Chapter 71

291 21 9
                                    

"Nyaaaaa... Si Empress? Yung varsity ng sepak takraw?" gulat na tanong ni Nash

Napatingin naman si Bryn kay Nash "Do you know her?" tanong nito

"Oo kilala ko sya, nababanggit sya ng GF ko sa akin. Sa pagkaka alam ko popular sya sa school nila. Maganda sya at matalino, at kaya ako naging interesado sa kanya ay dahil naglalaro sya ng isang larong hindi common sa mga babae." Kwento ni Nas

"Did I heard it right? You're interested with her?" tanong ni Bryn habang nakatingin kay Nash mula sa salamin

"Yes I'm interested with her dahil sa sports na nilalaro nya at hindi dahil sa kanya. Player din ako ng takraw nung nasa junior high ako. kaya nung nai-kwento sya saken ng GF ko natuwa ako to know a girl na naglalaro ng ganong sports. Wag kang mag alala Tol, hindi mo ako karibal." Sagot ni Nash

"Bro stop thinking that I like that girl. Yeah she's pretty but hindi ko magugustuhan ang ganon ka ingay at ganon ka gaslaw na babae. " sabi ni Bryn

Inilagay ni Nash ang mga kamay nya sa ulo habang nakasandal sa front seat at tumawa ng malakas "Talaga lang Tol ha, sige panindigan mong hindi mo sya gusto hanggang kaya mo. EHEHEHEH." Sabi ni Nash

"If ever magustohan ko nga sya, it will not be possible na magng GF ko sya dahil may iba syang gusto. Gusto nya yung team captain ng sepak boys sa school nila, and I heard yung guy na yun ang reason why she play that sport." Sabi ni Bryn

Natawa si Nash "Edi lumabas din ang totoo, you like her. Pero takot kang mabasted dahil alam mong may iba syang gusto. WAHAHAHAHAH but I think walang chikababes na makakatanggi sayo." Sabi ni Nash

"Hindi lahat ng babae gwapo at mayaman ang gusto. I think dun naiiba si Empress, even nakita nya na ako at nakilala hindi man lang naapektuhan ang feelings nya dun sa Ryan. At wala man lang syang ipinakitang interest sa akin." Kwento ni Bryn

"Oyyyy.... Wala pang kayo pero selos ka na Tol. Meaning gusto mo yung girl na kinaiinisan mo." Pang aasar ni Nash

"Do you think I like her?" tanong ni Bryn

"Sa kwento mo, oo gusto mo sya Tol. At kilala ko yung sinasabi mong crush nya. Kateam ko sya nung junior high kame. Si Ryan, mayabang sya at sinisiguro nyang nakukuha nya lahat ng gusto nya. At oo crush na sya ni Empress nung junior high pa lang kami, nakikita ko si Empress na nagchi-cheer sa kanya. Grabe Tol ang lakas ng boses ni Empress at ang bilis ng bibig, buti na lang maganda sya. HEHEHE" sabi ni Nash

"Si Ryan ang dahilan ni Empress to play sepak, ganon nya kagusto ang lalaking yun." Sabi ni Bryn

"Oo Tol pero si Ryan mukhang hindi interesado kay Empress. Even maganda at popular student si Empress hindi sya pinapansin ni Ryan, kahit alam nyang patay na patay sa kanya. Ewan, baka naman bakla si Ryan kaya ganon." Sabi ni Nash

"Where here na Nash, hintayin na lang kita dito sa labas." Sabi ni Bryn at nag-park sa labas ng Shoyo High

"Sure ka Tol? Bakit hindi ka sumama sa akin sa loob, malay mo baka makita mo si Empress of your life?" tanong ni Nash

"Hindi na Tol, hintayin ko na lang kayo dito. Take your time, kung hindi pa sya pwedeng umalis wag mo syang mamadaliin." Sabi ni Bryn, tumango naman si Nash at bumaba na ng kotse



Pumasok si Nash sa Shoyo High campus. Makalipas ang ilang minuto bumaba na din si Bryn ng kotse nya para maglakad lakad. Pumasok sya sa campus at natanaw nya ang malawak ng field ng school kung saan nagpa-practice ng ibat ibang sports ang mga students. Naupo sya sa isang bench sa ilalim ng puno para dun hintayin si Nash at ang GF nito. Habang tahimik na naka upo biglang may mga babaeng nagsigawan, naka suot ang mga ito ng t-shirt ng school, maiiksing shorts at may dala silang bola ng volleyball.

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon