Chapter 63

302 22 7
                                    

Dahil sa sinabi ni Fujima, biglang nakaramdam ng hiya si Bryn. Ibinaba nito ang hawak na pizza at burger at naupo "Bryn what do you think you're doing, bakit kailangan mong makipagbangayan sa isip batang yan. Ang weird nya, nakaka inis sya." Sabi nito sa isip nya

"Finally ibinaba mo din. Talo ka talo. Kakain ako at wala kang magagawa, pero ikaw wag kang iinom ng milk tea dahil hindi mo ako tinulungang magdala." Nang aasar na sabi ni Empress

"You know Empress ngayon ko lang nakitang ganyan mag-react si Bryn. Commonly mature sya mag act pero natatawa akong makitang ganyan ang anak ko sa isang babae. I think crush ka ni Bryn. Ang cute mong magka-crush Bryn." Natutuwang sabi ni Bianca

"Mommy uulitin ko, hindi ako magkakagusto sa ganyan. Ang wirdo nya." Supladong sabi ni Bryn

Tumingin si Empress kay Bianca "Anak nyo po sya? Sigurado po ba kayo? Ang ganda nyo po at ang sexy bakit po sya ang panget? Siguro nagmana sya sa ama nya." Gulat na sabi nito

Napataas ang kilay ni Hanamichi sa sinabi ni Empress "Oi anak ni Mr. Substitute may sinasabi ka ba tungkol sa ama ni Bryn? Ako lang naman ang ama nya. Paki ulit nga nung sinabi mo, hindi ko kasi masyadong narinig." Sabi ni Hanamichi

"Nyeeee kayo po ang Papa nya? Siguro po ampon lang sya kasi po ang hot nyo po Tito. Laki ng katawan nyo and ang angas ng buhok nyo. Siguro po dapat nyo na syang ibalik sa totoong magulang nya. Sakit lang sya ng ulo." Sabi ni Empress

Kumuha ng pizza si Fujima at isinubo sa anak nya "Ayan kumain ka ng mabuti anak, mukhang gutom na gutom ka na kaya hinahangin na yang utak mo at kung ano anong pinagsasasabi mo. Hanamichi and Bianca pasensya na kayo sa anak kong parang walang nagtuturo ng magandang asal. At ikaw Empress hindi mo ba kilala si Bryn?"tanong ni Fujima sa anak

Dahil punong puno ng pizza ang bibig ni Empress hindi ito makapagsalita at umiling na lang "Sya si Bryn Jin sikat na model at pangalawa sa pinakamayamang teenager sa mundo. Madaming babae ang nagkakagusto sa kanya kaya wag kung ano anong sinasabi mo sa kanya at baka makasuhan ka pa." paliwanang ni Fujima sa anak

Nalunok na ni Empress ang pizza sa bibig nya at akmang magsasalita ng muling lagyan ni Fujima ng pizza ang bibig nito para hindi makapagsalita "Grabe naman si Papa, paano ako makakapagsalita nito. Pero I think narinig ko na nga ang pangalan nya. Saan ko ba narinig ang pangalan nya." Napaisip na tanong ni Empress habang nginunguya ang pizza sa bibig nya

"Oi Mr. Substitute baka hindi na makahinga yang anak mo sa ginagawa mong yan. Hayaan mo na syang magsalita." Natatawang sabi ni Hanamichi

"Tama lang na tumahimik sya dahil nakakabngi na ang kaingayan nya, Dapat laging puno ng pakain ang bibig nya para hindi na makapagsalita ng walang kwenta. " inis na sabi ni Bryn

"Bryn your so mean to her, I think crush mo talaga sya. Ganyan pala ang gusto mo sa babae kaya pala wala kang nagustuhan sa mga nakakawork mo noon sa UK." Nang aasar na sabi ni Bianca

Napahinga ng malalim si Bryn "Mom pwede ba? Hindi ganyan ang gusto ko sa babae at hinding hindi ko yan magugustuhan," sabi ni Bryn at tmingin kay Empress na parang may malalim na iniisip

"Tumatahimik naman pala sya Mr. Substitute, baka gutom lang sya kanina." Natatawang sabi ni Hanamichi

"Sakuragi tumatahimik lang yan pag may iniisip at may binabalak na kalokohan. Lagi nyang pinapasakit ang ulo ko, lalot wala dito ang Mama nya." Napapa iling na sabi ni Fujima

Nagpatuloy ang kwentuhan nina Fujima, Hanamichi at Bianca habang kumakain. Si Bryn naman ay tahimik na naka upo habang kumakain. Habang si Empress ay natahimik habang may iniisip "Saan ko pa narinig ang pangalan nya, nakaka inis na kanina ko pang iniisip pero di ko talaga maalala." Sabi ni Empress sa sarili at tiningnan ang binata

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon