Chapter 145

209 14 3
                                    

Agad na inalis ni Hanamichi ang mga kamay ni Liza sa braso nya "Hoy babaeng doctorate sa kalandian tigilan mo ako kung ayaw mong itulak kita." Sabi ni Hanamichi

"Hmmmm ano ba, bakit ba ang pakipot mo? Ano bang ayaw mo sa akin? Maganda ako at sexy, doctor din naman ako gaya ng asawa mo at mas bata sa kanya. Kaya wag ka ng mag-deny na hindi ka attracted rin sa akin." Sabi ni Liza

Napahinga ng malalim si Hanamichi at isinandal si Liza sa pader "Is this what you want?"tanong ni Hanamichi

Ngumiti si Liza "Madali ka naman palang kausap. Yes, this is what I want." Kinikilig na sabi nito

"Hoy babaeng malandi alam mo ba may anak ako sa isang sikat na model sa UK? At kung ganda at ka-sexy-han lang ang usapan hindi magpapahuli ang Boss ko dyan. At kahit mas matanda sya sayo, sya lang ang nag iisang babae sa puso at buhay ng henyong ito." Sabi ni Hanamichi

Ngumiti si Liza na parang walang narinig sa lahat ng sinabi ni Hanamichi, inilagay nya ang mga kamay nya sa leeg ni Hanamichi at hinila ito papalapit sa mukha nya "Henyo ka pala, babae na ang lumalapit sayo, tinatanggihan mo pa. Gusto mo bang sabihin ko kay Doc. Kumi yung nangyari sa atin kagabi, ang pag ibabaw mo sa akin." bulong nito

Sandaling natahinik si Hanamichi dahil sa sinabi ni Liza "Ito na nga ba ang nasa isip ko. Dapat kagabi ko pang sinabi kay Boss ang tungkol sa nangyaring yun, pero tulog na sya at alam kong pagod sya kaya hindi ko na sinabi sa kanya. Pano na to, mukhang desperada ang isang to." Sabi ni Hanamichi sa isip nya

"Natahimik ka? asan na ang tapang at angas mo na gustong gusto ko?" tanong ni Liza

"Ano bang gusto mo?" tanong ni Hanamichi

"Hindi ano, kundi sino. Ikaw, ikaw ang gusto ko." Sagot ni Liza

Dahil sa sagot ng doktora napalunok si Hanamichi ng biglang may nagsalita "Love, Doc Liza? What is this all about?" sabi ni Kumi na biglang lumitaw sa likoran nila

"Boss?" sabi ni Hanamichi at agad na inalis ang mga kamay ni Liza sa leeg nya

"Doc. Kumi I feel dizzy, muntik na akong bumagsak sa sahig. Mabuti na lang nasalo ako ng hubby mo." Sabi ni Liza at humawak sa kanyang ulo

"Ow Doc. Liza how do you feel right now? Ikaw kasi nagpapalipas ka ng gutom, gusto mo dahil ka namen sa ER?" pag aalala ni Kumi at humawak sa braso ng asawa nya

"Boss babaeng hito yan, maharot pa sa maharot. Lumayo ka dyan baka sipain ko yan." Sabi ni Hanamichi sa isip nya

"OMG Doc. Kumi napakabait mo talaga, kaya naman mahal na mahal ka ng hubby mo. But I feel okay, I think I just need to eat like what you said nagpalipas ako ng gutom." Sabi ni Liza

"Are you sure, gusto mo samahan ka namen ni Love sa cafeteria?" tanong ni Kumi

"Kaya ko na ang sarili ko Doc. Kumi, thank you kay Hubby mo for catching me when I suppose to fall. I have to go. Thank you again Mr. Sakuragi." Sabi ni Liza at naglakad papunta sa cafeteria

"I hope she's feeling okay na. Love bakit ka nga pala nandito sa hospital? hindi mo inihatid si Nami?" tanong nu Kumi

"Tinatanong pa ba yun Boss? Syempre gusto kitang makita. At si Princess sinundo sya ng sangganong gubat. Boss yung mga anak ko busy na sa mga lovelife nila. Gusto ko na ulit magka-baby" sabi ni Hanamichi at yumakap sa baywang ng asawa

"Love tama ka malalaki na sila pero we're working naman to have a baby. Kaya dapat maghintay na lang tayo, in right time ibibigay din yun sa atin." Sabi ni Kumi

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon