Pumasok si Bryn sa kwarto nya dala dala ang mga gamit nya. Nahiga sya sa kama "This is my new life. Life without mommy, daddy and Bell. Life na malayo sa bansang nilakihan at kinagisnan ko. Life na iba ang culture na kinamulatan ko. Life na kasama ako ang biological father ko at ang family nya. Masaya akong nakilala ko si Papa. Hanamichi Sakuragi sya ang totoo kong ama at ngayon magsisimula na ang buhay ko kasama sya." Sabi ni Bryn sa sarili ng bigla nyang maalala ang mga pictutres nila.
"I-upload ko muna sa social media account ko ang mga pictures namen, tyak na inaabangan din yun ni Bell." Sabi ni Bryn at agad na kinuha ang phone nya. Sa pag open nya ng phone nya may mga text messages mula sa unknown number.
"Sino kaya ito? Wala namang nakaka alam ng number ko kung hindi family ko at mga kaibigan ko. Even sa work ibang number ang ibinibigay ko." Tanong ni Bryn sa sarili. Sinimulan nyang buksan ang mga text messages at ito ang bumungad sa kanya.
Napatayo si Bryn ng mabasa ang unang text message "Hi Bryn, it's me Empress. I'm looking for your social media account, I have to tell you something kasi. But ang dameng fake account na nakapangalan sayo. Looks like it's true na sikat ka talag." unang text message
"Why is she texting me? Saan kaya nya nakuha ang number ko, may sa stalker din pala tong si Empress. Ano kayang gusto nyang sabihin sa akin?" Sabi ni Bryn sa sarili at binuksan ang next text message
"Hey I know what you are thinking. Hindi kita ini-stalk noh! Kapal kapal ng mukha nito. Alam ko namang patay na patay ka saken, pero wag kang assuming dyan. I asked Nash for your number. Don't get mad at him kasi pinilit ko syang ibigay ang number mo sa akin." Pangalawang text message
"Ah kay Nash nya pala nakuha ang number ko. Bakit nya alam na patay na patay ako sa kanya. Iba talaga si Empress. Lakas na ng dating pati pang amoy malakas din." Nangingiting sabi ni Bryn sa isip nya at binuksan ang huling text message
"Bakit ang tagal mong mag-reply? Dahil sikat ka? dahil model ka? oh dahil galit ka saken dahil sa mga sinabi ko last night? Oo I know napasobra ang mga sinabi ko, hindi ko dapat sinabi ang mga yun sayo. And kaya ang nagtext sayo is I want to say sorry about sa mga sinabi ko. Yun lang, kung naabala na kita sorry. Sana have time to read this kasi totoo ang pagso-sorry ko." Last text message
"Buti alam mong nakakasakit ang mga sinabi mo. Pero lalo akong na amaze sayo Empress at mukhang lalo kitang nagugustuhan dahil sa ugali mo. You know how to apologize pagmali ka, kahit na medyo ma-pride ka." Sabi ni Bryn sa sarili at nagsimula ng mag-type ng reply sa dalaga
"Hey Empress! Sorry for the late reply, today is the flight of Mom and Bell. Inihatid pa namen sila sa airport. About what happened last night it's okay. Just forget about it. By the way this is my official social media account para naman hindi mo na ako i-stalk Bryn_Jin_08. HEHEHE" Reply from Bryn
Sa bahay naman nina Empress busy itong gumagawa ng homework nya ng makita nyang umilaw ang phone nya. Kinuha nya ito at nakita nya na nagreply si Bryn. Inopen nya ang text message at binasa, napangiti sya ng mabasa nyang hindi galit ang binata sa kanya."Mabuti na lang his not mad sa akin. Pero wow ha, tama ang iniisip ko ang kapal kapal ng mukha nya to think na stalk ko sya." Sabi ni Empress sa sarili
"Ang kapal talaga ng mukha mo to think na stalker mo ako. Hindi ikaw ang guy na type ko and you know that. I just want to apologize about what happened and ikaw masyado kang feeling dyan." Napapangiting reply ni Empress kay Bryn
"Ayan ka nanaman sa pananakit mo sa feelings ko. Ipinamumukha mo nanaman sa akin na hindi ako ang type mo. Pero you gave me chance na manligaw sayo, kaya oo assuming ako na may pag asa ako sayo." Nakangiting reply ni Bryn

BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...