NEXT DAY SAKURAGI'S RESIDENCE
"Good morning Princess papasok ka na?" tanong ni Hanamichi kay Nami
"Good morning din po Papa. Opo papasok na po." Nakasmile na sagot ni Nami
"Wag kang ngingiti sa mga boys ng ganyan ha, sa Papa mo lang pwede." Nagbibirong sabi ni Hanamichi
"Papa naman, ganto po talaga ako magsmile. Pano po yun? HEHEHE" tanong ni Nami
"Tuturuan kita ng killer eye. Paglalaki ang kausap mo dapat lagi kang nakaganito." Sabi ni Hanamichi sabay demo ng killer eye nya kay Nami
"Hay naku si Papa talaga. Sige po gagawin ko yan. Hehehehe Ganto po ba?" tanong ni Nami sabay gaya sa killer eye ni Habamichi
"Napakabait mo talaga anak. Ang ganda ganda mo pa, kamukhang kamukha ka ni mama mo. Salamat sa pagdating sa buhay ko. Kayo ng mama mo ang kumukumpleto sa buhay ko." Sabi ni Hanamichi at niyakap si Nami
"Thank you din po kasi kayo ang naging Papa ko, kaya po ako mabait dahil sa paggabay nyo. Papasok na po ako." sabi ni Nami habang nakayakap kay Hanamichi
"Bakit ganyan? Kahit nakakiller eye ka na ang ganda ganda mo pa rin." Tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Nami "Kasi po anak nyo po ako ni mama at ako po ang nag iisang anak ni Hanamichi Sakuragi na henyo sa basketball kaya po maganda ako." Sabi nito
"Yan naman talaga ang gusto ko sayo Princesd. Oo nga pala, dumaan ka sa basketball gym. Puntahan mo yung pandak na coach ng basketball team ng Shohoku. Gusto ka daw nya nakilala." Sabi ni Hanamichi
"Sino po siya?" tanong ni Nami
"Teammate ko nung high school at matalik na kaibigan namen ni Mama mo. Hindi maniwalang maganda ang Princess ko eh kaya magpakita ka sa kanya." Sagot ni Hanamichi
"Okay po. Bye na po, nasa labas na po sina Toby at Bebe." Paalam ni Nami at hinalikan ang Papa nya sa cheek nito
"Sige ang killer eye ha, don't forget." Nakangiting bilin ni Hanamichi
Lumabas na si Nami at sumakay sa kotse ni Toby. Then nagdrive na si Toby papunta sa Shohoku.
"Hey Nami, ang tagal nanaman ng paalaman nyo ni Tito ah, akala mo laging ilang taong hindi magkikita." Natatawang sabi ni Toby
"Selos ka naman Toby" nakangising sabi ni Yuan
"Love na love lang talaga ako ni Papa kaya sya ganon. Gusto nya ngang maghome study na lang ako, ayaw lang ni Mama." Sabi ni Nami
"Pano pag may gusto ng manligaw sayo, baka atakihin sa puso si Papa mo." Sabi ni Toby
"Dadaan muna sila sateng dalawa bago sila makaharap kay Ninong. Hindi pwedeng basta basta lang ang manliligaw sa Bebe ko." Sabi ni Yuan
"Tama na nga, puro kayo over protective. Sana magkajowa na kayong dalawa para di nyo na ako bantayan." Sabi ni Nami
"Pano ako magkakajowa, binasted ako ni Kezzia." Malungkot na sabi ni Toby
"Really? May bumasted na sayo Toby? I'm so proud of you," nakangiting sabi ni Nami
"Lakas mang alakas, manang manang sa ama nya." Inis na sabi ni Toby
"Talaga Toby basted ka? Ang saya saya naman nyan. Dapat i-celebrate yan." Sabi ni Yuan at naghigh five sila ni Nami
"Dahil nabasted ka for the first time ililibre mo kami ng lunch." Nakangising sabi ni Nami

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...