Habang tumatakbo si Empress papalayo sa canteen kung saan nya iniwan si Troy "Empress anong ginagawa mo, hindi tamang sumasama ka sa ibang lalaki dahil may boyfriend ka na. Sabihin pa naten na wala kayong ginagawang masama mali pa rin ito. Dapat bilang girlfriend ni Bryn maniwala ako sa kanya na part lang ng trabaho nya ang namamagitin sa kanila ni Sab. Dapat akong magtiwala sa mga salita ni Bryn at hindi ganito na nagiging makasarili ako." sabi ni Empress sa isip nya
Sa classroom tahimik na naupo si Empress, nagsimula ang klase nila pero hindi ito nakikinig "OMG bakit ako pumayag na sumamang manood ng practice ni Troy mamaya. Pero ayoko namang bawiin ang salita ko, what will I do? Ayokong magalit si Bryn, natatakot ako sa pwedeng mangyari pagnagalit sya sa akin." tanong nito sa sarili
Mabilis lumipas ang oras at natapos ang afternoon class sa Shoyo Hign. Isa isa ng naglabasan ang mga mag aaral sa kanikanilang classroom at sa campus, pero si Empress nananatiling naka upo at malalim ang iniisip "Hey girl wala kang balak lumabas? Dito ka na lang ba sa classroom?" tanong ni Rona
"Hah? Ano bang oras na?" gulat na tanong ni Empress at napatingin sa relo nito
"Empress 3:00 pm na po, time to go home. Mukhang lutang ka yata ngayon." sabi ni Jhed
"OMG Empress, ano bang iniisip mo? Ano taralets na o susunduin ka ni Pretty boy?" tanong ni KC
Sa pinta ng classroom muling lumitaw si Troy na nakasuot na ng basketball jersey nya "Hi again ladies? Empress shall we?" sabi nito
"Ulala ang gwapo na, ang tangkad at ang laki ng katawan. What can you ask pa." sabi ni Jhed habang namamangha kay Troy
"Empress sasama ka nanaman sa kanya? Alam ba ito ni Pretty boy?" nakasimangot na tanong ni Rona
"Manonood lang ako ng practice nila, yun lang yun Rona walang ibang ibig sabihin. Since busy din naman si Bryn." Sabi ni Empress at saka tumayo sa kinauupuan nito at lumapit kay Troy
Ngumiti si Troy sa dalaga "Gusot nanaman yang mukha mo, bukas magdadala na talaga ako ng plantya." Sabi nito at saka sumunod sa dalaga
Nakatanaw sina Rona, Jhed at KC sa papalayong sina Troy at Empress "Hindi magandang sumasama si Empress kay Troy lalot alam ng lahat na boyfriend nya si Bryn" sabi ni Rona
"Yah I agree pero anong magagawa naten, bad mood si Empress dahil sa napanood nya kanina." Sabi naman ni Jhed
"OMG still hindi yun excuse para sumama sya kay Troy. Hindi naman sa nagiging plastic tayo sa kanya dahil pinag uusapan naten sya. Ayaw lang naten na pag isipan sya ng masama ng ibang tao." Sabi ni KC
Agaw pansin ang pagpasok ng dalawa sa basketball gym "Tama ba itong nakikita ko? si captain may kasamang babae?" tanong ni Giro
"Oo tama ka Giro at kung hindi ako nagkakamali sya ang babaeng matagal nya ng gusto. Mukhang nawala na ang katorpehan na kengkoy na yan." Sabi naman ni Rod
"Hoy mga tsimoso alam kong ako ang pinag uusapan nyo. Magwarm up na kayo para makapagsimula na tayo." Utos ni Troy
"Si Captain pumapag ibig na." nagbibirong sabi ni Denver
"Oo nga, first time mong magsama ng babae dito. Tyak special talaga sya, ipakilala mo naman kami." Sabi naman ni Ben
"Uulitin ko pa ba ang simabi ko?" seryosong sabi ni Troy
"Captain sabi nga namen magwa-warm up na diba? Ikaw kasi Ben napaka tsimoso mo." Sabi ni Denver
Humarap si Troy kay Empress "Okay ka lang ba? Kanina ka pang tahimik, wag mo na lang pansinin ang mga yun." Sabi nito
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...