Kinatusan ni Hanamichi si Bryn "Gung gong na to, akala mo kung sinong napakabait pag ibang tao naman ang kaharap akala mo kung sinong napakataas at mayabang." Sermon ni Hanamichi
Napahawak naman si Bryn sa ulo nya dahil sa ginawa ni Hanamichi "Pa ang sakit po, siguro nakasampong batok na kayo saken buong araw. Ganon po talaga akong makipag usap pag about sa career ko, itinuro po kasi ni Mommy saken na pag dating sa career ko ipakita ko sa mga tao na mataas ako at hindi ako madaling makuha. Pero pag dating po sa pamilya sobrang hina ko po." sabi ni Bryn
Ngumiti si Kumi "Parehong pareho kayo ni Love hindi lang sa physical appearance kung hindi pati sa ugali. Same with Nami ganyan din sya, mukhang nananalaytay talaga sa dugo nyo ang pagiging Sakuragi." Sabi nito
"Aba syempre naman Boss, nananalaytay sa dugo ng mga anak ko ang pagiging henyo. WAHAHAHAAHHA" masayang sabi ni Sakuragi
"Ninong speaking of being a henyo may practice game kami laban sa Kainan, if I'm not mistaken Bryn kasali ka sa basketball team ng Kainan? so manonood po ba kayo Ninong?" tanong ni Ryco
Tumingin si Hanamichi kay Bryn "Oo naman sangganong gubat, ito ang unang laro ni Bryn sa Japan at ito ang unang game na mapapanood ko ang anak ko sa isang laro. Hindi pa man nagsisimula proud na proud na ako sayo Bryn." Sabi ni Hanamichi
"Really Papa manonood ka po? Sige po excited na akong maglaro at mapanood mo." Masayang sabi ni Bryn
"Hey boys it's getting late, tara na mag-dinner. Bryn and Ryco dito na din kayo mag-dinner para naman makapagkwentuhan pa kayo." Malambing na pag aaya ni Kumi
"Ryco halika na, dito ka na din mag-dinner." Nakangiting pag aaya ni Nami at hinila si Ryco papasok ng bahay
Naiwan naman sina Hanamichi at Bryn sa labas ng bahay "Papa" sabi ni Bryn
Tumingin naman dito si Hanamichi "Bryn?" tanong nito
"Masaya lang po ako dahil naging maayos ang lahat. Nung pumunta po ako dito sa Japan puno ng takot ang puso ko dahil wala akong assurance na magiging successful ang paghahanap ko sayo. Pero ngayon nahanap na kita, tinanggap mo ako bilang anak mo. Then tinanggap din ako ng wife mo and ni Nami na sister ko. Ngayon isa na lang po ang ikinatatakot ko, ang result po ng DNA test naten. Natatakot po ako na after all of this happiness baka bukas lumabas na hindi mo pala ako anak." Nakatingong sabi ni Bryn
"Gung gong, kung ano mang lumabas sa result ng DNA naten bukas. Anak man kita o hindi lagi kang welcome sa pamilya ko at dito sa bahay ko." Nakangiting sabi ni Hanamichi at muling ginulo ang buhok ni Bryn
"Thank you po Papa, tama po kayo sa sinabi nyo kanina. Mayabang ako sa harap ng ibang tao, kaya tinitingala nila ako. pero when it comes to my family sobrang hina ko po. Namimiss ko na din po sina Mommy." Sabi ni Bryn
"Sa tingin ko basta Sakuragi ganyan. Halika na sa loob, kumain na tayo. Baka maging dragon pa si Boss pag hindi agad tayo pummasok." Sabi ni Hanamichi
Pumasok sina Hanamichi at Bryn sa loob para kumain ng hapunan. nasa dining room na sina Kumi, Nami at Ryco. "Love and Bryn join us" pag aaya ni Kumi
"Kuya Bryn sanay kang kumain ng Japanese food, pero hindi yung pang mayaman ha? Baka manibago ang tyan mo sa food namen, hindi kasi pang mayaman ang pagkain namen dito sa bahay." Sabi ni Nami
Natawa naman si Hanamichi sa sinabi ni Nami "Princess ano ba yang sinasabi mo, hindi man pang mayaman ang food naten pinaghirapan naman namen ni mama mong mabili yan." Sabi nito
"Nami hindi pa ba pang mayaman ang mga pagkain na to? Pano na pag mag asawa na tayo, anong klaseng pagkain ang ipapakain ko sayo." Tanong ni Ryco
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...