Sa garden magkasamang nag uusap sina Hanamichi at Mitsui ng dumating si Kumi galing sa duty. Nagulat sya ng makita nya si Mitsui na kasama ng kanyang asawa. Masaya syang lumapit sa dalawa.
"Love" bati ni Kumi kay Hanamichi at hinalikan ang kanyang asawa
"Boss" bati ni Hanamichi at niyakap si Kumi
"Nakaka-inggit ah, dapat pala isinama namen si Haruko dito." Sabi ni Mitsui
"Mitsui, I'm happy to see you after ng ilang taon na paninirahan nyo sa Canada. CEO na talaga ang dating mo." Pagbibiro ni Kumi
Napatawa si Hanamichi "Kunsintidor na CEO kamo." Sabi nito
"What do you mean Love?" tanong ni Kumi kay Hanamichi
"Kumi kasi kasama ko ang nag iisa naming anak ni Haruko, si Dion. Gusto nyang manligaw sa anak nyong si Nami." Paliwanag ni Mitsui
"Ah talaga? Where is he?" tanong ni Kumi
Ngumiti si Mitsui "Nasa loob kausap si Nami, nagsisimula ng manligaw ang binata ko." Sagot nito
Lumingon si Kumi kay Hanamichi "Love pumayag ka? Okey na sayo na may manligaw sa prinsesa mo?"tanong nito
Napabuntong hininga si Hanamichi "Boss nagdadalaga na si Nami, kahit ayoko wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng hadlangang ang mga bagay na normal na magaganap sa paglaki nya. Kaya pumayag akong manligaw ang pangahas na uhuging anak nyang manyakis na yan." Sagot nito
"Hoy Hanamiching gung gong hindi na uhugin ang anak ko, sa tangkad at sa gwapong yun. At sinisigurado ko sa inyong dalawa maginoo ang anak ko." Sabi ni Mitsui
"Anak mo maginoo? Wahahahahahha manyakis kamo." Sabi ni Hanamichi
"Hay naku Love, bigyan mo muna ng chance si Dion. Wag mo muna syang husgahan. I'm sure hindi sya sasamahan at susuportahan ni Mitsui kung hindi sya seryoso kay Nami." Paliwanag ni Kumi
"Seryoso talaga sya Kumi. Nung nasa Canada kami babae ang lumalapit dyan pero ni isa wala syang pinatulan. Kaya nagulat ako nung nagsabi sya saken na may liligawan sya, at lalo akong nagulat na isang Sakuragi pa ang nagustuhan nya." Sabi ni Mitsui
"Aba syempre, magandang lahi ang Sakuragi. Mahusay pumili ang anak mong uhugin Mitchi. Wahahahahahah" pagyayabang ni Hanamichi
Habang nag uusap sila ay may dumating na van na nagbaba ng mga pagkain. Sumenyas si Mitsui sa mga ito na ipasok ang mga pagkain.
"Oi Mitchi ano yan? Bakit may mga pagkain?" tanong ni Hanamichi
"Pare nanliligaw ang anak ko, alangan namang dumayo kami ng kain. Kaya nagpahanda ako ng food para sa dinner naten." Sagot ni Mitsui
"Ungas ka ba? Anong tingin mo dito sa bahay namen walang pagkain? Madami kaming pagkain dito, kahit mabungal ka pa ulit sa pagkain hindi mo yun mauubos." Inis na sabi ni Hanamichi
"Pare yan ang gusto ng anak ko, gusto nya sa tuwing aakyat sya ng ligaw sa anak mo parang namamanhikan na sya." Nakangiting sabi ni Mitsui
Napangiti si Kumi "Ang romantic naman pala ng anak mo Mitsui." Sabi nito
"Ang dameng kalokohang alam ang sabihin mo." Sabi ni Hanamichi
"Pare bigyan mo naman ng chance si Dion, puro ka nega dyan." Inis na sabi ni Mitsui
"Heh! Ano pa bang chance ang gusto mo Mitchi? Diba ayon nandun na yung anak mong uhugin kausap na at nanliligaw nasa anak ko." Inis na sabi ni Hanamichi
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...