Chapter 95

430 25 9
                                    

"Hmmmmm nasan ng aba si Papa? Mukhang wala sya dito ah, walang maingay." Tanong ni Bryn habang lilinga linga at hinahanap si Hanamichi

"Papa went to the agency, but he will be back soon. May mga papers lang daw syang kukunin para sa endorsement nyo, hindi ka na nya isinama kasi my practice ka." sabi ni Nami

"Ow talaga endorser ka? hindi kaya nagkamali ang agency na yun?" natatawang tanong ni Yuri

"Excuse me Ms. Flat kung hindi mo naitatanong ako si Bryn Jin, a popular model from UK at sa ibang ibang bansa sa mundo. Impossible naman na laking Amerika ka hindi mo ako kilala, madalas ako dun." Pagyayabang ni Bryn

"Ikaw si Bryn Jin? How come na Bryn Sakuragi ang name mo ngayon?" gulat na tanong ni Yuri

"Bryn is the first born ni Love, anak sya ni Bianca at ni Tito Hanamichi mo Yuri. Nasa dugo ni Bryn ang pagiging model. From his Papa and from his Mommy na si Bianca, they are same popular models." Kwento ni Kumi

"You know Ate Yuri ang ganda ganda ni Tita Bianca, imagine Kuya with long hair and sexy body. Kahit 30+ na sya she looks like a teenager pa din." Sabi ni Nami

"Kung hindi ko lang mommy si mommy liligawan ko sya even she's 30+, sya ang ideal girl of every boy." Sabi ni Bryn

"So much about this talk, halina kayo sa kitchen and ready na ang table. Masaya ako na dito ka magse-celebrate ng birthday mo with us. Even nasa US sina Okusu cpnsider us, as you're family. Dahil parang kapatid na ni Love and daddy mo." Malambing na sabi ni Kumi

Ngumiti naman si Yuri "Thank you so much po Tita Kumi. Masaya po ako to celebrate my birthday with you and your family, except this guy." Sabi ni Yuri sabay tingin kay Bryn

"Ikaw ha, anong problema mo sa akin, nakuh naman baka mamaya ma-inlove ka saken ha. Remember hindi kita type at hindi tayo talo lalot kaibigan ni Papa ang Dad mo." Sabi ni Bryn

"At mas lalong hindi kita type, excuse me." Natatawang sabi ni Yuri

"Kayong dalawa manahimik na kayo, lets go there na at kakain na tayo." Sabi ni Nami at itinulak ang dalawa papunta sa dining room

Nang may biglang tumawag sa kanya "Nami" sabi nito, tiningnan nila kung saan nanggaling ang boses at nakita nila si Ryco na may dala dalang cake

"Ryco!" nakangiting bati ni Nami at agad na nilapitan ito

"Ito na ang cake." Nakangiting sabi ni Ryco at ipinakita ang cake sa dalaga

"Wow thank you Ryco, pasensya ka na at hindi na kita nasamahan. Maasahan ka talaga, one chat away lang." sabi ni Nami at kinuha na ang cake na dala dala ng binata

"Ang gwapo. Is he Nami's boyfriend?"namumulang tanong ni Yuri

Ngumiti si Bryn "Not yet pero masama ang tama nyan sa kapatid ko. Crush mo? So ganyan pala ang type mo, bad boy image. Tama ka gwapo nga sya at malakas ang dating, kung gugustuhin nya kayang kaya din nyang maging model." tanong ni Bryn

"Ate Yuri this cake is for you. Happy Birthday let's go na sa dinning table para makantahan ka nan amen at makakain na tayo. Ryco halika na." sabi ni Nami at nagtungo na sa dining room

Lumapit naman si Ryco sa namumulang si Yuri "Hi, Nami told me it's your birthday. Happy Birthday. I'm Ryco Miyagi" sabi ng binata sabay offer ng kanyang kamay sa dalaga

"Hello, I'm Yuri Okusu, thank you." Namumulang sabi ni Yuri at kinamayan si Ryco

"You're shaking at namumula din ang mukha mo. Okay ka lang ba?" tanong ni Ryco sa dalaga

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon