Habang nasa labas at nakatanaw sa mga anak nito, naalala ni Hanamichi ang naganap sa pagitan nila ni Liza nong nakaraang gabi "Si Liza, anong nasa isip nya? Bakit nya ginawa yung mga bagay na yun kagabi? Oo maganda sya at bata pa, pero wala akong ineterest sa kanyan. Kaya kailangan ko ng masabi kay Boss yung ginawa nya kagabi." Sabi ni Hanamichi sa sarili at saka pumasok sa bahay nila, para maligo at puntahan si Kumi
FUJIMA'S Residence
Nagpark si Bryn sa labas ng bahay nina Fujima. Bago ito bumaba ay nag ayos muna sya ng sarili at nag-spray ng pabango "All right, always gwapo." Sabi ni Bryn sa sarili at saka bumaba ng kotse nya
Tumuloy ito sa tahanan ng mga Fujima at mula sa labas ay natanaw nya sina Fujima at Empress na nag uusap "Empress anak alam kong good girl ka dahil ako ang nagpalaki sayo. Sa edad mong yan alam mo na ang tama at mali, pati na rin ang limitations mo." Nakangiting sabi ni Fujima
"Opo Papa, good girl po ako and I want you to be proud of me." Nakangiting sabi ni Empress
"Ang sarap namang pakinggan anak. Ngayon pumasok ka sa bagong stage ng buhay mo, at yun ang pakikipagrelasyon mo sa Sakuraging yun." Seryosong sabi ni Fujima
"Papa ayaw nyo po ba kay Bryn?" namumulang tanong ni Empress
"Anak lahat ng gusto mo at magpapasaya sayo susuportahan ko. Hindi sa ayaw ko sa kanya pero gusto ko alam mo kung hanggang saan lang dapat kayo. Oo tama ang sinabi ni Sakuragi na kahit mag anak kayo ng isang daan kayang buhayin ni Bryn, pero hindi ibig sabihin non basta basta kitang ibibigay sa kanya. Kahit alam kong sure na ang future mo sa kanya pinangangalagaan lang kita anak." Mahinahong sabi ni Fujima
Ngumiti si Empress at yumakap kay Fujima "Papa thank you po dahil lagi mong ipinararamdam sa akin kung gaano mo ako kamahal. Napakaswerte ko po kasi ikaw ang Papa ko, gwapo na ang bait bait pa." sabi nito
"AHAHHAHA wag mo na akong daanin sa pambobola mo anak. At mukhang nandito na ang model mong boyfriend para sundin ka." pagbibiro ni Fujima
Bigllang bumilis ang pagtibok ng puso ni Empress at inayos ang sarili "Papa totoo, nandito na si Bryn? How do I look po Papa? Okay lang po ba ang buhok ko, ang uniform ko po hindi po ba gusot?" natarantang tanong ni Empress
"Anak maganda ka, kamukhang kamukha mo ang mama mo. Natutuwa ako dahil ngayon hindi ka na nagpapabaya sa sarili mo." Sabi ni Fujima
Pumasok si Bryn sa sala "Good morning po Tito Kenji, nandito po ako para sunduin si Empress. Ihahatid ko na po sya sa Shoyo High." Sabi ni Bryn
"Umaasa akong alam mo ang limitasyon mo Bryn Sakuragi. Lagi mong iingatan ang anak ko." Sabi ni Fujima
"Opo Tita Kenji. Salamat po. Hon shall we?" sabi ni Bryn
"Bye po Papa. See you this afternoon po." Paalam ni Empress at saka humawak sa braso ni Bryn
Nagtungo sila sa sasakyan ni Bryn, pinagbuksan ni Bryn sii Empress ng pinto at saka sumakay angdalaga. Sumakay naman si Bryn sa drivers seat "Good morning Hon." Bati ni Bryn at mabilis na hinalikan si Empress sa lips nito
"Good morning din Hon." Nangungulang sabi ni Empress
Napangisi si Bryn "Bakit ka namumula dyan?" tanong nito
"Kasi ano.... Kasi kinikilig ako, hindi ko expected na mangyayari ang mga ito. Na magugustuhan mo ako at magiging tayo." Sagot ni Empress
"well accept the reality na I love you and I'm yours. Only yours." Sabi ni Bryn at nagsimula ng mag-drive
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...