Chapter 22

292 15 6
                                    

Sendoh's Residence

Dumating si Kezzia from school at nadatnan nyang naglalambingang ang parents nya na sina Akira at Izza sa sala ng bahay nila.

"OMG! Talagang dito pa sa sala ng bahay naten napiling maglandian? Diba may kwarto kayo? Bakit hindi nyo dun gawen yan? Hindi ba kayo nahihiya saken? Dalaga na ako at ganyan ang makikita kong ginagawa nyo?" nakangiting sermon ni Kezzia sa parents nya

Bumangon naman si Sendoh na nakahiga sa legs ni Izza "Lakas magsermon ha? Bahay mo to? Ikaw nagpagawa? Ikaw ang nagtatrabaho para makakain tayo?" Sunod sunod na tanong ni Sendoh sa anak nya

Natawa naman si Izza sa reaction ni Sendoh at sa mga sinabi ng anak nila "Akira asawa  ko, Kezzia is just joking, masyado ka namang seryoso dyan. Patulan ba naman ang anak?." Nakangiting sabi ni Izza

Nang biglang mag-ring ang phone ni Kezzia,"COACH OF MY LIFE IS CALLING"

"OMG! Mon, Dad wag kayong maingay. Tumatawag si coach, baka marinig nya kayo. Kaya SHHHHHH.... muna kayo dyan!" Utos ni Kezzia sa parents nya

Sinagot ni Kezzia ang phone nya "Hello Coach, miss mo na ako?"- Kezzia

"Hello Kezzia, alam mo ba kung nasan si Ryco? Hindi pa sya umuuwi and hindi daw umattend ng practice. Totoo ba yun?" - Ryota

"Coach akala ko naman miss mo na ako kaya you call me, pero dahil pala sa pasaway mong anak. By the way sa pagkaka alam ko po nagpunta sya kina Nami para manligaw. And totoo pong hindi sya umatend ng practice kanina."-Kezzia

"Ano kina Nami? Napaka gung gong talaga nyang si Ryco. Okey Kezzia thank you sa info. Bye"- Ryota

"Coach wala bang I love you?" Tanong ni Kezzia pero ibinaba na ni Ryota

End of Call


"Izza asawa ko, tingnan mo yang anak mo.  Inlab na inlab talaga kay Ryota, ano bang nagustuhan nya sa bansot na yun?." Napapa iling na sabi ni Sendoh

"Akira asawa ko uulitin ko,she only admires Miyagi at hanggang dun lang yun. Magbabago din yan pag may hinangaan syang iba." Sabi no Izza

"Kezzia kumusta? Anong sabi ni Miyagi?" Nang aasar na tanong ni Sendoh

"Tsismoso lang Dad? He just ask kung nasan yung babaero nyang anak. Yun lang. Hindi nya manlang ako kinamusta. Nakakabroken heart talaga si Coach." Maktol ni Kezzia

"Kezzia hows your school? Baka naman hindi ka na nag aaral ng mabuti, baka puro pagpapacute kay Miyagi inaatupag mo?" Tanong ni Izza

"Don't worry mom, hindi po ako nagpapabaya sa pag aaral. Matalino at magaling po ang anak nyo. Kaya lang si coach, hindi nya talaga ako type." Sagot ni Kezzia

"Thats good anak. Dapat hindi pinababayaan ang pag aaral dahil makakapaghintay naman ang lovelife." Nakangiting sabi ni Sendoh

Nang maalala ni Kezzia ang plano nilang sleep over "OMG! Muntik ko na pong malimutan. May sleep over po kame mamaya dito sa house naten. And Dad we need to pick up them later sa house nina Nami." Sabi ni Kezzia

"Dito ang sleep over? Then tayo pa susundo sa mga kasama mo? Ano ba yang mga yan, mga artista? PaVIP pa, bakit kailangang sunduin?" Tanong ni Sendoh

"Dad ako po ang nag invite at ako po ang may idea na sunduin sila. Need ko pa po kasi na ipagpaalam si Nami." Sagot ni Kezzia

" Akira asawa ko samahan mo na lang si Kezzia,  atleast nandito lang sya sa bahay at hindi kung kanikanino nakikitulog. Mas okey na yan." Sabi ni Izza

"Hayst! Napagkaisahan nanaman ako? Okey okey panalo na kayo. Magready ka na Kezzia para maka alis na tayo." Sabi ni Sendoh

Nagpalit na si Kezzia para masundo na nila sina Nami, Toby, Yuan at Dion.  Kasama nya si Sendoh na nagtungo sa bahay ng mga Sakuragi.  Dahil first time makakapunta ni Kezzia sa bahay nina Nami kausap nya si Toby sa phone para magbigay ng directions.  maya maya pa ay narating na nila ang tahanan ng mga Sakuragi.  Nagpark si Sendoh at naunang bumaba sa anak nya dahil nag aayos pa si Kezzia.

"Kezzia dito ba? mag-door bell na ko ha." sabi ni Sendoh at tumango naman si Kezzia

Laking gulat ni Sendoh ng lumabas mula sa malaking bahay si Hanamichi "Tama ba tong nakikita ko? si Hanamichi?" tanong ni Sendoh sa sarili

Kumunot naman ang noo ni Hanamichi ng matanaw na si Sendoh ang nasa gate na nag-door bell, nilapitan nya ito "Hoy at anong ginagawa mo dito? wag mong sabihing pati ang anak mo manliligaw sa Prinsesa ko?" sigaw ni Hanamichi

"Tol ganyan ka ba mag-welcome ng bisita? baka pwedeng papasukin mo muna ako?" nakangiting sabi ni Sendoh

"Pasok ka Tol" nakangiting sabi ni Hanamichi

"Tol hindi ko akalaing bahay mo to, ang elegant at ang laki. Katas ba yan ng JBA AHAHAHAHHA" pagpuri ni Sendoh

"Hindi mo ba nakikita yan? SAKURAGI'S RESIDENCE?? dito sa Japan ako lang yan ungas! " nakangiting sabi ni Hanamichi

"Sandali lang Tol hintayin ko lang yung anak ko, nasa kotse pa sya." sabi ni Sendoh

"HUH! manliligaw din ba yang anak mo sa Prinsesa ko? sobra na kayo ha." inis na sabi ni Hanamichi

"Anak mo? liligawan ng anak ko? Tol maganda ang anak ko, Dyosa mana sa mama nyang si Izza." nakangiting sabi ni Sendoh

"Ganon ba, akala ko dadagdag pa sya. buti naman at babae sya, at buti naman si Izza ang kamukha nya at hindi ikaw.WAHAHAHAHHA" pang aasar ni Hanamichi

Bumaba si Kezzia ng kotse at lumapit kina Sendoh at Hanamichi "OMG kayo po ang Papa ni Nami?" manghang tanong ni Kezzia ng makita si Hanamichi

Ngumiti si Hanamichi kay Kezzia "Ako nga, ang nag iisang henyo sa basketball." sagot nito

"Tol sya ang nag iisa nameng anak ni Izza si Kezzia. 2nd year sya sa Shohoku at team manager ng basketball team." nakangiting pagpapakilala ni Sendoh

"OMG ang hot nyo po Tito, grabe ang tangkad nyo po ang ang laki ng kataawan nyo. then gwapo pa po kayo." namumulang sabi ni Kezzia

"Oi Sendoh ang husay naman ng taste ng anak mo, Hi Kezzia nice to meet you." sabi ni Hanamichi 

"Taste nyan mahusay? Laging matatanda at may asawa ang nagiging crush nyan." sabi ni Sendoh

"Hi po Tito, by the way po nandito po kame ni Dad para ipagpaalam sa inyo si Nami para magsleep over sa house namen." nakangiting sabi ni Kezzia

Napasimangot si Hanamichi "Sleep over si Nami sa bahay nyo? parang hindi ko gusto yan. ayokong nakikitulog sa ibang bahay ang anak ko. baby pa yun at hindi sya pwedeng malayo sa akin." sagot ni Hanamichi

"Tol sa bahay naman namen, hindi na naman kame iba sa inyo ni Izza. at nandun naman kame para bantayan sila. " sabi ni Sendoh

"Tito pls, sige na po. pumayag na po kayo." pagpilit ni Kezzia

"Hintayin naten si Boss, hindi lang ako ang dapat magdesisyon tungkol dyan." sagot ni Hanamichi

"Naks Tol, hindi ko akalaing ganyan ka, masyado kang protective sa anak mo." nakangting sabi ni Sendoh


Maya maya pa ay natanaw nila si Rukawa kasama ang anak nyang si Toby at asawang si Ai. Si Yohei na kasama ang anak nitong si Yuan napapalapit sa kanila. May dumating na sasakyan at bumaba si Mitsui kasunod ang anak nyang si Dion na may dalang malaking teddy bear. at may dumating na nakamotor bike, nagpark ito at nang mag alis ng helmet bumungad sa kanila si Ryota.

"OMG si coach, ang lakas ng dating. dad mahihimatay yata po ako." sabi ni Kezzia sa kay Sendoh

"At ano naman ang ginagawa ng mga ungas na to dito sa bahay ko?" tanong ni Hanamichi





Ball of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon