para sa second set. Luminya sa baseline ang mga players kasama ang reserve player at coach nila"Players in the base line. Winner for the district tournament second game between Toyotama and Shoyo. Shoyo!" anunsyo ng umpire

"Maraming Salamat"sabay sabay na sabi ng team Shoyo

"Shoyo and Toyotama shake hands." Sabi ng umpire, kaya muling umikot ang team sa gitna at nagkamayan

Sa pagkakamayan nila kasama ang coaches at kinamayan ng isa sa players ng Toyotama si Bryn, sa pagkamay nito hindi agad nito binitawan ang kamay ng binata "Is she your girlfriend?" tanong nito sabay turo kay KC

Nagulat na napangiti si Bryn sa prangkang asal ng dalaga "No, why?" sagot ni Bryn

"How about her?" tanong nito at itinuro si Empress, habang hindi pa rin bumibitaw sa kamay ng binate

Muling ngumiti si Bryn "Hindi rin, I'm with them to be their coach. And for you not to ask more I'm single." Sabi ni Bryn sabay halik sa kamay ng dalaga

Ngumiti ang dalaga kay Bryn "I like you, kanina pa kitang tinitingnan. I'm single too." Sabi nito

"OMG sino yang intrimitidang yan. Walang preno ha." Tanong ni KC

"Ulala mukhang na-capture nya si Pretty boy naten." Sabi ni Jed

"Grabe maka-first move si Ate, wagas." Sabi naman ni Rona

"Mukhang may ugaling UK ang taga Toyotamang yan. Alam nya kung paano laruin si Pretty boy at mukhang game naman si Pretty boy. Empress paano ka na, sabagay may Ryan ka naman." Natatawang sabi ni Jocel sabay tingin kay Empress na nakatingin kay Bryn at sa manlalaro ng Toyotama

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon