Chapter 8

390 20 8
                                    

"Nami friend ko sina Hanamichi at Kumi nung high school till now, then teammates kame ni Papa mo. Napakahusay nyang manlalaro ng basketball, yun nga lang napakagung gong nya." Kwento ni Miyagi

"Papa told me po na mahusay din po kayo kahit pandak kayo. Hehehehe" sabi ni Nami

Napangiti si Miyagi "Yan dyan magaling ang Papa mo, ang mang Alaska. MVP sya sa part na yan." Sabi ni Miyagi

"Mabait po si Papa at napakalambing. Mahal na mahal nya po kami ni mama. And sya po ang nag alaga saken." Sabi ni Nami

"Talaga lang ha? Mukhang over protective sya.  Oo nga pala, matangkad ka din at basketball players mga magulang mo, nagbabasketball ka din ba? Bakit hindi sa Shoyo ka nag aral, may girls basketball dun." tanong ni Miyagi

"Marunong po ako, but ayaw po ni Papa na sasali ako sa official game. Ayaw nya po akong ma-expose  Nakakalaro ko po sina Toby at Bebe, nakakasabay po ako sa galing nila. Wala pa lang po akong experience sa official game." Sagot ni Nami

"Meaning magaling ka? nakakasabay ka sa twin ace eh," gulat na sabi ni Miyagi

"Hindi naman po magaling ang twin ace na yan, puro yabang lang po yang dalawang yan. eheheeh mas magaling pa din po sina Papa at si Tito Kaede sa kanila." Nakangising sabi ni Nami

"Walang duda anak ka nga ni Hanamichi. Syempre naman, halimaw na ang dalawang yun pagdating sa basketball. Sige Nami start na muna kami ng practice, nice to meet you ang nag iisang Ms. Sakuragi." Sabi ni Miyagi at ngumiti kay Nami



After makilala ni Ryota si Nami nagstay muna si Nami sa gym para hintayin sina Toby at Yuan.

"Nami stay here ka muna, nandyan naman si Kezzia. Makipagkwentohan ka sa kanya para di ka mainip."nakangiting sabi ni Toby

"At talagang saken mo pa ihahabilin ang girlfriend mo." Supladang sabi ni Kezzia

"Kezzia, selos ka ba? Wag kang magselos kasi kababata ko lang si Nami, hindi ko sya girlfriend. Ikaw lang naman ang gusto ko pero binasted mo ako." sabi ni Toby

Namula ang mukha ni Kezzia dahil sa sinabi ni Toby "Sorry nga pala dun sa nasabi ko yesterday. Hindi yun ang ibig kong sabihin." Nahihiyang sabi ni Kezzia

Ngumiti si Toby "It's okey Kezzia, tanggap ko ng hindi mo ako gusto. Sige practice na ko." Sabi ni Toby

"Toby sandali.." tawag ni Kezzia pero tumakbo na itong palayo

"Bebe okey ka lang dyan? Practice lang kami ni Toby ha. Be a good girl Bebe." Sabi ni Yuan kay Nami

"Okey Bebe, galingan mo." Sabi ni Nami



Nagpunta na sa playing court ang mga members ng basketball team at nagstart magpractice.

"Hi ikaw si Kezzia?" tanong ni Nami

"Hello, oo ako nga. And your Nami, alam mo ang ganda ganda mo. Bagay na bagay sayo yang long red hair mo." Sabi ni Kezzia

"Thank you, your beautiful too. I heard binasted mo daw si Toby." Nakangiting sabi I Nami

"Hindi naman ganon yun, kasi sinabi ko lang yung tipo ko sa isang guy. Then nagreact na sya ng ganon." Paliwanag ni Kezzia

Ngumiti si Nami "Okey lang yun, hayaan mo sya. Mafeel nya ang mabasted, yumayabang na din kasi." Sabi ni Nami

"Pero hindi talaga ganon." Sabi ni Kezzia

"So? Meaning type mo si Toby? Aminin...." Pang aasar ni Nami

Napabuntong hininga si Kezzia "Kahit naman siguro sinong babae type sya, gwapo, matangkad at magaling magbasketball." Sagot ni Kezzia

"Aba ako hindi, hindi ko sila type ni Bebe. Gusto ko ngang tantanan na nila ang pagbabantay saken." Sabi ni Nami

"Binabantayan ka nila? Bakit?" tanong ni Kezzia

"Kasi parang baby sister na nila ako. Palagi silang nakabantay na akala mo mga jowa ko. Kaya wala akong kaibigang lalaki." Sagot ni Nami

"Ang sweet naman nila. Ang ganda mo kasi." Nakangiting sabi ni Kezzia

"Sweet ka dyan. Nasusuka na nga ako sa pagmumukha nyang dalawang yan. hahahahah" Sabi ni Nami sabay tawa

______________________________

"Dad gusto ko si Nami, unang beses ko pa lang syang nakita alam kong sya na ang babaeng seseryosohin ko." Sabi ni Ryco kay Miyagi

"Seryosohin mo yang mukha mo. Sa buhay mo wala ka pang sineseryoso kaya wag ako ang utuin mo." Sabi ni Miyagi

"Papatunayan ko sayo Dad. Simula ngayon magseseryoso na ako, sa pag aaral at sa pagbabasketball." Gigil ni Ryco

"Mukha mo ang magseseryoso, lahat na yata ng babae dito sa Shohoku nilandi mo na. Sa tingin mo maniniwala ako sayo." Sermon ni Miyagi

"Dad trust me. This time magseseryoso na talaga ako." nakangiting sabi ni Ryco

"Alam mo Ryco kung may nakakakilala sayo ako yun. At sinasabi ko sayo pag yang si Nami ang pinaglaruan mo ibabaon ka sa lupa ng buhay ng Ninong mo." Banta ni Miyagi

"Seryoso nga ako Dad. Maniwala ka naman, kahit ngayon lang. Hindi ako natatakot kay Ninong dahil malinis ang aking intension." sabi ni Ryco

"Patunayan mo muna ang sarili mo. Pagnagawa mo yun ako mismo ang sasama sa panliligaw mo." Nakangiting sabi ni Miyagi

"Talaga Dad? Sisimulan ko na ngayon, wala ka ng mababalitaang babaeng nilalandi ko. Papatunayan ko ang sarili ko sa inyong lahat at liligawan ko si Nami." Nakangiting sabi ni Ryco

"Utuin mo ang lelang mo." Sabi ni Miyagi

"Dad naman." Inis na sabi ni Ryco

"Akala ko ba magseseryoso ka na, practice na." sabi ni Miyagi at ibinato ang bola kay Ryco

"Yes Dad." Nakangiting sabi ni Ryco at sinalo ang bola



After ng practice nagpapa-cute na lumapit si Ryco kay Nami.

"Hi Nami, nakita mo ba yung laro ko? Para sayo yun. Ganado ako kasi nanood ka." sabi ni Ryco

"Oo Kuya Ryco napanood ko and magaling ka pala." Nakangiting sabi ni Nami

"Naman Nami, kuya talaga. Wag namang ganon." Nakangusong sabi ni Ryco

"Ang cute mo naman pagganyan ka Kuya Ryco. Pero Kuya talaga dapat, sign of respect yun." Sabi ni Nami

Biglang lumapit si Dion sa dalawa at iniabot ang lampaso kay Ryco "Captain, tama na yang pagpapa-cute mo dyan. Linis linis din pag may time. Diba beautiful Nami." Nang aasar na sabi ni Dion

Tiningnan ng masama ni Ryco si Dion, pero ngumiti lang si Dion sa kanya. "Captain linis na." sabi ulit ni Dion

"Linis na daw Kuya Ryco. Bilang Captain ng basketball team dapat ikaw din ang nangunguna sa paglilinis. Dapat role model ka sa mga teammates mo." Nakangiting payo ni Nami

"Ganon ba yun Nami? Sige sabi mo eh. Ito na maglilinis na ako mahal na Prinsesa." Sabi ni Ryco

"Wait lang Kuya Ryco, wag mo kong tawagin ng ganyan. Si Papa lang ang pwedeng tumawag saken ng ganyan. Just call ni Nami." Utos ni Nami

"Ganon? Sige, sabi mo eh. Ikaw ang masusunod. Sabihin mo lang kahit ano gagawin ko." Pagpapa-cute ni Ryco

"Captain linis linis din pag may time. Puro ka pagpapa-cute dyan. Pero ako ang sasagutin nya pagniligawan ko sya." Nakangiting sigaw ni Dion

"Epal na mayabang" sabi ni Ryco sa isip nya

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon