"Bryn hindi ganon yun." Sabi ni Yuri at yumakap din sa binata
"What do you mean?" tanong ni Bryn at hindi pa din bumibitaw sa pagkakayakap sa dalaga
"Ang pagmamahal kusang dumarating yan. Maaaring matagal maaari mabilis. Maaraing swerte ka para mahanap mo agad sya at maaaring malas ka para masaktan ka sa una. Hindi mo maaaring ipilit kung hindi sya para sayo." Paliwanag ni Yuri
"Nire-reject mo din ba ako tulad ng ginawa ni Empress?" tanong ni Bryn at lalong hinigpitan ang yakap kay Yuri
"Hindi ganon Bryn. Sabi nga ng Papa mo hindi tayo talo at sa ngayon magkaibigan tayo. Pero malay mo sa pagdaan ng panahon mag iba yun, alam kong sa ngayon iba ang laman ng puso mo. At ayokong maging rebound lang ako. ayokong maging panakip butas ako dahil hindi ka pinili ng babaeng gusto mo, hindi ko deserve yun Bryn." Paliwanag ni Yuri
"Sorry Yuri hindi yun ang intension ko. Pero tama ka, sa ngayon dapat maka-move on muna ako sa sakit na nararamdaman ko at tama ka, hindi tama na gamitin kita para maka-move on. Mahal ko si Empress at ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang babae. Salamat sa pagpapaliwanag sa akin." Sabi ni Bryn
"Oo, nakikita ko kung gaano mo sya kagusto. Nandito lang ako palagi Bryn, kung kailangan mo ng taong makikinig sayo handa akong makinig. Hindi man kita tinanggap ngayon hindi ko naman isinasara ang puso ko sayo. Pero sa ngayon mas mabuting maging magkaibigan tayo." Sabi ng dalaga
"Thank you Yuri, thank you sa yakap nakakagaan sa pakiramdam. At nakakagaan din sa pakiramdam na may taong handang making sa kwento ko." Sabi ni Bryn at muling hinigpitan ang yakap kay Yuri
Dahil parehong papalabas ng campus para kumain ng lunch ay nakita nina Ryan at Empress sina Yuri at Bryn na magkayap. Dahil sa nakitang eksena napatigil sa paglalakad si Empress "Sina Bryn at Yuri, bakit sila magkayap at dito pa talaga sila nagyakapan. Kasasabi lang nya kaninang umaga na gusto nya ako pero ngayon heto sya may kayakap ng iba. Babaero talaga. Nararamdaman ko nanaman ang sakit sa puso ko, parang may mga tumutusok nanaman dito." Sabi ni Empress na parang naiiyak na
"Empress okay ka lang ba?" naiinis na tanong ni Ryan habang nakatingin sa napahintong si Empress
"Ah oo Ryan, okay lang ako. tara na." sabi ni Empress pero hindi nya magawang maihakbang ang kanyang mga paa nya
"Empress ano ba? Bakit ka ganyan, ako ang pinili mong samahan pero bakit parang hindi naman ako ang gusto mo? Pinaasa mo lang ba ako? Iba ang ikinikilos mo sa sinasabi mo." Naiinis na sabi ni Ryan sa sarili habang nakatitig sa naiiyak na si Empress
"Halika na Empress. Bakit hindi ka makagalaw, nagseselos ka ba? Si Bryn na ba ang gusto mo?" sabi ni Ryan at hinila sa kamay ang dalaga
Dahil sa tanong ni Ryan agad na nakuha nya ang atensyon ni Empress "Okay lets go na Ryan, kumain na tayo ng lunch." Nakangiting sabi ni Empress at humawak sa braso ng binata
Napatingin naman si Ryan kay Empress dahil sa ginawa nito "Ayan ka nanaman Empress, pahawak hawak ka pa sa akin ng ganyan pero hindi ko na makita at maramdaman na ako ang gusto mo." Sabi ni Ryan sa isip nya
Naglakad ang dalawa papalabas sa Shoyo Campus, sa paglalakad nila ay nalampasan nila sina Bryn at Yuri na hanggang ngayon ay magkayakap pa din. "Affected ka?" tanong ni Ryan
"What do you mean?" sagot ni Empress
"Affected ka ba sa nakita mo?" tanong ulit ni Ryan
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...