Napahawak si Sendoh sa batok nya at napahagikgik ng tawa "Kahit pala ganito ako malaki ang tiwala saken ng mga gung gong na to. Akalain mong naniwala silang lahat sa sinabi ko, ang problema ko lang pag dumating na yung mag ama. Tyak papatayin ako ni Sakuragi.AHAHAHAH" sabi ni Sendoh sa isip nya habang nakatingin sa mga kaibigan nya
Habang nasa labas ang lahat, lumabas si Dion mula sa loob ng gym. Puro ito kiss mark sa buong katawan nito "Nyaaaaaaaa Dion anong nangyari sayo? Daig mo pa ang nagahasa sa itsura mo, pero tyak pagnakita ka ni Mari shoot to kill ka." natatwang sabi ni Yuan
BLAG!!! Nakatikim si Dion ng batok mula kay Maki "Bakit ganyan ang itsura mo? Ayokong pinaglololoko ang anak ko, kahit anak ka ni Mitsui at nasa teretoryo nyo ako makakatikim ka sa akin." Seryosong sabi mi Maki
"No Tito Maki, hindi ko po niloloko si Mari at wala po akong balak gawen sa kanya yun. It's just pumasok po ako sa gym dahil sabi po ni Dad dun daw po gagawen ang stag party, akala ko po nasa loob na ang lahat. Laking gulat ko po ng pagkaguluhan ako ng mga babae sa loob, buti po nakawala ako." paliwanag ni Dion habang nagpupunas ng sarili
"Hmmmmm mukhang exciting sa loob. Gusto ko ng pumasok." Nakangising sabi ni Yuan
"Yuan Mito manahimik ka. alam kong may kabalbalan ka nanamang iniisip." Pagsasaway ni Mito sa anak
Napahinga ng malalim si Sendoh at napahawak sa baba nito "Mukhang pinaghandaan talaga ni Mitsui ang lahat, tyak mamaya hindi lang si Sakuragi ang papatay sa akin. Baka maging karumal dumal ang pagkamatay ko pagpinagtulungan ako ng mga ito.HEHEHE" sabi ni Sendoh sa isip nya
Maya maya pa ay may humintong isang hindi pamilyar na sasakyan. Napatingin ang lahat kung sino ang sakay nito. Sa pagbukas ng pinto nito ay isang matangkad na maputing lalaki ang bumaba, nakasuot ito ng kulay green na basketball jersey "Mga Preee si Fujima ba yan?" gulat na tanong ni Kiyota
"Si Fujima nga, iba talaga ang awra nya. Naka-jersey sya pero mukha pa rin syang kagalang galang." Sabi ni Mitsui
"Pero anong ginagawa nya dito, grabe naman sya ka strikto. Babantayan nya ang magiging manugang nya sa stag party nito. Paano mae-enjoy ni Bryn ang huling araw na pagkabinata nya?" tanong ni Miyagi
"Ano ba yan? Dumagdag pa si Fujima, mukhang mahihirapan akong magpaliwanag mamaya sa mga ito." Sabi ni Sendoh sa isip nya
Lumapit si Fujima "Kumusta" bati nito
"Fujima matagal tagal na din nung huli ka namen nakita." Bati ni Maki
"Nagkaroon na tayo ng kanyan kanyang buhay. Masaya akong makita kayong lahat at ang mga anak nyo." Sabi ni Fujima
"Fujima kumusta, ito nga pala ang anak ko. Si Ryco, tulad naten isa syang mahusay na point guard." Pagpapakilala ni Miyagi sa anak
Ngumiti naman si Ryco "Tito Kenji nagkita po ulit tayo." Bati ni Ryco
"Matangkad ang anak mo Miyagi at mukhang tulad mo, isa syang matinik na point guard," sabi ni Fujima
"Ito naman ang nag iisang binata ko, si Dion." Pagpapakilala ni Mitsui sa anak
"Mas matangkad sya kaysa sayo Mitsui." Sabi ni Fujima
"Nagmana kay Akagi ang height nya. At tulad ko isa syang shooting guard, kaya din nyang maging center tulad ni Akagi." Sagot ni Mitsui
"Si Toby anak ko." Sabi ni Rukawa
"Walang duda Rukawa, para kayong pinagbiyak na bola." Sabi ni Fujima
"Masaya akong makita ka ulit Fujima, sana naalala mo pa ako. hindi ako player ng Shohoku pero nakabuo ako ng isang mahusay na small forward. Anak ko si Yuan." Pagpapakilala ni Mito
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...