PARKING LOT
After maayos ang violation na kinasangkutan ni Bryn nagtungo na sila sa Shohoku. Nagpark sila at natanaw nila sina Dion, Toby, Yuan, Kezzia, Ryco at Nami na naghihintay sa kanila. Bumaba si Mari at ganon din si Bryn, agad namang uminit ang ulo ni Ryco ng makita si Bryn. Si Bryn naman ay nakatitig lang kay Nami.
"Babe bakit ngayon ka lang? then hindi mo sinasagot ang tawag ko?" nag aalalang tanong ni Dion at niyakap si Mari
"Okay lang ako Babe. Nagkaron kami ng traffic violation, buti nakita kami ni Tito Hanamichi kaya nakalusot kami. Thanks to your Papa Nami." Nakangiting sabi ni Mari
"Wow mayamanin ng car mo Tol, sino ka at bakit ka nakatitig kay Bebe? Bawal ng ligawan si Bebe tatlo na kaming nagmamahal sa kanya." tanong ni Yuan
"Oi Mari, bakit may kasama kang bastos?" tanong ni Bryn
"What do you mean Ryco? Sinong bastos?" tanong ni Kezzia
"Yang kasama ni Mari, sya yung yumakap kay Nami yesterday. Diba ang bastos nya, nangyayakap ng babae kahit di nya kilala." Inis na sabi ni Ryco
Nakaramdam ng inis si Toby dahil sa narinig nya "Bakit naman ganon Tol? You must respect every girl. Hindi porket gwapo ka you can hug anyone na magustuhan mo." Sabi nito
"Nami about dun sa nangyari kahapon I'm really sorry. Ganon kasi ang culture na kinalakihan ko. But it's not like what you are thinking. Ryco pasensya ka na sa nangyari I hope mapatawad mo na ako sa ginawa kong paghug sa GF mo.I promise to be more careful at pag aaralan ko ang culture nyo dito para hindi ako magmukhang bastos." Sabi ni Bryn
"So ayan nag sorry na si Bryn. I hope mapatawad nyo na sya Ryco and Nami." Sabi ni Mari, ngumiti naman si Nami at tumango si Ryco
"Teka Mari, sino ba yan? Bakit kasama mo sya? Mukhang bigatin yan ah, ano ka ngayon Dion?" nang aasar na sabi ni Yuan
"Gung gong ka talaga Yuan. Wala kameng relasyon ng balasubas na yan. By the way he is Bryn Jin, siguro pamilyar sa inyo ang name nya. Isa syang sikat na model sa UK at pangalawa sa pinakamayamang teenager sa mundo." Pagpapakilala ni Mari kay Bryn
"hindi lang name mo ang pamilyar, pati itsura mo. I don't know pero parang nakita na kita." Sabi ni Kezzia
"Nice to meet you all, baka nakita mo na ako sa magazine or sa social media. So tara na, saan ba tayo gigimik?"tanong ni Bryn
"Si Mari kay Dion sasabay, syempre magkasama ang magjowa na sina Toby at Kezzia, sina Nami aangkas sa motor bike ni Ryco. So ako ang kasam mo Bryn sa maganda mong oto?" sabi ni Yuan
"Safe ba si Nami sa motorbike? If you want Ryco dito na din kayo sumabay saken, then ihahatid ko kayo sa house nyo after." Sabi ni Bryn
"Laging safe si Nami basta ako ang kasama nya. Sa motorbike kame, diba Nami?" nakangiting tanong ni Ryco
"Thank you sa concern Bryn but I trust Ryco, alam din ni Papa na sya ang kasama ko." Nakangiting sabi ni Nami
"Okay let's go, sumunod tayo kina Ryco and Nami. They know where to go." Sabi ni Kezzia
Sumakay sila sa kanikanilang sasakyan. Nakatingin naman si Bryn kay Nami na nagsuot ng helmet at varsity jacket ni Ryco.
"Nag aalala ka kay Bebe Tol? Type mo sya? Hindi sya papabayaan ni Ryco, mamamatay muna yang si Ryco bago magasgasan si Bebe. Tara na, pasakay na sa pangmayamang kotse mo. Driver muna kita ngayon." nakangising sabi ni Yuan
"Mukha namang safe si Nami, nakahelmet naman sya at mukhang maalaga naman si Ryco. Possible na baby sister kita Nami kaya I must look at you. " Sabi ni Bryn sa isip nya
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanficLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...