Chapter 81

282 18 4
                                    

"Ugali ng isang henyo Papa? Sana naging katulad mo ako, walang inuurungan at palaban sa lahat ng bagay. Alam mo Papa lahat ng mga kaibigan ko bilib na bilib sayo, kaya siguro habulin ka ng mga babae. Di gaya ko, minsan lang nagkagusto, rejected pa." malungkot na sabi ni Bryn

Natawa naman si Hanamichi sa sinabi ng anak "Gung gong ka, anong habulin ng mga babaeng sinasabi mo dya? Naalala mo ba yung nai-kwento ko sayo? Na bago ako naging matinong tao 51 na babae ang bumaliwala sa akin.Basted king nga ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko." Sabi ni Hanamichi

"Paano nyo po kinaya yung ganon kadaming rejection? Baka kung ako yun nagpakamatay na ako." sabi ni Bryn habang nakatingin sa beer na iniinum nya

"HEHEHEHEHE sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari noong kabataan ko hindi ko din maiwasang mapa isip kung paano ko nalampasan ang lahat ng iyon. Si Yoko na ang pinili ay si Oda, si Haruko na ang pinili ay si Rukawa at ang 49 na iba pa. siguro nga henyo lang talaga ako kaya ko nalampasan ang sakit. WAHHAHAHA" Sabi ni Hanamichi

"Papa 51 talaga? Parang ikakamatay ko yun, kung hindi man siguro sa mental hospital ang bagsak ko. Iba ka talaga Papa." Nakangiting sabi n Bryn

"Bryn ngayon mo lang na-experience ang mabaliwala kaya ka ganyan. Simula pagkabata lumaki kang tinitingala ng mga tao, model ka, gwapo at mapera kaya mahirap para sayo ang tumanggap ng mga ganyan anak. Pero ako lahat ng kapalpakan sa buhay nasa akin na nung kabataan ko, lahat ng meron ka wala ako. Walang nagpapahalaga sa akin at gung gong ang tingin sa akin ng lahat. Yun ang nagpalakas sa pagkatao ko kaya ito ako ngayon." sabi ni Hanamichi

"Papa ano pong dapat kong gawen. Akala ko with what I have ngayon wala ng babaeng makakatanggi sa akin pero nagkamali po ako. Hindi pa ako nagsisimula talo na agad ako, ngayon ko lang po naramdaman ang ganito, ang matalo." Malungkot na sabi ni Bryn

BLAG!! Binatukan ni Hanamichi si Bryn "Anong talo na agad ang pinagsasasabi mo? Sabi mo nga hindi ka pa nga nagsisimula, bakit sumusuko ka na agad. Isa kang Sakuragi Bryn wag mong sukuan ang bagay na di mo pa sinusubukang gawin. At kung ano man ang kalabasan tanggapin mo ito ng bukal sa puso mo. Dahil yan ang magpapatibay sayo. Henyo tayo anak pero kailangan din nateng matuto." Sabi ni Hanamichi sa anak

"Aray Papa, masakit na nga po ang puso ko ngayon pati ang ulo ko masakit dahil sa batok nyo." Sabi ni Bryn

Tiningnan ng seryoso ni Hanamichi si Bryn "Kailangan mo yang batok na yan, para magising ka sa katutohanang walang papatunguhan ang kaduwagan mo." Sabi nito

"Ganon po ba Papa, handa po akong tumanggap ng kahit na isang daang batok mula sayo. Salamat po sa mga payo nyo. Nakahanda na po akong ipagpatuloy ang panliligaw ko kay Empress sa babaeng gusto ko. Ano man ang maging resulta nito tatanggapin ko ng maluwag sa puso ko." Sabi ni Bryn at itinaas ang kamay para makipag high five sa ama

Nakangiting nakipaghigh five si Hanamichi sa anak "Anak talaga kita, matapang at walang inaatrasan. Isa kang henyo Bryn." Sabi ni Hanamichi

"Thank you Papa, by the way aalis na po sina Mommy at Bell bukas. Babalik na po sila sa UK." Sabi ni Bryn

"Oo nga pala, sasama ako sa paghahatid sa kanila. Gusto ko ding magpasalamay kay Bianca dahill tinulungan nya tayo para maayos ang mga documents mo. At syempre ipinakilala at ipinagkatiwala ka nya sa akin."sabi ni Hanamichi

"Sige po Papa. Mauna na muna po ako, salamat po sa oras at sa payo mo."nakangiting sabi ni Bryn

"Bukas pagkatapos nateng ihatid sina Bianca lilipat ka na dito sa bahay anak." Sabi ni Hanamichi

Ngumiti si Bryn "Opo Papa makaksama ko na po kayo. Masayamg masaya po ako." sabi nito at lumakad ng papunta sa sasakyan nya

"Bryn Sakuragi" sabi ni Hanamichi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon