"Ano naman kayang nangyari kay Bryn, bakit kaya sya dinampot ng high way patrol group." Sabi ni Hanamichi sa isip nya at binalikan sina Kumi, Nami at Ryco
"Love sino yung tumawag?" tanong ni Kumi
"Taga high way patrol station, nandun daw si Bryn at kailangan ko syang puntahan." Sagot ni Hanamichi
"Papa bakit po? Ano pong nangyari kay Kuya Bryn? Nagkatotoo po bang naaksidente sya?" nag aalalang tanong ni Nami
Napahinga ng malalim si Hanamichi "Hindi ko dn alam Princess, pero sana naman ay hindi ganon ang nangyari. Sana may violation lang syang nagawa at hindi naman sana sya nasaktan." Sagot nito
"Ninong baka po kailangan nyo ng kasama, gusto nyo po bang samahan ko kayo pagpunta sa station?" tanong ni Ryco
"Ryco gabi na baka hinahanap ka na ni Ryota, ang mabuti pa ay umuwi ka na." sabi ni Kumi
"Okay lang po Ninang, sanay naman po si Dad na ginagabi ako. samahan ko na lang po si Ninong sa pagsundo kay Bryn." Sabi ni Ryco
"O sya sige samahan mo ako, para naman magkaroon ka ng silbi. Ikaw na ulit ang magmaneho, medyo nakakaramdam din ako ng kaba kung anong nangyari kay Bryn." Sabi ni Hanamichi
"Wala pong problema Ninong." Sabi ni Ryco
"Love kumalma ka, nasa station naman si Bryn at wala sa ospital kaya tyak akong okay lang sya. Mag iingat kayo Ryco." Bilin ni Kumi
"Salamat Boss, maiwan muna namen kayo ni Princess." Sabi ni Hanamichi at sumakay ng sa front seat ng sasakyan
Tumango naman si Ryco at lumapit kay Nami "Sasamahan ko lang si Papa mo, then uuwi na ako. at ikaw magandang binibini magpahinga ka na, ayokong napupuyat ka. I love you Nami." Sabi ni Ryco sa dalaga
Ngumiti din si Nami at tumango "Mag iingat kayo Ryco, thank you sa paghatid, thank you dito sa mga flowers, thank you sa respeto at that you sa pagmamahal mo." Sabi ni Nami
Ngumiti si Ryco at nagtungo na sa driver's seat at nagsimulang mag-drive. Si Hanamichi naman ay naka upo sa tabi nito, makalipas ang ilang minuto ay narrating na nila ang station. Agad silang bumaba at nagtungo sa entrance ng station, sa may entrance nakita nila si Fujima. "Mr. Substitute nandito ka rin?" tanong ni Hanamichi
"Sakuragi, may tumawag sa aking officer from this station na nandito ang anak ko for a violation. Ikaw bakit nandito ka?" tanong ni Fujima
"Nandito din si Bryn. Mukhang magkasama ang mga anak naten, ano kayang violation nila?" sabi ni Hanamichi
"I'm hoping na violation lang at hindi sila nasaktan or what. By the way sino yang kasama mo, namumukhaan ko sya." Tanong ni Fujima habang naglalakad kasabay si Hanamichi papasok sa office for minor
"Ito bang sangganong gubat na to? Anak to ng bansot na si Miyagi. Ang point guard na tumalo sayo nung high school pa tayo." Sagot ni Hanamichi
"Good evening po. Ako po si Ryco Miyagi, team captain ng Shohoku basketball team." Pagpapakilala ni Ryco
"Aba matangkad ka kumpara kay Miyagi at mukhang malaki ang pangangatawan mo." Sabi ni Fujima
"Taong gubat yan eh, laking gubat kaya ganyan." Sabi ni Hanamichi
Narating nila ang office for the minor, dahil gabi na walang mga tao ang nakakita sa kanila. Kumatok si Fujima at binuksan ang pinto. "Come in Sir." Sabi ng ginang na naka upo sa desk
Pumasok sina Hanamichi, Fujima at Ryco, sa pagpasok nila nakita nila sina Empress at Bryn na magkatabing naka upo."Papa" sabi ni Empress at saka yumuko
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...