Chapter 33

343 17 6
                                        

"Ang swerte nyo nakita tayo ni Idol Hanamichi. At ang swerte ko din may picture na ko kasama sya, may bola pa na may autograph nya. Tyak na matutuwa ang anak ko nito." Masayang sabi ng traffic aid

"Looks like your very happy? Baka pwede ko ng makuha ang license ko, may lakad pa kasi kame. " sabi ni Bryn

"Heto na ang lisensya mo. Mag iingat ka sa pagmamaneho, ingatan mo ang kotse mo at lalong ang sarili mo. Kaya wag masyadong mabilis mag maneho." Sermon ng traffic aid sabay abot ng lisensya ni Bryn

Tinanggap ni Bryn ang lisensya nya at kinuha ang wallet nya mula sa bintana ng kotse nya "This is for you, for being nice at sa pagpapalampas sa violation ko. I promise na hindi ko na yun uulitin. Hindi ito suhol or anything. Gusto ko lang magpasalamat." Sabi ni Bryn sabay abot ng 100 dollar sa traffic aid

"Ano, hindi ko matatanggap yan. Ang laking halaga nyan, mahiya ka sa magulang mo. Hindi madaling kitain ang pera lalot ganyan kalaking halaga." Sermon ulit ng traffic aid

"Sir don't you know this guy? This is Bryn Jin, sikat na model yan at pangalawa sa pinakamayamang teenager sa mundo. Kaya tanggapin mo yan, sariling pera nya yan di galing sa kanyang magulang." Sabi ni Mari

"Bryn Jin?" tanong ng traffic aid

"Yah, that's my name. Take this, were taking so long may lakad pa kame." Sabi ni Bryn at iniabot ang pera sa traffic aid at sumakay na ng kotse kasama ni Mari

"Salamat po Mam at Sir." Sabi ng traffic aid

"OMG di ko napansin tumatawag pala si Dion, nag aalala sya dahil ang tagal ko then hindi ko nasagot tawag nya." Sabi ni Mari

"Worry sya? Bakit kasi hindi sya ang pumunta sayo at ikaw ang kailangang pumunta sa kanya." Tanong ni Bryn

"Yun yung set up na gusto ko, ano bang pake mo. And kaya tayo natagalan dahil sa yabang mo sa pagmamaneho. Buti na lang nakita tayo ni Tito Hanamichi." Sabi ni Mari

"Speaking of him, close kayo ni Mr. Hanamichi Sakuragi? Anong alam mo tungkol sa kanya?" tanong ni Bryn

"At bakit ko naman sasabihin sayo. May pagka-tsismoso ka din pala, kalalaki mong tao." Sagot ni Mari

"I'm just asking. Masama ba? Nabaitan lang ako sa kanya, then ang cool nya. Tinulungan nya tayo tapos ng bigay pa sya ng gift sa taong non nya lang nakilala." Sabi Bryn

"Well, hindi ko pa sya ganon ka-kilala. Lately ko lang din sya na-meet, pero yah mabait sya. And super love nya si Nami ang nag iisa nyang anak. And pareho naman kayong nagbigay ng something sa taong non nyo lang nakilala. Sya yung bola at ikaw naman yung cash. Pareho kayong generous." Sabi ni Mari

"Yan lang ba ang alam mo sa kanya? Diba friend sya ni Tito Maki?" tanong ni Bryn

"Yah friend sya ni Dad. Hmmmmmmm I know. Laging sinasabi ni Dad na Lolo ang tawag sa kanya ni Tito Hanamichi, mukha daw kasi syang matanda. Ayon isa syang balasubas at mahilig mang alaska. Parang ikaw." Sagot ni Mari ngumiti lang si Bryn at nagpatuloy sa pagdadrive nya.

SHOHOKU HIGH SCHOOL

Sa parking lot nagstay si Hanamichi, hinihintay nya sina Nami at Ryco.

"Anak ni Jin ang binatang iyon, ang tangkad din nya at hulmado na ang kanyang katawan sa batang edad. Si Bianca kaya ang nakatuluyan ni Jin? Wala na akong balita sa kanya mula nung umalis sya after ng magazine cover namen. Siguro nga talagang kinalimutan nya na ako, tulad ng sinabi nya." Sabi ni Hanamichi sa sarili

Maya maya pa ay dumating na ang dalawa sina Nami at Ryco at parehong sumakay sa backseat ng kotse.

"Hi po Papa." Bati ni Nami

Ball of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon