Dahil pahigpit na ng pahigpit ang yakap ni Bryn kay Empress, hindi malaman ni Empress ang gagawen nya "OMG what is he doing? Bakit nya ako niyayakap ng ganito, I admit na kinikilig ako pero hindi ko pa naman sya sinasagot para gawin nya to. And hindi ako sure kung may feeling na talaga ako for him." Sabi ni Empress sa isip nya
"Bryn I really appreciate all of your efforts and talagang masaya ako to be with you. But hindi pa ako nakakapag decide kung ikaw talaga ang gusto ko, kaya if you don't mind wag mo akong yakapin ng ganito." Sabi ni Empress
Dahil sa sinabi ni Empress biglang napabitaw si Bryn at nakaramdam ng hiya "I'm sorry Empress nadala lang ako ng feelings ko. I hope you're not mad at me. Sorry talaga dahil hindi ako marunong lumugar kung hanggang saan lang dapat ako." pagso-sorry ni Bryn
"It's okay Bryn, I hope wag mo na lang ulitin. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya mahalaga sa akin ang lahat, first hug, first kiss gusto ko sana sa first boyfriend ko." Sabi ni Empress
"I understand, again I'm sorry. I hope hindi masira ang gabi na to dahil sa ginawa ko." Sabi ni Bryn
Ngumiti si Empress "Bryn, you made my night very special. This is my first date and hindi ako nagsisisi na ikaw ang first date ko. Thank you for making me feel special." Sabi ng dalaga
Dahil sa sinabi ni Empress nakahinga ng maluwag si Bryn "Thank you Empress, I'm happy to hear that. It's getting late na pala. Tara na ihahatid na kita." Sabi ni Bryn, tumango naman si Empress at humawak sa braso ng binata sa paglabas nila ng resto, inihatid ni Bryn si Empress sa tahanan ng mga Fujima
Nang makarating sila agad na nagtungo si Bryn kay Fujima "Good evening po Tito Kenji, nandito na po kami. Salamat po sa pagpayag na i-date ko si Empress. Mauna na po ako." sabi ni Bryn
"Bryn you're such a good guy, napaka gentleman mo. Salamat sa paghahatid sa anak ko, sana kung may sasagutin man sya sana ikaw yun." Sabi ni Fujima
"Thank you po Tito Kenji, Empress mauna na ako." sabi ni Bryn, ngumiti si Empress at tuluyan ng umalis si Bryn
Sa pag alis ni Bryn tiningnan ng seryoso ni Fujima si Empress "Kumusta naman ang date mo my daughter?" tanong ni Fujima
"Papa tsismoso lang? I have a wonderful night. Pero I will not tell you anything." Kinikilig na sabi ni Empress at saka tumakbo papunta sa room nya
Napakamot si Fujima sa ulo nya "Himala ngayon lang nangyari ito, hindi sya nagkwento ng kahit ano. Ano kayang mahika ang ginamit sa kanya ni Bryn. Pero mukha namang masaya ang anak ko." Tanong ni Fujima sa sarili
Sa kwarto tumalon si Empress sa kama at nagpagulong gulong dahil sa kilig na nararamdaman nya. Bigla syang tumigil "Kinikilig ako kay Bryn? Oo kinikilig ako sa kanya kasi ang gwapo nya ang sweet at sobrang effort nya sa akin. Pero si Ryan ang crush ko, matagal ko na syang gusto at tulad ni Bryn nanliligaw din sya sa akin. Ano ba tong nararamdaman ko." Tanong ni Empress sa isip nya
Habang nagda-drive pauwi si Bryn "Ginawa ko naman lahat, sinunod ko si Papa. Pinaramdam kong mahalaga sya at mahal ko sya. Pero may konteng sablay. But I think napasaya ko naman sya." Sabi ni Bryn sa sarili, maya maya pa ay nakarating na sya sa bahay nina Hanamichi. Nagpark sya sa at sa pagbaba nya at nakita nya si Hanamichi na maghihintay sa kanya.
"Papa" bati ni Bryn
"Anong nangyari? Napasagot mo ba?" tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Bryn "Papa hindi pa po. Pero I did my best po, ginawa ko po lahat ng payo nyo. At ipagpapatuloy ko lang po Kung ano man po ang result wala po akong regrets dahil I did my best po." Sabi nito
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...