Chapter 96

290 24 11
                                    

Masayang masaya si Hanamichi na makilala nya ang anak ng isa sa matalik nyang kaibigang si Okusu. Tulad ni Kumi nais ni Hanamichi na sa kanila na magstay ang dalaga.

"Yuri bukas na bukas lilipat ka na dito sa bahay." Seryosong sabi ni Hanamichi

"Tito Hanamichi okay naman po ako sa apartment na tinitirahan ko and nakakahiya din po." Sabi ni Yuri at napatingin kay Bryn

"Oy babaeng flat bakit ka nakatingin sa akin. Kung pinapatira ka ni Papa dito ayus lang sa akin dahil nakikitira lang din ako dito." Sabi ni Bryn

"Gung gong, anak kita kaya ka nakatira dito sa bahay ko, hindi ka nakikitira lang dito." Inis na sabi ni Hanamichi

"Just kidding Papa, ito kasing flat na to." Sabi ni Bryn

"Oo nga Yuri tama si Love, nag iisa ka lang dito sa Japan kaya dito ka na rin mag-stay. Diba I offer that to you a while ago, at ngayon si Love naman ang nag o-offer sayo kaya wala ka ng dapat ikahiya." Sabi ni Kumi

Ngumiti si Yuri "Hmmmmm, sige to Tita at Tito, maramng salamat po. Una po sa pagpapasaya saken ngayong birthday ko at sa pagtanggap saken dito sa house nyo." Nahihiyang sabi ng dalaga

"So dito ka na titira, pwede kang sumabay sa akin pagpasok at pag uwi habang nagte-train ako sa school nyo. Pero wag kang masyadong didikit saken, baka isipin nila GF kita or ka-leave in, napaka malas ko naman." Sabi ni Bryn

"Teka nga Bryn, bakit panay ang pambu-bully mo sa anak ni amerikanong hilaw? At bakit kaya magkakilala at dinala mo pa sya dito? GF mo ba sya o gusto mob a sya? Hindi kayo pwede halos kapatid ko na ang ama nyan." masungit na tanong ni Hanamichi

"Papa hindi ganyan ang type ko. HEHEHE at hindi din ako ang type nya. Ang type nya, ayun oh." sabi ni Bryn sabay tawa at tinuro si Ryco na sweet na sweet kay Nami

Napalingon naman si Hanamichi sa dereksyon nina Ryco at Nami, nakita nyang naka akbay si Ryco sa anak nya habang sinusibuan ito "Aba't napaka pangahas ng sangganong gubat na ito." Sabi ni Hanamichi at lumapit sa dalawa

BLAGG!!! "Aray ko po Ninong, para saan po ang batok na iyun?" tanong ni Ryco habang nakahawak sa ulo nya

"Papa napakalupit mo naman po kay Ryco." Sabi ni Nami

"Nagtatanong ka pa sangganong gubat ka, sa harap ko pa mismo ginaganyan moa ng Prinsesa ko." Sabi ni Hanamichi habang nakahawak sa baywang nya

"Love hayaan mon a ang mga bata, sweet lang sila sa isat isa at walang ginagawang masama. Mabuti nga at dito sa bahay nanliligaw si Ryco at hindi kung saan saan." Sabi ni Kumi

"Aba dapat lang, subukan mong dahil kung saan ang Prinsesa ko dadalhin ko kayo ng am among bansot sa hukay." Galit na sabi ni Hanamichi

"Wag po kayong mag alala Ninong, school at dito lang po sa bahay nyo kami pumupunta ni Nami. Wala po akong balak sirain ang tiwala ni Nami sa akin at lalong ang tiwala po ninyo ni Tita Kumi." Matapang na sabi ni Ryco

Ngumiti si Hanamichi sa binata "Mabuti naman at kung may pupuntahan man kayo, papaya naman ako basta magpapa alam kayo." Sabi nito

"Salamat po Ninong." Sabi ni Ryco at hinawala sa baba ni Nami sabay ngiti dito

"Tama nga si Dad, napaka moody ni Tito Hanamichi at napaka sweet naman ni Tita Kumi." Sabi ni Yuri

"HUH! Mukhang madaming naikwento sayo ang amerikanong hilaw nay un ha? Tungkol bas a kahenyohan ko?" tanong ni Hanamichi

Ngumiti si Yuri "Madami daw pong babaeng bumasted sa inyo. HEHEHE" sagot ni Yuri sabay tawa

"Hay nakuh, talaga ang amerikanong hilaw nay un. Sa dami ng dapat ikwento yun pa talaga. Napaka ungas talaga non." Inis na sabi ni Hanamichi at nagsimula ng kumain

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon