Chapter 51

263 22 7
                                    

Natapos kumain si Nami, tumayo ito sa kinauupuan nya at nakita ni Ryco ang maiksing skirt na suot nito. Lalo syang nabighani sa ganda ni Nami at natulala habang nakatitig sa dalaga. Napansin naman ito ni Nami dahilan para makaramdam ito ng kilig at mamula ang mukha.

"Ryco just a moment magbrush lang ako then we can go na." namumulang sabi ni Nami

Natinag sa pagkakatitig si Ryco dahil sa sinabi ni Nami, nilapitan nya si Nami "Hmmmm Nami, if you don't mind pwedeng magrequest? Pwedeng magpalit ka ng pants?" namumulang tanong ni Ryco

Napanguso naman si Nami "Why Ryco hindi ba bagay saken ang suot ko? Hindi mo b a nagustuhan?" tanong ni Nami

"Nami your beautiful, ang ganda ganda mo lalo na dyan sa suot mo. Bagay na bagay sayo, but aangkas ka saken. Nakamotor bike ako, ayoko lang ng may mangboso sayo. And manonood ka mamaya ng game namen, madaming lalaki dun ayoko ng may ibang guy na lalapit sayo dahil ang ganda ganda mo." Namumulang sabi ni Ryco

Lalo namang kinilig si Nami, na-appreciate nya how Ryco protects her "Okay po Sir I will change po. Hintayin mo ako dito." Namumulang sabi ni Nami at nagtungo sa kanyang kwarto para mag toothbrush at mag palit

Biglang inakbayan ni Hanamichi si Ryco "Mukhang conservative ka sangganong gubat? Mukhang magkakasundo tayo. I like the way how you protect my Princess." Sabi ni Hanamichi

"And also sumusunod sa kanya si Nami, hindi pa man kayo officially in a relationship maganda ang communication between the two of you. Sinasabi mo kay Nami ang gusto mo at sumusunod naman sayo si Nami." Dagdag pa ni Kumi

"Thank you po Ninong at Ninang. Ngayon lang po kasi ako naging seryoso sa isang babae and I want to protect her from the small thing to complicated. Ayoko pong mababastos sya. And kahit hindi pa po nya ako sinasagot ayokong makaramdam ng selos, baka po kasi kung anong magawa ko." Sabi ni Ryco

"Ipagpatuloy mo lang yan at magkakasundo tayo." Sabi ni Hanamichi habang naka akbay pa rin kay Ryco

Maya maya pa ay bubamaba na si Nami, nagpalit ito ng pang ibaba. From mini skirt nag palit sya ng ripped jeans "Ready na ako, lets go Ryco." Nakangiting sabi ni Nami

"Nyaaaaaaaaaaa, Princess bakit ganyan ang pantalon mo sira sira? Baka naman isipin nag mga tao pinabayaan ka ng mga magulang mo." Gulat na sabi ni Hanamichi

Natawa naman si Kumi "Style yan Love hindi sira sira. That is called ripped jeans, uso yan sa mga kabataan ngayon." paliwanag ni Kumi

"Mas okay na yan Nami, hindii man sobrang sexy ng suot mo but your still beautiful. Ninong Ninang mauna na po kami." Nakangiting sabi ni Ryco at hinawakan ang kamay ni Nami

"Bakit may pahawak hawak pa ng kamay. Sige mag iingat kayo, Princess see you mamaya sa practice game nila." Nakangising sabi ni Hanamichi

"Take care Baby, Ryco dahan dahan lang sa pagdadrive." Nakangiting bilin ni Kumi

"Bye po Mama and Papa, I love you po." Paalam n Nami

Nakatanaw si Hanamichi sa pag alis nina Ryco at Nami, nakita nya kung paano alagaan ni Ryco ang prinsesa nya. Kinuha ni Ryco ang bag ni Nami at iniabot ang pink na helmet nito. Ipinasuot din ni Ryco ang varsity jacket nya sa dalaga at saka inalalayang sumakay sa motorbike nya. Kinuha ni Ryco ang mga kamay ni Nami at iniyakap sa kanya. At saka sila umalis.

"Boss mukhang tama ka, Ryco is a nice guy. Kung ako ang masusunod ayoko pang magboyfriend si Princess pero kung si Ryco ang magiging boyfriend nya mukhang papayag ako." sabi ni Hanamichi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon