Chapter 84

448 22 7
                                    

"Papa lagi ka talagang concern sa akin, even napaka pasaway ko. Susubukan ko po Papa pero hindi po ako nangangako na kaya kong kumilos na pangdalaga. Sabi nyo nga po ni Mama ako ang nag iisa nyong baby at forever nyo akong baby. Sige po Papa ite-text ko lang po si Bryn na payag kayo na lumabas kami mamayang gabi." Nakangiting sabi ni Empress at yumakap sa Papa nya

Nagtungo si Empress sa kwarto nya at kinuha ang phone nya para i-text si Bryn "Hey Bryn payag si Papa na lumabas tayo mamayang gabi." Text from Empress

Dahil hinihintay ni Bryn ang text ni Empress agad nyang binasa ang text nito. Napasigaw sya ng "YES!" ng mabasa ang text ng dalaga

"Please tell Tito Kenji thank you for allowing me to take you out. And to you see you later at 6pm." Text from Bryn

Agad na lumabas ng kwarto si Bryn at pinuntahan ang Papa nya. Kumatok ito sa pinto ng kwarto nina Hanamichi at Kumi "Papa can we talk po. I need you now." Masayang sabi ni Bryn habang nasa labas ng kwarto nina Hanamichi

Makalipas ang ilang minuto lumabas si Hanamichi ng kwarto. BLAG!!! Muling nakatanggap ng batok si Bryn mula sa Papa nya."Papa aray, masakit po, lagi nyo na lang po akong binabatukan." Nakangiting sabi ni Bryn habang nakahawak sa ulo nya

"Makakatikim ka talaga ng batok sa akin. Diba sabi ko gagawa kami ni Boss ng baby boy, ikaw abala kang hinayupak ka. Alam mo bang nasa climax na kame sa mga nagaganap, tapos ikaw bigla kang kumatok." Inis na sabi ni Hanamichi

"Aww sorry Papa, total naabala ko na po kayo ituloy nyo na lang po yan mamaya." Nakangising sabi ni Bryn

"Ano pa nga ba? Oh anong meron bakit mo ako kailangan?" tanong ni Hanamichi

"Papa may date po ako mamaya, pumayag po si Tito Kenji na lumabas kami ni Empress mamayang gabi. Papa first time ko pong lalabas na kasama ang babaeng talagang gusto ko, at si Empress po yun." Namumulang sabi ni Bryn

"Aba ang panganay ko marunong ng lumandi, oh bakit mo pa kailangan ang tulong ko. Pinayagan ka na pala ni Mr. Substitute na i-date yung anak nyang maingay? Itaas moa ng bandera nateng mga Sakuragi." tanong ni Hanamichi

"Papa ano po bang ginagawa pag nakikipag-date? Madami nap o akong naka-date sa UK but I think iba ang culture dito at baka kung anong magawa kong ikakagalit ni Empress kapag ginawa ko yung nakagisnan ko." Tanong ni Bryn

"Naku patay tayo dyan, wala din akong alam pagdating sa pakikipag-date anak. HEHEHE pero ganito ang gawen mo. Magpakatotoo ka lang at maging maginoo. Pagsilbihan mo sya sa date nyo at iparamdam mo na mahalaga sya at mahal mo sya. Tyak ayos na ayos yun." Sabi ni Hanamichi at inakbayan si Bryn

"Naks si Papa galing mag advice, akala mo expert. Basted king naman nung kabataan nya." Natatawang sabi ni Bryn

BLAG!!! Muling binatukan ni Hanamichi si Bryn "Gung gong ka, hihingi ka ng tulong tapos pagtatawanan mo lang ako. maghanap ka ng kausap mo." Sabi ni Hanamichi at iniwan si Bryn

"Looks like na-hurt si Papa. HEHEEHEH pero okay, I will do what he said. Maging maginoo at ipakita ko na mahalaga sya at mahal ko sya. " nakangiting sabi ni Bryn

Mabilis lumipas ang oras, 5:00 pm excited na naghahanda na si Bryn para sa paglabas nila ni Empress. "This is my first date sa babaeng gusto ko, everything must be perfect. Bryn relax ka lang, everything will be fine." Sabi ni Bryn sa sarili, nagsuot ito ng black formal long sleeves at pants with leader shoes. Katulad ng nakagawian nagsuot sya ng shades. Sa suot nya lalong umangat ang kagwapuhan nya at kakisigan nya. Matapos magbihis ay humarap ito sa salamin at pinagmasdan ang kanyang sarili. nagtungo na ito sa bahay nina Empress.

Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon