Next day after class pumunta sina Toby at Yuan sa gym para sa basketball practice nila. Nandun na ang lahat pero wala pa si Ryota ang coach nila.
"Hi Kezzia magamdamg hapon." Nakangiting bati ni Toby
Namula ang mukha ni Kezzia "Hello Toby, magamdamg hapon din." bati nito
Lumapit si Toby sa dalaga "Kezzia mamaya dadating si Nami, pwedeng dito muna sya?" tanong nito
Napabuntong hininga si Kezzia "Nami again? Okey, sige dito muna sya." Sabi nito
"Bakit napabuntong hininga ka? Hey chill, baby sister namen sya. Wag kang mainis sa kanya. Sameng tatlo walang talo talo." Paliwanag ni Toby
"Excuse me? At sinong may sabing naiinis ako sa kanya?" mataray na tanong ni Kezzia
Ngumiti si Toby "Yang magagandang mata mo. Kitang kita ko na nakakaramdam ka ng inis sa kanya." Sagot ni Toby. Nakaramdam naman ng hiya si Kezzia dahil nakatitig si Toby sa kanya, kaya tinakpan nito ang kanyang mukha ng mga kamay nya.
"Hoy Toby Rukawa tama na yang panliligaw mo, warm up na tayo." Sigaw ni Ryco
Lumapit si Toby kay Ryco "Captain nakikipag usap lang ako. Binasted nya na ako eh." Sabi nito
"Ganon? Binasted ka nya, akala ko crush ka ni Kezzia, kinikilig nga sya sayo." Sabi ni Ryco
"That's LOVE Captain, kahit gwapo ka at seryoso di nila nakikita ang worth mo. Sasaktan ka nila paghindi ka nila gusto." Malungkot na sabi ni Toby
"Hey hey mga babaero warm up na tayo. Tama na yang heart to heart talk nyo." Nakangiting sigaw ni Yuan
Tiningnan ng masama ni Toby si Yuan pero ngumiti lang ito "Ano na? warm up na." sabi ulit ni Yuan
"Lakas ng pang asar ng isang yan." Sabi ni Ryco
"Sinabi mo pa." pagsang ayon ni Toby
Nagdidribble naman ng bola si Dion at ipinasa kay Ryco "Captain panguhan mo na ang practice, hindi yang pakikipagchismisan tungkol sa kalandian." Nakangiting sabi nito
"Isa pa to oh." Sabi ni Ryco sabay turo kay Dion
"Oo isa pang magaling mang alakas ang isang yan. Akala mo kung sinong maginoo. Pero pasmado!" Pangsang ayon ni Toby kay Ryco
Nagstart ang practice nila kahit wala pa si Ryota. Si Ryco ang namumuno sa kanila na tinutulungan ni Kezzia. Maya maya pa dumating na si Nami. Pumasok ito sa gym at naupo sa bench para hintayin sina Toby at Yuan.
Napalingon si Ryco kay Nami na nakasuot ng P.E. uniform "Ang cute nya talaga. Bagay na bagay sa kanya ang P.E. uniform nya." Sabi nito sa isip nya
Lumapit si Ryco kay Nami "Hi" bati nito
"Hi Kuya Ryco, pawis na pwais ka ah. Magpunas ka nga ang baho mo." Nakangiting sabi ni Nami
"Ako mabaho? Sure ka?" nahihiyang tanong ni Ryco, dali dali syang naghubad at nagpunas ng pawis nya
Natawa si Nami "taranta much, nagbibiro lang ako." sabi nito
"Nangyayari sa dalawang yun? Bakit nakahubad si Ryco?" tanong ni Toby
"Wag kang mag alala Toby, si Bebe yun. Tyak trip nya si Captain. Kawawang Captain hindi nya alam na sa likod ng magandang mukha ni Nami namana nya ang pagiging alaskador ng Papa nitong si Hanamichi Sakuragi." Natatawang sabi ni Yuan
"Hanamichi Sakuragi? Kaibigan din sya ni Papa, balasubas daw yun at manyak ang tawag sa kanya." Natatawang sabi ni Dion
"Tara practice na, hayaan na naten si Captain." Sabi ni Toby
"Trip mo ko?" tanong ni Ryco
Ngumiti si Nami "Hindi, wala kasi akong time sa katulad mo." Sagot nito
"Ang ganda ganda nya pero nakaka inis sya. Bakit apektado ako sa pang aasar nya." Sabi ni Ryco sa isip nya
"Alam mo bang ikaw pa lang ang nakapagsalita saken ng ganya?" tanong ni Ryco
"Eh ano naman? Pakealam ko?" nakangiting tanong ni Nami
"Nakaka asar talaga sya." Sabi ni Ryco sa isip nya
Dahil napansin ni Yuan na naiinis na si Ryco, pinasahan nya ng bola si Nami para ma-distract ang mga ito "Bebe salo." Sigaw ni Yuan
Nasalo naman ni Nami ang bola "Bebe hindi ako kasali ha." Sabi ni Nami sabay dribble ng bola
"Nice ang ganda ganda nya at ang galing nya pang magdribble." Paghanga ni Dion
"Mukhang marunong kang maglaro? One on one tayo gusto mo?" Paghahamon ni Ryco
"Wow ha, team captain ng basketball hinahapon ako? Ano namang laban ko." Nakangiting tanong ni Nami
"Sige ganito para patas dapat maka 2points ka bago ako maka 10 points. Siguro naman patas na yun?" Paghahamon ni Ryco
"Parang dehado parin ako dun, team captain ka at third year ka na. Pero sige payag ako." sabi ni Nami habang nagdi-dribble
"So pag nanalo ako anong premyo ko?" tanong ni Ryco
"Aba malay ko, sabi mo one on one lang tapos maghahanap ka ng premyo." Sagot ni Nami
"Pagnanalo ako papayag kang manligaw ako sayo." Nakangising sabi ni Ryco
Ibinato ni Nami ang bola sa mukha ni Ryco "Hindi ako ipinanganak at inalagaan ng mga magulang ko para maging premyo. Gung gong" inis na sabi nito
"Sorry na. lakas mo kasing mang asar kaya nadala ako." sabi ni Ryco
"Wag mo kong kausapin kung maasar ka." sabi ni Nami
"Okey hindi na, hindi na ako maasar. Pwede na kitang kausapin?" tanong ni Ryco
"Okey" nakangiting sagot ni Nami
"One on one, wala ng premyo. Pwede ba yun?" tanong ni Ryco
Nakangiting tumango si Nami, pumunta sila sa kabilang court para mag one on one.
"Hala ka, maglalaro sila?" tanong ni Toby
"Hayaan mo sila, kayang kaya yan ni Bebe." Sabi ni Yuan
"Yuan team captain naten ang lalabanan nya, at third year pa. At si Nami wala pang expierience makipaglaro sa iba." Pag aalala ni Toby
"Oo magaling sa Cap, pero nasa dugo ni Bebe ang pagiging basketbolista. Anak sya ng hari ng rebound na si Hanamichi Sakuragi at ng number 1 point guard na babae na si Kumi Sakuragi. Saka hindi lang galing ang kailangan, diskarte at dun sya hinasa ni Ninang Kumi." Sabi ni Yuan
"Sabagay may point ka dyan. Si Nami Sakuragi yan." sabi ni Toby
"Magaling ba syang maglaro, gusto ko din syang maka one on one." Sabi ni Dion
"Oo magaling sya pero kami pa lang nina Toby ang nakakaloro nya. Hindi sya pinapayagang maglaro sa official game ng Papa nya." Kwento ni Yuan
Napangiti si Toby "tara lapit tayo, panoorin naten kung paano ilalampaso ni Nami si Captian." Sabi ni Toby
BINABASA MO ANG
Ball of Love
Fiksi PenggemarLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...