Hinawakan ni Ryan sa balikat si Bryn "Kung pupunta ka kina Empress para mag-explain sa Papa nya sasama ako. ako ang nakasakit sa kanya. Pumayag ka man o hindi sasama ako." Sabi nito
"Walang kaso yun saken Bro, ang mahalaga lang saken ngayon ay okay na si Empress." Sabi ni Bryn
"Ano ba? I told you Bryn na hindi mo na kailangang gawin yun. At lalo ka na Ryan, it's an accident kaya kahit hindi na kayo mag explain kay Papa he will understand na." sabi ni Empress
Lumapit si Aya "Empress wala ka ng magagawa pag nagdedisyon ang mga lalaki. Patunay yun sa paninindigan nila at isang way din yun ng pagpapakita nila sayo kung gaano ka nila ka gusto. Kaya let them do what they want." Nakangiting sabi nito
"pagpapakita nila sayo kung gaano nila ako gusto? Nabubuang na siguro tong si Aya kakasulat ng mga article. Hindi nga ako pinapansin nitong si Ryan at lalo namang hindi ako magugustuhan ng kumag na Bryn na to." Sabi ni Empress sa isip nya
"OMG Captain, dalawang guy ang concern na concern sayo. Isang pretty boy na complete package na at model pa. at isang Gwapito na matagal mo ng crush." Kinikilig na sabi ni Rona
"Empress share mo naman ang secret mo. Para naman ma-ambunan mo din kami ng swerte pagdating sa mga boys." Sabi ni Jocel
"Mga gaga, kung sa tingin nyo na tutuwa si Captain sa mga nagaganap ngayon, nagkakamali kayo. Sa tingin ko malaking problema ang dala nyang dalawang yan sa kanya." Sabi ni KC
"I agree with you KC, problema kung sino ang pipiliin nya. Si Bryn ba na kahapon lang nya nakilala pero hindi nagdalawang isip na ipagsigawang gusto sya. O si Ryan na matagal nya ng gusto pero pinahabol lang sya, pero ngayon ay umamin na sa feeling nya." Sabi ni Jocel
"Hmmmmmmmm oo nga, mukhang maloloka si Captain. Dahil parehong malakas ang dating nila at mga talented pa." pag sang ayon ni Jed
Dinala na ni Bryn ang mga gamit ni Empress at nagsimulang maglakad papalabas sa Shoyo Campus. Dahil dala na ng binata ang mga gamit nya, wala ng nagawa si Empress kundi sumunod dito. Pati sina Nash, Aya at Ryan sumunod na din. Inilagay ni Bryn sa compartment ang mga gamit na dala nya at saka nagpunta sa tapat ng front seat, binuksan nya ang pinto at tumingin kay Empress "Sakay" sabi nito
Sumunod si Empress at sumakay sa front seat, naupo si Bryn sa driver's seat katabi ni Empress. Sa likod naman sumakay sina Ryan, Nash at Aya, nag simulang magdrive si Bryn patungo sa bar kung saan naruon ang kanilang mga kaibigan. Habang nasa byahe walang nagsasalita ni isa sa kanila. Huminto sya sa harap para ibaba sina Aya at Nash "Bro paki explain na lang sa kanila, babalik ako as soon as maka usap ko si Tito Kenji. Malate man ako hahabol ako." Sabi ni Bryn
"Maliit na bagay Tol. Sige mauna na kami ni Aya. Empress magpahinga ka na pag uwi mo at wag ka ng masyadong magaslaw at madaldal. Baka magdugo ulit yang noo mo." Bilin ni Nash
"Thank you for the ride Bryn, nice to meet you. Empress take an early rest." Sabi ni Aya
"Aya thank you for doing first aid kanina kay Empress." Sabi ni Bryn
RUKAWA'S BAR
Bumaba sina Nash at Aya para magtungo sa bar para sa surprise kay Bell. Pumasok sila sa loob, naruon ang mga kabigan nila na masayang nag aasar."Sa mga boys si Ryco ang pinakaplay boy, but look at him ngayon? sya lang ang walang jowa." Sabi ni Kezzia
"Hoy Manager Kezzia, may GF na dapat ako ngayon kung hindi sumingit sa usapan namen yang asungot na si Dion. At hindi ako play boy, lalo na ngayon. Handa akong maghintay kung kalian ako sasagutin ni Nami" sabi ni Ryco

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...