"Bebe, Captain magkasama nanaman kayo?" tanong ni Yuan at lumapit sa dalawa
"Hindi ko sya kinakausap tulad ng sinabi nyo ni Toby." Sabi ni Nami
"Eh bakit si Dion kinausap mo? Dahil ba mas gwapo sya saken? At dahil pa-english english sya?" tanong ni Ryco
"Excuse me hindi ako nakikipag usap sa isang tao dahil lang gwapo sya. Nagpakilala sya saken kaya I talk to him na." sagot ni Nami
"Bebe type mo si Dion, naku lagot ka kay grandpa nyan and lalo na kay Ninong. HAHAHA" Nakangising sabi ni Yuan
"Oo baka nga type nya si Dion, kinakausap nya eh. Tapos ako sinusungitan. Ang unfair mo Ms. Nami." Inis na sabi ni Ryco
"Bakit? Affected ka kung kausapin ko sya? Eh ano naman sayo?" sabi ni Nami kay Ryco
"Nakuh, chill lang kayong dalawa. By the way Captain ito si Nami, baby sister namen ni Toby. And Nami sya si Ryco, team captain ng basketball ng Shohoku." Sabi ni Yuan
"Hi Nami nice to meet you. Ryco Miyagi." Sabi ni Ryco sabay offer ng kamay for hand shake
"Hi Nami Sakuragi." Pakilala ni Nami na akmang makikipaghand shake na kay Ryco ng biglang
"Naku Captain bawal ang hand shake, heheheheheh" sabi ni Yuan at hinawi ang kamay ni Ryco
"Ayos ka rin Yuan." Inis na sabi ni Ryco,
Ngumiti si Yuan at sinabing "Protective brother lang Captain. Sorry. Nag iisa to kaya iniingatan lang namen."
"Akala ko girlfriend mo sya, bebe kasi tawagan nyo. Paano nyo sya naging baby sister hindi naman kayo magkapatid ni Toby." Tanong ni Ryco
"Tsismoso ka rin Captain o interesado ka kay Bebe? Magkababata kaming tatlo. Pati mga parents namen magkakabarkada na since high school." Sagot ni Yuan
"Bebe ko sya at Bebe nya ako kasi 2 days old lang ang tanda ko sa kanya." Nakangiting sabi ni Nami, namula naman ang mukha ni Ryco dahil nakangiti sa kanya si Nami.
"Tara na Bebe, baka himatayin na si Captain sayo. Ang pula pula na ng mukha nya. hehehehe" pag aaya ni Yuan
"Hindi ako namumula, mistiso lang talaga ako." palusot ni Ryco
"Where is Toby, hindi sya sasabay pauwi?" tanong ni Nami
"Nagpapacute pa sya kay Kezzia, then sila din ang tokang maglinis ng gym today. Kaya mauuna na tayo." Sagot ni Yuan
"Pwede ba akong sumabay sa inyo?" namumulang tanong ni Ryco
"Sige Captain, pwede naman. Ang bawal lang ay ang pormahan si Bebe, dalawa na kasi kami ni Toby na nagmamahal sa kanya." Nakangiting sabi ni Yuan
"Lakas mang asar ng ngiti nitong si Yuan ah. Pero sige sa ngayon hindi ko muna sya popormahan. Sa dating ni Nami, hindi sya madaling makuha, dapat pinaghihirapan sya." Sabi ni Ryco sa isip nya habang nakatingin kay Nami
SA GYM
"Manager ng puso ko, maupo ka na lang. ako na ang mag aayos ng mga bola pagkatapos kong maglampaso dito."nakangiting sabi ni Toby
"Just call me Kezzia, ang OA kasi ng tawag mo saken." Sabi ni Kezzia
"Ah OA ba? Suplada ka pala. Ehehehehe.. okey Kezzia ko pwede na ba yun? Baka magalit ang boyfriend mo." Tanong ni Toby
"Wala akong boyfriend Toby. May asawa na kasi ang crush ko, ang lalaking pinapamgarap ko. Napakasaklap." Naiiyak na sabi ni Kezzia
"Ako wala pang asawa. Wala ding girlfriend. Pwede mo kong pagpantastahan." Nakangising sabi ni Toby
"Wala ka bang girlfriend? Sa dating mong yan impossible na mawalan." Tanong ni Kezzia
"Wala, liligawan ko pa lang kasi yung magiging girlfriend ko. Sana pumuyag syang manligaw ako." sabi ni Toby sabay wink
"Lakas makapagpakilig ng kumag na to ah." Sabi ni Kezzia sa isip nya
"Well, sana nga pumayag sya. Good luck sa panliligaw mo." Nakangiting sabi ni Kezzia
"I'm done cleaning na Kezzia ko, tara na ihahatid na kita. Ipakilala mo na ako sa parents mo para maligawan na kita." Nakasmile na sabi ni Toby
"Ano?" gulat na tanong ni Kezzia
"Manliligaw ako sayo. Gusto kasi kita. Wala ka namang BF diba at wala akong GF, kaya liligawan kita.?" tanong ni Toby
"Pero I'm older than you. Ang gusto ko sa guy ay yung mas matanda at mas matured saken. Para alam nya kung paano maghandle ng relationship." Sabi ni Kezzia
Inilapit ni Toby ang mukha nya kay Kezzia "So binabasted mo ako?" tanong nito
"Ha?" tanging sagot ni Kezzia na namula ang mukha
"Okey, alam mo bang ikaw ang unang bumasted saken. Ang sakit pala. Ganito pala ang pakiramdam na mabasted!" Sabi ni Toby at lumakad palabas ng gym
"Ano ba yun? Ano bang nangyari? Binasted ko ba sya?" tanong ni Kezzia sa isip nya na may nararamdamang kakaiba sa dibdib nya
"Kung kailan nakita ko na yung babaeng gusto ko. Hay naku Toby kung kailang magseseryosa ka na. Ganito pala ang feeling ng ma-reject at pakiramdam na hindi ka gusto ng taong gusto mo. Nakakalungkot pala, masakit pala." Malungkot na sabi ni Toby sa sarili
Sendoh's Residence
"Hello Dad nandito na po ako." bati ni Kezzia
"Bakit matamlay ka yata? Hindi ka ba pinansin ni Ryota? Makakatikim saken yun." Nagbibirong sabi ni Sendoh
"Dad can I asked something?" tanong ni Kezzia
"Ano yun anak? Mukhang seryoso yan ha?" sabi ni Sendoh at naupo sa tabi ni Kezzia
"Pag po ba sinabi ko sa isang guy na ang gusto ko ay yung characteristics na opposite ng sa kanya, binasted ko na po ba sya non?" tanong ni Kezzia
Ngumiti si Sendoh "Parang oo na parang hindi." Sagot nito
"I don't understand po Dad. Ayusin mo nga ang sagot mo" Sabi ni Kezzia
"Bata ka pa anak, wag mong paka isipin yang mga lalaking yan. Hayaan mo sya kung sino man sya. Tama lang na binasted mo sya." Sabi ni Sendoh
"But I feel guilty dahil baka talagang nasaktan ko sya. I don't want to hurt him kasi wala naman syang ginagawang masama saken Dad." Paliwanang ni Kezzia
"Hayaan mo sya kung nasaktan sya. Hehehehe deserve nya yun. Ang bata bata pa umaalembong na. At ikaw wag kang magpapa apekto sa mga gustong manligaw sayo, baka maapektohan ang pag aaral mo. " nakangiting sabi ni Sendoh
"Okey po Dad. Where po si Mommy?" nakangiting sagot ni Kezzia
"Ah she's with our high school friends. Bamalik na kasi dito sa Kanagawa yung mga kaibigan namen, bonding silang mga girls, later kaming mga boys.Wala ako mamaya, kaya wag kang magpapasaway sa mommy mo ha." Sabi ni Sendoh
"Dad FYI sa bahay na ito, ikaw lang ang pasaway." Nakangiting sabi ni Kezzia
"Hindi ako pasaway anak, cool lang talaga ang Dad mo. Excited na nga akong makita yung mga kaibigan ko. Yung mga kaibigan kong yun, sila ang mga pasaway. "nakangiting sabi ni Sendoh
"Really Dad? Pasaway mga friends nyo dati?" Tanong ni Kezzia
Nakangiting tumango si Sendoh kay Kezzia "oo pasaway sila. Si Rukawang antukin, si Miyaging manyak na tulad ko, idagdag pa si Mitsuing manyakis din. Si Mitong under de saya pati na rin si Maki. Ang matsing na si Kiyota at ang gung gong na si Hanamichi. Namiss ko sila. Ang tagal na din nameng hindi nagkikita kita. Kumusta na kaya sila." Sabi ni Sendoh sa isip nua
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...