SAKURAGI'S RESIDENCE
Maagang gumising si Nami para pumasok sa school. Nakahanda na sya at bumaba para mag agahan. Masaya sya dahil sa promise ng Papa nyang magse-set ang mga ito ng araw para makapag-bonding sila as a family. Nakita nya si Hanamichi na nasa dining table nagbabasa ng newspaper habang nagka-kape.
"Good morning Papa." Bati ni Nami at naupo na para kumain
"Good morning Princess." Bati ni Hanamichi at ibinaba ang news paper na binabasa nya
"Si Mama po? Napag usapan nyo na po ba yung promise nyo saken? Ano pong sabi nya?" tanong ni Nami
"Nagre-ready na, maya maya bababa na sya para sabayan tayong kumain. Pag uusapan pa namen ngayon Princess." Sagot ni Hanamichi
Nagmamadaling bumaba si Kumi at lumapit sa mag ama nya "Boss any problem?" Tanong ni Hanamichi
"Love kailangan ko ng umalis, may emergency operation sa ospital. Kailangan nila ako dun." Paliwanag ni Kumi
"Mama hindi mo ba kami sasabayang kumain ni Papa? Kasi po kagabi hindi ka na din namen nakasabay." Tanong ni Nami
"Oo nga Boss tama ang anak mo, and diba may pag uusapan pa tayo?" tanong ni Hanamichi
Napahinga ng malalim si Kumi "Baby we can eat some other time and Love pwede naman tayong mag usap later this night. Kailangan ko ng umalis." Sagot ni Kum at nagmamadaling sumakay sa kotse nya
Napansin ni Hanamichi ang kalungkutan sa mukha ng anak "Princess gusto mo after class sunduin kita then mag takoyaki tayo? Dun sa favorite resto mo? Then arcade tayo?" tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Nami "Wag na lang po Papa, ang gusto ko po kasi is Family bonding. Papa nag aaya po si Ate Mari. Lalabas daw po kami after class. Gusto ko pong sumama, sana po payagan nyo po ako. kasama din po ang iba." Sagot ni Nami
Napabuntong hininga naman si Hanamichi, ramdam nya ang lungkot ni Nami kaya naisip nyang payagan na lang ito. "Sige Princess, sumama ka, pinapayagan kita. Pero pupunta ako ng Shohoku mag uusap muna kami ni Ryco bago kayo umalis. Tapusin mo na ang pagkain mo para maihatid na kita." Sabi nito
"Talaga Papa papayagan mo ako? Thank you po Papa, I love you po." Masayang sagot ni Nami
"Boss sana naman magkaroon ka ng oras sa amin ng anak mo. Kahit saken wag na pero kailangan ka ni Nami. Sana maisip mo na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa career mo." Sabi ni Hanamichi sa sarili
MAKI'S RESIDENCE
"Hoy Bryn baka gusto mong magmadali dyan, kalalaki mong tao ang bagal bagal mo." Sermon ni Mari
"Excuse me, hindi ako mabagal. Maaga ka lang talaga, 8 am pa ang start ng class, it's only 7am. At makikisabay ka lang naman saken, then ikaw pa ang mataray dyan." Sagot ni Bryn habang nagsusuot ng uniform nya
"Oo makikisabay ako sa kotse mo, pero nakikitira ka dito sa bahay namen. Kaya fair lang yun wala akong utang na loob sayo." Inis na sabi ni Mari
"Mari ang ingay mo, ganyan ba ang mga babae dito sa Japan. You know what I have a younger sister, si Bell at napakahinhin nya. Nisumigaw hindi nya ginagawa, kaya she earn respect from everyone." Sabi ni Bryn kay Mari
"Hoy ikaw na British na nilalang ka wag mo ngang malait lait ang mga babae dito sa Japan. At kahit ganito ako I earn respect din sa lahat kaya wag kang English ng English dyan." sagot ni Mari
"Hindi ko nilalait ang mga babae dito sa Japan, I only ask, nagtanong lang ako. And hindi ako pure British, half Japanese din ako baka nalilimutan mo." Sabi ni Bryn
"Whatever, by the way gusto mong lumabas later after class? Lalabas kami nung nanliligaw saken together with our friend. Wala ka namang lakad diba? And baka pwede mo kaming ilibre bawasan naten ang milyon milyong yaman mo." Nakangiting sabi ni Mari
"May manliligaw ka? May pumatol sayo kahit ganyan ka ka-ingay. Pero bakit ako ang kailangang manlibre, hindi ba dapat yung manliligaw mo. Baka naman kaya ka nya nililigawan dahil ikaw ang nanglilibre sa kanya. WAHAHHAHA" pang aasar ni Bryn
"Excuse me Mr. Bryn Jin na saksakan ng yabang. Mayaman yung manliligaw ko, sya ang nag iisang heir ng Mitsui corporation at hindi ako ang nanglilibre sa kanya. And FYI supper gwapo pa nya. At tulad mo laki din sya sa ibang bansa, laking Canada yun." Pagmamalaki ni Mari
"Well if that so, ipakilala mo saken pagdating naten sa school, para makita ko kung okay sya. Then saka ako mag-decide kung mag join ako sa inyo." sabi ni Bryn sabay suot ng shades nya
"Hindi sya sa Kainan nag aaral, kaya later after class ko pa sya imi-meet. Kung sasama ka makikilala mo sya. Bakit kailangan mo pang magshade, hindi naman maaraw ha?" tanong ni Mari
"Alam mo kasi lagi kong kailangang magshades, popular kasi ako at mayaman. Laging may mga paparazzi na sumusunod saken. So saan nag aaral yung manliligaw mo? Kung hindi ko din sya ma-meet agad di na ako sasama sa inyo." tanong ni Bryn
"Ganon ka ba ka sikat? Ang alam ko mayaman ka lang, pero hindi ka naman kagwapuhan para habulin ng mga paparazzi. Pero sige maniniwala ako. Sa Shohoku nag aaral si Dion ang manliligaw ko. Pero kung ayaw mong sumama sa amin okay lang." Sagot ni Mari
Natigilan si Bryn "Sa Shohoku? Dun nag aaral si Nami. Baka makita ko sya pagsumama ako kay Mari." Sabi ni Bryn sa isip nya
"Sige Mari join ako sa gimik nyo after class and it's my treat. Kahit saan nyo gusto. Basta wag kang masyadong didikit saken sa school ha, baka isipin nila girlfriend kita. Napaka walang taste ko naman kung nagkagusto ako sayo.HEHEHE" pang aasar na sabi ni Bryn
"Bwesit ka, puro ka kayabangan at pang aalaska. Tara na male-late na tayo." Pag aaya ni Mari
Inalis ni Bryn ang shades nya at seryosong tumingin kay Mari "Mari hindi ako marunong magyabang, all I said is all fact. Baka nalilimutan mo na ako ang pangalawa sa pinaka mayamang teenager sa mundo. And target kong pang maging fisrt." Sabi nito at saka muling isinoot ang shades nya
"Bakit parang pamilyar ang mga mata ni Bryn. Hindi ko pa naman nakikita ang parents nya pero parang matagal ko ng nakita ang mga mata nya." Sabi ni Mari sa isip nya
"Hey Mari ano natulala ka na sa kagwapuhang meron ako. baka tumulo laway mo. Pero hindi kita type kaya wag mo kong pagnasahan." Sabi ni Bryn
"Ikaw isa kang malaking bwesit sa buhay ko. Make sure na magtitino ka sa Kainan, wag mo kaming ipapahiya ni Dad." Sabi ni Mari
"I will be the pride of Kainan. Kailan man hindi ako nagdulot ng embarrassment. Let's go." Sabi ni Bryn at lumabas ng kwarto
Nagpaalam sina Mari at Bryn kay Maki. "Dad aalis na po kami. ako na po ang bahala sa mayabang na lalaking ito. sana lang Dad wag yang mapa away sa school ang yabang kasi at ang lakas mang alakas." sabi ni Mari
"Sige mag iingat kayo. Bryn dahan dahan ka sa pagmamaneho mo. at yung sinabi ko sayong iba ang culture dito sa kinalakihan mo kaya be more careful." paalala ni Maki
"Yeah Tito Maki, pero yung pangako mo. hihintayin ko yung time na iharap mo ako sa kanya." sabi ni Bryn
Nakatanaw si Maki sa pagsakay nina Mari at Bryn sa kotse "Habang tumatagal lalong nakukuha nya ang awra ni Hanamichi.Mag ama nga kaya sila? " sabi ni Maki sa isip nya
Sumakay sila ng kotse ni Bryn patungong Kainan High. Tahimik na nagdadrive si Bryn at nagse-cellphone naman si Mari.
"Kailan man hindi ako nagdulot ng embarrassment. Paano pag nakilala ko na ang totoo kong ama at maging embarrassment ako para sa kanya at sa kanyang pamilya. Pano kung hindi nya ako matanggap dahil magdudulot ako ng kahihiyan sa kanya. Pag nangyari yun baka gumuho ang mundo ko at isumpa ko ang buong pagkatao ko." Sabi ni Bryn sa sarili
BINABASA MO ANG
Ball of Love
Fiksi PenggemarLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...