Dahil sa nangyari natigil ang laro sa pagitan ng team nina Ryan at team nina Bryn. Lahat sila ay nag aalalang lumapit kina Bryn at Empress.
Agad na nilagyan ni Aya ng towel ang nagdurugong noo nito."Dapat mapatigil ang pagdurugo, kailangang lagyan ng pressure." Sabi nito
"Captain, wake up. Akala ko matigas ang ulo mo. Bakit ka nahimatay dahil sa tirang yun. Gising ka na Captain." Umiiyak na sabi ni Jed
"Empress hindi ko sinasadya. Sorry sorry. Kasalanan ko to sorry." Namumutlang sabi ni Ryan
"Bro aksidente ang nangyari, kung mayroong may kasalanan sa nangyari ako yun. Hindi tamang tinanggap ko ang hamon mo at lalong hindi tamang isinali ko sya sa game naten. Ako na ang bahala sa kanya." Sabi ni Bryn
"Tol pasensya na sa inasal ko, dahil sa pagiging arugante at inggireto ko nangyari ito sa babaeng mahal ko." Sabi ni Ryan
Nagsuot ng t-shirt nya si Bryn at binuhat si Empress "Walang may gusto sa nangyari Bro, mauna na kami. Dadalhin ko sya sa pinakamalapit na hospital. Baka kung mapaano pa sya lalot hindi pa sya nagigising." Sabi ni Bryn
"Grabe ang sweet nya kay Captain, kung hindi injured si Captain mapapasana all na ako." sabi ni Jocel
Nagising si Empress at unti unting iminulat ang kanyang mga mata, nakita nya si Bryn na nakatitig sa kanya "Angel ba tong nakikita ko, ang gwapo mo naman. Nasa langit na ba ako?" tanong nito
Napangiti naman si Bryn "Na-injured ka na nga madaldal ka pa rin at kung ano ano pang mga kalokohan ang sinasabi mo. Mukhang matigas nga yang ulo mo." Sabi nito
"Are you okay Empress, how do you feel?" nag aalalang tanong ni Aya
Ibinaba ni Bryn si Empress pero naka alalay pa din sya dito "I think I'm okay naman. Medyo masakit lang ang noo at nahihilo ako. Siguro dahil sa lakas ng impact, pero okay lang ako. sabi nyo nga matigas ang ulo ko." sagot ni Empress
Lumapit si Ryan sa dalaga "Empress sorry hindi ko sinasadya. Sorry talaga, sana mapatawad mo ako." paghingi ng sorry ni Ryan
"I know Ryan, don't worry okay na ako at part ng game yun. Don't be sorry about that." Sabi ni Empress
"Kaya mo na bang tumayo mag isa? Just excuse me for a moment." Sabi ni Bryn
Tumango naman ang dalaga "Oo kaya ko ng tumayo." Sagot nito
"Sige Tol ako na ang aalalay sa kanya. Saan ka ba pupunta?' tanong ni Nash
"I will call Tita Kumi, wife sya ni Papa isa syang doctor. I will ask kung anong dapat gawen, kung kailangan pang dalhin sa hospital si Empress" sagot ni Bryn
"Hey Bryn wag na, okay na ako hindi na kailangan ng hospital or anything. Sabi mo nga matigas ang ulo ko diba." Sabi ni Empress
"Sateng dalawa hindi ikaw ang masusunod. Mahal kita kaya gusto kong masiguradong okay ka na at ikaw mamahalin mo pa ako kaya dapat maayos ang takbo nyang utak mo." Sabi ni Bryn at lumakad palayo
"Anong pinagsasasabi ng kumag na yun? Akala ko ako ang tinamaan ng bola sa noo, mukhang sya yata ang nabagok ang ulo at tuluyan ng nabuang." Sabi ni Empress
"Mukhang sya nga ang tinamaan, tinamaan sayo. HEHEHE" tumatawang sabi ni Nash sabay tingin kay Empress
Calling Tita Kumi.....
"Good afternoon, this is Kumi Sakuragi who's this."-Kumi
"Hello po Tita Kumi, good afternoon po. This is Bryn po, busy po ba kayo?" – Bryn
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...