"Sakuragi bumalik ka na sa loob ng court kung ayaw mong matanggap sa laro. Warning ka lang muna ngayon." sabi ni umpire
"OMG SORRY BRYN"
"DAHIL SA AMIN MUNTIK KA NG MAALIS SA LARO, SORRY TALAGA."
"DON'T WORRY BRYN BEHAVE NA KAMI AT MANNOOD NA LANG."
"KUNG HINDI KA LANG NAMEN MAHAL KUKUYUGIN NAMEN YANG PANGET NA YAN." Sabi ng mga fans ni Bryn
"Okay lang yun mga girls, basta behave na lang kayo at panoorin nyo na lang ang laro ko. After this game I will give time to have picture with you." Sabi ni Bryn at naglakad pabalik sa loob ng court.
Lumapit ito sa umpire "Sorry po umpire" sabi ni Bryn
Tumango ang umpire at nagpatuloy ang laro. "1 – 3, play!" sigaw ng umpire
"Dapat maka-score. Ang score ng kalaban at dahil sa fault nila. Sa dami ng magandang nangyari kagabi dapat may magawa naman akong tama." Sabi ni Bryn sa isip nya
Itinaas ni Bryn ang kamay nya sa taas ng gusto nyang ihagis ang bola. "Grabe ang taas, kaya nya bang sipain ang ganon ka taas. Pero dahil may tiwala ako sayo Bryn ihahagis koi to sa taas na gusto mo." Sabi ni Mark sa isip nya at inihagus ang bola
Mabilis at malakas itong sinipa ni Bryn, agad itong tumalsik sa kabilang court at patusok na bumagsak sa court ng Sannah. Dahil sa bilis ng dating ng bola hindi ito natira ng Sannoh "Fault" sigaw ng umpire at itinuro ang court ng Sannoh
"Nice one Bryn" sabi ni Mark at William sabay hampas sap wet ni Bryn
"Thanks mga Bro pero lamang pa din sila. Dapat makabawi tayo bago matapos ang game nina Empress, gusto kong makita nyang pinagbubuti ko ang laro ko." Sabi ni Bryn
"Sus naman si Bryn, alam naman ni Empress yun. Si Empress pa halata namang gustong gusto ka nya at ikaw din Tol halatang gustong gusto mo sya kahait hinarot mo yung taga Toyotama kahapon." Sabi ni Mark
"Oo nga Tol, akalain mo sa gwapings mong yan, sa isang napaka ingay at napakadaldal na babae ka tinamaan. Pero that's love, pagtumama ang pana ni kupido kahit dugyot pa yan HEHEHEHE" sabi ni William
"2 – 3, play" sigaw ng umpire kaya naputol ang usapan ng tatlo at bumalik sa kanikanilang posisyon
Tumayo sa service si Bryn at itinaas ang kamay nya. Inihagis ni Mark ang bola sa taas na gusto ni Bryn, sinipa ito ni Bryn at tumalsik sa kabilang side ng court. Inabangan ito ni Raymond at tinira ito ng heading pabalik sa court ng Shoyo, sa pag-bagsak nito natira ito ni William pataas at nag-set para kay Bryn. Matapos makapag-set pinalo ito ni Bryn at bumagsak sa court ng Sannoh dahil sa bilis at lakas ng impact hindi na ito nagawang maibalik ng Sannoh."Fault" sabi ng umpire sabay turo sa court ng Sannoh
"Aba aba aba, mukhang tabla ang laban. Hindi pa ba nag iinit si Bryn." Sabi ng isang lalaki
Dahil pamilyar ang boses ng nagsalita ay napalingon si Bryn at nakita nya sina Sendoh at Hanamichi na nakatayo sa baseline ng court katabi ng coach nila "Papa, Tito Sendoh." gulat na sabi ni Bryn
"Grabe ang tatangkad naman nung dalawang mama na yun." Sabi ng teammate ni Raymond
"Hmmmmm pamilyar sila sa akin, ang tirik na tirik na buhok nung isa at ang pulang buhok nung isa pa." sabi ng isa pang teammate ni Raymond
Hindi makapaniwala si Raymond sa nakikita nya "Parehong player ng JBA ang dalawang yan.At tinawag ni Bryn na Papa ang isa sa kanila. Ibig sabihin anak ni Hanamichi Saluragi na hari ng rebound si Bryn?" gulat na sabi ni Raymond sa sarili
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...