"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa........ Bryn ang galing mo. Unang tira mo pa lang puntos na."
"Bryn ako din tirahin mo."
"Brynnnnnnnnnnnnnnn I love you, iuwi mo na ako or ikaw ang iuuwi ko." Sigawan ng mga fan girl ni Bryn
"Mali ba ang information na nakuha ko? Wala syang experience sa paglalaro pero nagwa-walup sya, isang skill sa sepak na mahirap matutunan at kailangan ng matinding pagsasanay." Sabi ng coach ng Aiwa sa isip nya
Sa audience "Akala ko lahing unggoy si Bryn dahil sa ama nya, pero may sa kabayo pala ang isang yan." Sabi ni Kiyota
"Mukhang malakas ang muscles ng mga hita ni Bryn, napakalakas ng pwersang ibinigay nya sa pagsipa ng bola. At kasabay non ang matinding balance, hindi sya natumba matapos sumipa ng ganon katas. Kahanga hanga." Sabi ni Maki
"Bilib ako kay Sakuragi nung high school tayo, pero mukhang mas bilib ako dito kay Bryn." Sabi ni Sendoh
Balik sa playing court, muling itinaas ni Bryn ang kamay nya lampas ulo at saka tumango kay William. Inihagis ni William ang bola sa taas na gusto ni Bryn at mabilis na sinipa papunta sa court ng kalaban. Dahil alam na ng Aiwa ang gagawing pagtira ni Bryn ay inabangan na nila ang pagdating ng bola. Nasila ng tekong ng Aiwa ang bola pero dahil sa lakas ng dating ng bola hindi naging sapat ang pwersa nito para iba lik sa court nina Bryn ang bola. "Ang lakas ng dating ng bola. Badtrip." Sabi ng Number 10 ng Aiwa na tumira ng bola
Puntos muli sa team Shoyo at may isa pa silang service. Naghigh five ang sina Bryn, William at Richard at muling nagsigawan ang mga fan girl ni Bryn
"Bryn Sakuragi I love you......."
"Grabe ka salakas mong tumira pati sa akin bumaon ka."
"Liligawan na kita Bryn. Sana single ka." sigawan ng mga babae, humarap sa mga ito si Bryn at saka nagwink, dahilan para lalong magsigawan ang mga ito
"OMG ang daming nagnanasa kay pretty boy." Sabi ni KC
"Syempre naman, gwapo at magaling maglaro. And hindi naman naten maiitangging mabait sya. Diba Empress?" Sabi ni Rona
"Ayan nanaman kayo, ako nanaman ang nakita nyo. Nananahimik na ako." sabi ni Empress
"Chill girl, bakit ka masyadong defensive dyan." Sabi ni Jocel
"Tama naman sila sa lahat ng sinabi nila kay Bryn, pero si Ryan ang matagal ko ng gusto." Sabi ni Empress sa isip nya
Balik sa court. Bumalik sa kanikanilang pwesto. Tulad ng naunang dalawang service itinaas ni Bryn ang kamay nya at agad na inihagis ni William ang bola. "Ihanda nyo ang sarili nyo mabilis at malakas ang dating ng bolang tinitira ng Sakuraging yan." Sabi ng coach ng Aiwa
Humanda ang tatlong player ng third regu ng Aiwa sa pagdating ng bola mula sa kalaban. Mabilis nilang nasundan kung saan papunta ang bola at natira ito pabalik sa court ng Shoyo. Agad namang naka abang si Richard at tinira pabalik ang bola gamit ang heading na skill. Matagumpay na naibalik ni Richard ang bola sa court ng Aiwa, muli namang natira gamit ang tuhod ng Number 10 ng Aiwa ang bola. Tinira nya ito pataas at nagsimulang mag-set para sa isang rolling spike para kay Number 11. Matapos i-set mabilis na pinalo ni Number 11 ang bola papunta sa court ng Shoyo "Nakuh pumalo na yung Number 11!" kabadong sabi ni Ian
Pero agad namang tumakbo si Bryn sa may net at itinaas ang paa nito para i-block ang bola. Dahil sa haba ng hita nito hindi sya nahirapang i=block ang bola, dahilan para bumagsak ito sa court ng Aiwa at hindi na naibalik sa kanila. Puntos muli para sa team nina Bryn." Ano't marunong din syang mag block. Paano nya matututunan iyon kung hindi naman sya talaga player ng sepak takraw. Napakahusay ng batang ito." Gulat na sabi ng coach ng Shoyo
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...